Chapter Two

1K 46 27
                                    

nag ring na ang bell kaya nagpaalam nakami sa guro

Niligpit ko ang gamit ko ng mapatingin ako sa room

Hay, Nakalungkot naman

Wala pa kase akong kaibigan simula pa kanina, miss ko na yung mga kaibigan ko sa dati kong school

Mababait kase sila at masaya kasama pero dito nakakatakot

hindi ko sila makausap kase pag kinakausap ko naman iniirapan lang ako

Huhuhu

kaysa sa tumambay sa classroom lumabas nalang ako at nagikot

Hindi ko pa kase masyadong kabisado ito

Ang laki kase grabe, ang yaman naman ng may ari

Habang naglalakad napapatingin ako sa labas ng mga bintana, grabe ang linis ng running field lahat ata malinis--

Napatingin ako sa harapan ng meron akong nasalubong na tao, lalaki na nakapamulsa habang naglalakad

Tulad ko ay tumitingin din sya sa labas

Napansin nya atang may nakatingin sa kanya kaya tumingin sa gawi ko kaya napalaki mata ko

Anong gagawin ko!?

"A-ahmm--"Napanganga nalang ako ng titigan nya lang ako ng malamig pagkatapos ay nilagpasan

Tumingin ako sa likod ko at nakita ko sya na deretso lang maglakad

"Snober"Irap na sabi ko at maglalakad na sana ng meron humawak sa balikat ko kaya napatalon ako

"Anak ng Multo!!--"

"Hehe nagulat ba kita?"napahinga ako ng malalim ng makita kong isang babae lang pala ang humawak sa akin, Nagaaral din sya dito dahil nakasuot sya ng uniform namin.

"Grabe ka girl, Nagkatitigan pa kayo ni Prince jake"

"Prince jake?"takang sabi ko

Gulat naman syang napatingin sa akin

"Hindi mo sya kilala!?"Napatakip ako ng tenga sa sobrang lakas ng sigaw nya

kaya napatingin ang iba sa amin

Humingi ako ng paumanhin sa mga taong nasa paligid

Ang lakas ng boses nya

"Sorry"peace na sabi nya

gumilid muna kami at umupo sa nakitang bakanteng upuan

"Sino ba sya?"Kahit na hindi sya makapaniwalang hindi ko yun kilala sinagot niya parin

"Sya si Jake Valerno isa sa sikat dito, Leader sya ng The 5H short for the 5 Hotties, sikat sila sa ibang lugar kaya nakapagtataka na hindi mo sya kilala"Takang sabi nya

"5H?"Hindi ko alam na maeron ganon dito

At leader sya ng 5H?

"Wow..Hindi mo nga talaga sila kilala, so eto ehem, Ang the 5H ay sikat na grupo dito sa Garcia university, Magagaling sila dito at sila din ang pinaka gwapo dito"

napatango tango naman ako

"..Pero"

"Pero?"

"Umiwas ka sa kanila, Dahil delikado sila. Naalala ko pa non, Binigyan nila ng napaka walang awang parusa ang naghamon sa kanila, tas yun wala din palang binatbat"Ngiting sabi nya

"Bakit parang kinikilig kapa?"kunot noong sabi ko

napatigil naman sya at tumikhim bago ibaba ang kamay na nakataas na

"Kase naman....Gusto ko yung isa sa kanila pero you know I'm just a simple girl here"Malungkot na sabi nya

"Sino?"nahihiya pa syang sabihin pero tinuloy padin

"Si..Knight"Kilig na sabi nya

"Knight?"

"Sya naman si knight Abellano, Sikat na playboy dito sa G.U, Araw araw ko syang nakikitang iba't ibang Kasamang babae pero hindi padin ako tumigil dahil gusto ko sya"Ngiting sabi nya

"Ganun mo sya kagusto?"

"Yup, Hindi panaman sila eh.Sayang ang 10 years kong paghihintay--"

napaubo ako kaya hinagod nya yung likod ko

"Hala! ok ka lang!?"

tumango ako bago himinga ng malalim

"10 years?"

"Yup, bata palang kami kilala ko na sya kaya yun"

"pero...Seryoso 10 taon? Hindi kaba napapagod?"Bumuntong hininga sya bago magsalita

"hindi eh, Kase kung mahal mo talaga ang isang tao kaya mong maghintay gano paman yan katagal kahit na walang kasiguraduhan yon"

Napatango nalang ako

"Bilib ako sayo"Tumawa lang sya

"Ay oo nga pala, Hindi pa tayo nagpapakilala sa isa't isa. Ako nga pala si Blaire Portez"

"Clarisse Umapas"Ngiting sabi ko

"Umapas?ka ano ano mo si David Umapas?"

Si kuya? Sikat ba sya dito para malaman ng iba ang pangalan nya?

"a-ah hindi"Hindi ko kayang sabihin na kapatid ko sya, kase sabi ni kuya sa akin wag ko daw pag sabi sa iba

"Ahhh kala ko ikaw na yung kapatid na sinundo nya kanina, Grabe sabay pa nga kayo lumipat--ok ka lang ba talaga?"

Tumikhim muna ako dahil inubo ako

"O-oo naman, paano mo naman nalaman na may kapatid si david?"

"hmm nadinig ko sa mga fans nya"

Grabe, Sikat nga dito si kuya may fans pa eh

VOTES

COMMENT

FOLLOW

PLEASE!

The 5 hotties and meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon