Simula

1.5K 55 14
                                    

Bumuntong hininga ako ng Bumukas yung pintuan ng kwarto ko

"Kuya.."Walang emosyon lang syang nakatingin sa akin

Mas matanda siya sa akin ng isang taon

"Aalis na tayo"Tipid na sabi nya at sinarado na ang pinto

"Bakit ba kase kailangan lumipat"Mahinang sabi ko at kinuha na ang gamit ko

Ng makababa na ako, Naabutan ko sila daddy na naguusap.Napatigil sila at napatingin sa akin

Lumapit sa akin si daddy at kinuha ang gamit ko

"Anak,magiingat ka don"

"Ano kaba dad, ako pa"Tawang sabi ko

Natinig kong ng tsk si kuya, Wews KJ

"Bilisan nyo na, malelate na tayo"Sabi ni kuya at nauna na sa sasakyan

"Makinig ka lagi sa kuya mo anak, At wala panaman ako dito kaya magiingat kayo"Sabi nya at niyakap ako

napapikit ako

"Bakit pa kase kailangan nyong umalis dad? Pwede naman dito nalang kayo"malungkot na sabi ko

Pupunta kase si dad sa Cebu kaya mawawala sya ng ilan buwan dahil sa project nila kaya nilipat ako sa school ni kuya, may Bahay si kuya doon malapit sa school kaya minsan lang sya umuwi sa amin

Kaya lagi ko kasama ay si dad at tungkol sa mama ko...Wala na sya

"Hindi pwede anak, sige halika na at baka malate kapa sa unang klase mo"Tumango lang ako

kahit labag sa kalooban ko ay sumakay na ako sa kotse

Napatingin nalang ako sa bahay ng umandar na ang kotse, ma miss ko to

Habang nasa kotse napatingin ako kay kuya ng magsalita sya pero nakapikit

"Dumeretso kana sa room mo"Tipid na sabi nya

Tumango lang ako
----
Binigay na sa akin ni dad ang bag ko ng makababa na ako sa sasakyan

Wow ang laki nga ng school ni kuya

"Ako na bahala sa gamit mo, i dederetso ko sa bahay ng kuya mo"Sabi nya

tumingin sya kay kuya

"David, ang pinagusapan natin.Bantayan mo ng mabuti ang kapatid mo"

"Oo na"Tamad na sabi nya at sinuot ang headphone nya

Umiling lang si dad bago kami halikan sa noo, Umiwas pa nga si kuya

"Sige, magiingat kayo mga anak"Tumango lang ako at nagpaalam na sa kanya

Nang makaalis na si dad nagsimula na maglalad si kuya kaya sumabay nako pero napahinto ng huminto din sya

Napaurong ako ng umikot sya at tinitigan ako ng deretsyo

Ngumiti ako ng alanganin

"Hehe kuya? bakit nga pala tayo nandito sa parking lot binaba? Diba dapat sa front--"

"Madaming tao"Tipid na sabi nya

"Ahh--"

"Paalala ko lang Clarisse, Wag kang lalapit kung kanino. Masyadong delikado dito kaya magiingat ka at isa pa, Wag kang lalapit sa akin pag nandito tayo sa school. Naiintindihan mo ba?"Seryosong sabi nya

"Opo"Ngusong sabi ko

Daming arte

Tumango tango sya bago ulit naglakad

Nang nasa loob na kami nagiba na ng daan si kuya

Napanguso nalang ulit ako

"Sya na nga lang kilala ko eh"Arte talaga ni kuya daming kaekekan na nalalaman

Napagisipan ko nalang na libutin itong university dahil masyado pang maaga

Hindi ko pinansin yung sinabi ni kuya na dumeretso agad sa room

Napanganga nalang ako dahil ang ganda dito sa Garcia University, Balita ko lahat daw ng mga nagaaral dito mga gangster kaya ganon nalang si kuya

Napahinto ako ng meron akong nadidinig na tilian

"Ano kaya yon?"Bulong ko bago ko naisipan sundan ang ibang babaeng tumatakbo

pero nagulat nalang ako ng makita ko yung orasan

"Patay! late nako!"Sabi ko at dali daling tumakbo

Dapat talaga sinunod ko yung sinabi ni kuya, ang Lawak pala nitong school at maliligaw ka talaga!

Third person's POV
Tahimik na nakaupo si Jake sa sofa habang nakapikit habang sila John at Knight naman ay naguusap

"John, diba may Kilala kang babaeng maganda at sexy?Yung kausap mo nung nakaraan"Napaisip naman si john bago magsalita

"Nakalimutan kona" inis na hinampas niya ito sa balikat

"Tss!"Natawa nalang si john sa reaksyon nya

"Dami ko na kayang binigay sayo na pangalan, nagsawa kana ba agad?"

"Tsk, Wag na madami pa naman babae dyan sa labas"Inis na sabi ni knight at kumain nalang

Tahimik lang si Lance habang nagbabasa ng libro

Napatingin sila John sa pintuan ng bumukas at pumasok si David na walang emosyon ang mukha

"Oh David, Bat hindi ka sumabay sa amin?"

"Sinundo ko kapatid ko"Napatingin naman si Knight kay David at tumabi sa kanya kaya bagot na tumingin sa kanya si david

"Maganda ba kapatid mo? Hmm halata naman sa Genes nyo na magaganda kayo at gwapo--"

"Wag ang kapatid ko Abellano"Napadilat si Jake ng mata ng madinig ang seryosong boses ni David

Huminto sa pagbabasa si lance at tumingin sa kanila.
Natahimik naman sila john habang nakatingin kay david na seryosong nakatingin din sa kanila

"Kung ayaw nyong Masira ang pagsasamahan natin. Wag nyong galawin ang kapatid ko..."

At huling tinignan nya si Jake na seryoso din nakatingin sa kanya

"..Alam ko naman na wala kayong gagawin sa kapatid ko.."

Napangisi nalang si Jake at nagiwas ng tingin sa huling sinabi ni david

"At walang magkakagusto kahit sino man sa inyo sa kanya kung hindi...ako ang makakalaban nyo"

"syempre naman David, Hindi pa nga namin nakikita ang kapatid mo--"

"Kung mangyari man yon, Alam nyo na ang mangyayari"Malamig na sabi nya at lumabas ulit

"Katakot talaga si David"Takot na sabi ni John

Umiling lang si Knight

Napatingin ulit si Lance sa pintuan bago bumalik sa pagbabasa

"Kung magkakagusto kami sa kanya"Mahinang sabi ni Jake at pumikit ulit

VOTES

COMMENT

FOLLOW

PLEASE!

The 5 hotties and meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon