Chapter Four

894 40 3
                                    

Nakatulala lang ako habang nakatingin sa malayo

"Bakit hindi sinabi sa akin ni kuya na yung grupo nya ay ang 5H.."Mahinang sabi ko

Kaya pala ganon nalang ang reaksyon niya nung mangtanong ako tungkol sa kanila

napabuntong hininga nalang ako, Naging matago na talaga sa amin si kuya ng lumipat sya dito

Dati kasi, nakakausap pa namin yan ng matino pero ngayon ang lamig na nang titig nya at tumapang pa, kaya mas nakakatakot na sya ngayon

Napaangat ako ng tingin ng may tumili

"Nandito na ang 5H!!!"Tili nya

"Kyaahhhh!!!"Tumakbo na ang iba

"Patay"Mabilis na tumayo ako at luminga linga, Hindi dapat ako makita ni kuya!!!

Nagmamadaling nagtago nalang ako sa Likod ng puno

"OMG! Ang gwapo nyo talaga!"palapit ng palapit yung boses

Pumikit ako ng mariin, Lord sana hindi nila ako mapansin dito

"Hey bro, Nasaan na nga ang kapatid mo? Hindi pa namin sya nakikilala--Oh wag mokong tignan ng masama. Chill, Wala akong gagawin na masama sa kanya,Gusto ko lang makita ang kapatid ng kaibigan namin.."

"Cute ba sya?Hmmm Bibigyan ko sya ng mga candies ko"

"Lance, Bakit ka nakangiti dyan?"

"Wala.."Napadilat ako ng marinig ang boses nya, Si Mr.Library boy. Lance pala ang pangalan nya

Napatago pako ng makita kong dadaan na sila

"Mahirap talaga maging gwapo"

"Bilisan nyo na dyan,Malalate na tayo"

"Oo na john, tsk kakain mo lang ganyan kana"

Palayo na ng palayo ang mga boses kaya napabuntong hininga ako, Buti nalang hindi ako nakita nila kuya

Lumabas na ko sa pinagtataguan ko at kinuha ang gamit ko

"Pero....Ako ba yung pinaguusapan nila kanina?"
Tanong ko sa sarili ko

---
"Clarisse, mauna ka na sa pila may nakalimutan ako sa room"Nagmamadaling sabi nya

"Ahh sige---"Napailing nalang ako ng tumakbo na sya

Ilang araw na ang lumipas at ilang araw nadin akong nagtatago.pag may naririnig na akong tili tago na agad ako, Alam ko naman na sila lang ang tinitilian dito. Ang 5 Hotties

Ng makadating na ako sa canteen pumila na ako

Ang tagal naman ni blaire, Ano kaya yung nakalimutan nya?

Napatingin ako sa likod ko, Yung dalawang babae. Pinaguusapan nila yung 5H

"Alam moba, mamaya daw may kakalabanin daw sila Prince jake"

"Oh!?Gusto kong manood!!"

"Pero ang sabi bawal daw--"Nagtaka ako ng bigla nalang huminto ang dalawa sa paguusap

The 5 hotties and meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon