"I will. Sorry for being so childish. Nasanay lang ako na tayo lang talaga yung magkasama. I love youuuu." Ngumiti ako sa kanya.

"I love you.." Oo nga pala kailangan kong magpaalam. "Baby?"

"Hm?"

"You know the little girl from the picture that Bianca tagged me? Birthday niya kasi bukas and Bianca messaged me na gusto daw akong umattend ni Fin. Okay lang po? Isasama ko si Sam!"

"Okay lang. We already talked na naman and I know na ako lang yung mahal mo. Just inform me sa mga lakad mo nalang para alam ko kung nasan ka." Nakangiti naman siya kaya alam kong okay lang talaga.

"Thanks! I'll introduce you to Fin tomorrow."

"Okay. Ay baby, I'm with Hers now na pala kaya hindi na 'ko loner."

Nag tongued out pa siya hahaha! Inaasar ko kasi siyang loner.

"Nasan siya? Tell her I miss her."

Bigla namang litaw ni Hershey sa screen tas mahinang tinulak si Athena.

"I'm here na babe. Alam mo na kailangan fresh ako kapag haharap sayo para hindi ka magsawa sa'kin. Kasi look at my cousin? Dirty diba?" Nabatukan siya ni Athena dahil don haha! "Tsh! So yun nga babe, I miss you too." Nag flying kiss pa siya kaya umarte 'kong nasalo ko tas inilagay ko sa cheek ko.

Nanjan siya kasi gusto daw muna niyang mag travel bago mag work. Kakagraduate niya lang kasi.

"Hers, pwede bang lumayas ka? Time namin 'to ng GIRLFRIEND ko diba?"

Yan na nagtaray na yung pinakamamahal ko. Tinutulak-tulak pa si Hershey kaya natatawa lang ako sa kanila.

"Hooooy! Kafal ng fez mo! GIRLFRIEND KO! Pinahiram ko lang sayo inangkin mo na!" Sabi naman ni Hers.

Sinamaan siya ng tingin ni Athena.

"Go to your room or else.." Seryoso na talaga siya. Kailangan ng awatin. Pikon kasi yan eh.

"Baby."

Inis siyang tumingin sakin tas huminga ng malalim.

"Fine. Sorry, Hers. Badtrip ka kasi. Hmp! Sige na dun ka na sa room mo please? Lalandiin ko pa si Lj!" Natawa lang si Hers tas nagpaalam na rin sakin.

Magkatitigan kaming dalawa sa screen ngayon. Di ko mapigilan eh.. Sobrang ganda niya lang talaga at mas gusto ko na ganyan lang siya kasimple. Mas gusto kong simple lang yung ayos niya.

"Are you trying to seduce me?" Nakakaakit na sabi niya. Hindi naman kasi talaga siya nang-aakit, naakit lang talaga ko wahaha!

"Hey, I'm innocent. What do you mean, Miss?" Kinindatan ko pa siya.

She flipped her hair sideways then look at me intently.. Oh my god..

"Wala naman.."

Ganun pala ha?

Since di ko na suot yung blazer ko, I unbuttoned the first three on my polo. Nakita ko namang napalunok siya. Galing ko shit!

"Wala?"

"Yup.. Uh, why did you unbuttoned your polo?"

"Init eh.."

"Ah.."

Muntik na yata kong mahimatay nang bigla niyang hinubad yung shirt niya! Puta! Nakabra nalang siya!

"The fuck, Athena?! Wear your shirt now!"

Think TwiceWhere stories live. Discover now