CHAPTER 4

870 50 13
                                    


LADE  (P.O.V)

"Naligaw ka yata dude" tumatawang sabi ni Lee nang makabalik ako sa mesa namin.

"Malakas ba hangin at nilipad ka sa magandang girl? Share naman oh.." Pang aasar din ni Jim.

"Yong girl ba kanina?" Tanong naman ni Harold.Napatingin ako dito at hindi ko napigilang mapangiti.

"Sinong girl?" Mag kasabay na tanong ni Lee at Jim.

"Sa elevator" sagot ni Harold.

"Yong Elevator girl? Langya Lade may asawa na yon" sabi ni Lee habang napapailing pa.

"Escalator girl? Gusto mo?" Pang aasar naman ni Jim.

"Mga gago." Sagot ko.

"Slow nyo naman mga dude." Kampi ni Harold sakin."That girl" sabi nya habang nakatingin sa mga taong nagsasayawan sa gitna,sinundan ko ang tingin nya at nakita ko si Trina ang sexy nitong sumayaw habang kasama ang mga kaibigan nya,simple lang ang bawat galaw nito,pero maagaw ang atensyon mo dahil sa taglay nitong kaseksihan na nakakaakit.

"Pucha..! Ang hot,kala ko kanina sa elevator seryuso syang tao,pero tingnan mona man ngayon,parang nakikita ko sa kanya si Maja Salvador." Biglang sabi ni Jim habang nakatotok ang tingin nito Kay Trina.

"Pansin ko lang,parang pamilyar sya sakin" namamangha namang sabi ni Lee.

"Baka isa sya sa mga naikama mo" biro ni Harold kay Lee.

"Nagkakamali ka,Virgin pa yan sa tingin ko." Sagot ni Lee,habang nakatingin sakin.

"May point ka dyan dude,dahil hindi naman yan mapapansin ni Lade kung hindi na Virgin" sang-ayon ni Jim.

"Pustahan?" Hamon ni Harold.

Na blangko ako nang marinig ko ang word na pustahan,may guilt na naman akong naramdaman.I'm sorry.

"Sige ba" sagot nong dalawa.

Napapailing na lang ako sa mga naririnig kong usapan sa harap ko.

"Tika,pano natin malalaman kung sino  mananalo?" Tanong ni Jim.

"PRINCESS OF TEARS" (Lade & Khat) LESBIAN UNIVERSITY PART 2Where stories live. Discover now