SPECIAL CHAPTER

1.1K 55 7
                                    


LADE'S  {P.O.V}

"Ok na ba lahat?" Mahinang tanong ko kila Lee pag lapit ko sa table nila.

"Ok na' kaya chillax ka lang." Sagot ni Jim.

Huminga naman ako nang malalim upang matanggal yong kaba sa dibdib ko.

"Wag kang magkakamali." Napabaling ang atensyon ko kay Harold dahil may pagbabanta sa tono nito at deritso itong nakatingin sa mga mata ko.

"Tsk..---"

"Opps..' Wag na naman kayong mag simula,nakakahiya sa mga biseta nila Zade at take note' kasiyahan ito,kaya pwedi ba? Wag masyadong seryuso?" Saway ni Lee.

Nasa wedding reception kasi kami nila Zade at Namyurie na kinasal na kanina lang.

"Ako ba nag simula?" Parang batang reklamo ko.

"Kailangan mo pa ba itanong yan?" Nang iinis na sagot ni Harold.

"Anong gusto mong palabasin?!" Pabagsak kong pinatong ang dalawang kamay sa ibabaw nang mesa at tumungo ako upang mag pantay ang mukha namin dahil kampante lang itong nakaupo, kaya pinukol ito nang nakamamatay na tingin.Buti na lang maingay ang buong paligid kaya hindi kami nakakagaw pansin.

"Hays..' Iwan ko sa inyong dalawa..!" Naasar na turan ni Lee.

"Sshhh..umayos kayo' papalapit si Katrina." Singit ni Jim na kinaayos ko nang tayu.

"May problema ba?" Tanong ni Khat nang makalapit at palipat-lipat ang tingin nito saming dalawa ni Harold.

"Wala..wala..ahmm..' Inaayos ko lang itong necktie ni Harold." Palusot ko at hinawakan kunwari ang necktie ni Harold at nang ngumisi ito pasimple ko itong hinila na kinabigla nya.

"Lade mali yan,masasakal mo sya nang wala sa oras,ako na nga." Kontra ni Katrina at pumalit ito sa pwesto ko.

Masasakal ko talaga yan,nasa oras man o wala.Pag ngingit-ngit ko habang napapakuyom pa ang kamao.

"Yan..ok na' gwapo kana best friend." Nakangiting turan ni Katrina pagkatapos.

"Thanks.. Khit-khat." Sagot naman ni Harold pero sakin ito nakatingin at halos sumabog ako sa galit nang ngitian ako nito nang may pang-aasar."Wala ka pa ring pinagbago." Malambing na sabi nito na titig na titig sa mukha nang girlfriend ko, sabay hawi sa ilang hiblang buhok ni Khat na kumawala sa simpleng pagkakatali.

"PRINCESS OF TEARS" (Lade & Khat) LESBIAN UNIVERSITY PART 2Where stories live. Discover now