lilingon na sana ako ng tinawag ako ng nagtitinda

"Anong sa inyo?"Ngumiti ako bago ko sabihin yung order ko tapos ni Blaire

Tumango naman sya at niready na ang pagkain namin pero napahinto ako ng nadinig kong tumili ng mahina yung nasa likod ko

"Prince jake--"Feeling ko huminto yung oras at ang paghinga ko nalang ang nadidinig ko

pano nayan!? Nasa likod ko yung member ng 5H!! Pilit ko nga silang iniiwasan. Bat ngayon pa!?

"Miss eto na yung order nyo..Miss??"Hindi ko maintindihan ang sinasabi ng matanda na nasa harapan ko

Yumuko pa ako lalo, Hindi naman nila ako kilala diba? Hindi nila ako kilala na ako yung kapatid ni David Portez na kaibigan nila pero bakit kinakabahan ako?

"Hindi mo ba kukunin yan?"Napatayo ako ng deretso ng meron nagsalita ng malamig sa likod ko, napalunok ako. Waahhh natataranta na ako--

"Miss, Kunin mo na nga yan order mo ang bagal mo. Pinaghihintay mo si prince jake"Inis ma sabi ng babae sa likod

Dali dali kong kinuha yon pagkatapos kong bayaran tapos yukong nag sorry

"Sorry po"Mahinang sabi ko at yukong naglakad

Muntikan na yon

----
"Bakit naka ganyan ka Clarisse?"Gulat na sabi ni blaire

Inayos ko yung buhok na nakatabing sa mukha ko

"Kamain ka nalang"Mahinang sabi ko

Natawa sya

"Bakit ka nga nakaganyan? Para kang si sacred rianna"natatawang sabi nya

"Ano ba.."Sabi ko tapos inayos ang buhok ko

"itali mo na nga yan buhok mo, tapos kumain kana din."Tumango nalang ako

"At Clarisse..."Nagulat ako ng ayusin nya yung salamin kong nakatabingi

"Yan, Maayos na. Alam mo mas bagay sayo yung Walang salamin, Maayos naman yung porma mo pero hindi bagay ang salamin nayan.Nagmumuka kang nerd. Malabo ba mata mo?"
Takang sabi nya

Umiling ako

"Hindi naman, mahilig kase ako magbasa ng libro kaya nagsasalamin ako, nasanay nadin ako"tumango tango naman sya pero maya maya nagsalita

"Hmmm,mas bagay to sayo"

"Ano--Blaire ibalik moyan!"

"Ayaw ko nga.."Napapikit ako ng mariin

"Blaire, Hindi ako sanay na walang salamin"

"sanayin mo na, Starting today no more glasses. Bili Dilat kana~...Kase naman ang laki laki nitong salamin kaya hindi masayado napapansin ang beauty mo"

nakapikit padin ako, Buong buhay ko kasama ang salamin nayan huhuhu

"Pero blaire--"

"Nope--Kyaahhhhh!!!!!Clarisse nandyan yung 5H!!!!"

"Ano!?"Wala nakong naintindihan kundi puro tili

"Waahhhh Knight!!!!"

"Blaire yung salamin ko!"Hindi nya ko pinansin

"Papalit na sila dito!"

Mas lalo akong nataranta kaya dumilat nako at tumayo ng mabilis at aalis na sana pero malabo yung nakikita ko kaya nasanggi ko yung pagkain ko at natumba ako

"OMG Clarisse!!"Naramdaman kong hinawakan ako ni blaire sa braso

"Ok ka lang ba!? Sorry talaga--"

"o-ok nako"

"Hindi, Nasaan naba yung salamin mo, sorry talaga. Wait hanapin ko lang"Ramdam kong tumayo si blaire

kinusot kusot ko ang mata ko pagkatapos dumilat,Sa una wala pakong masyadong makita pero ngayon malabo nalang ng konti

napa tingin ako sa gilid ko at napahinto...A-ang daming nakatingin sa akin tapos...

"Kuya.."Mahinang sabi ko ng ako lang makakadinig

nakatingin lang sya sa akin ng malamig

napayuko ako, Wala na nakita nya na ako

"Ok ka lang ba?"Napaangat ako ng meron nagsalita

Nakaluhod sya at nakatingin sa akin

"Bakit sya kinakausap ni Prince Lance?"

"Mr.Library boy.."

"Mr. Library boy?.. Ayon ba ang tawag mo sa akin?" Tumawa ito ng mahina

Ngumiti sya ng konti pagkatapos nilahad ang kamay sa akin

napatingin ako sa kanya pagkatapos sa kamay nya

"Bili na"kaya tinanggap ko nalang kasabay ng bulong bulungan

"P-prince lance.."Napalingon ako kung nasaan si Blaire, nakatulala sya habang nakatingin kay Lance

Tinignan sya ni Lance pagkatapos sa akin

"Wala bang masakit sayo?"

"Wala naman--"

"Lance Bilisan no na dyan"Malamig na sabi ni kuya

napatingin ako kina kuya, may kasama syang dalawang lalaki at isang lalaki na walang emosyon na nakatingin sa amin

Tumingin ako kuya at seryoso lang syang nakatingin sa akin bago umalis..Alam kong hindi nagustuhan ni kuya ang nangyari

"Lance.."Nagsalita na si Mr.Hallway kaya napabuntong hininga si Lance

Siya nga pala yung Leader nila

"Mauuna nako"Tumango nalang ako ng makaalis na sya

nakatingin lang ako sa kanila ng biglang lumingon si Mr.Hallway at tinignan ako tas umalis na

Napabuntong hininga ako

"Clarisse...What just happened?"Tulalang sabi ni blaire

Ako nga din eh, Ano bang nangyari?

VOTES

COMMENT

FOLLOW

SHARE

The 5 hotties and meWhere stories live. Discover now