CHAPTER 48

650 34 9
                                    


Minulat ko ang mga mata nang makarinig ako nang mga hikbi,pero wala akong makita kahit alam kong mulat na ang mga mata ko.Sinubukan kong igalaw ang mga kamay ko.

"Aww..!" Daing ko dahil sumakit ang buong katawan ko.

"O'dyos ko..Lade anak salamat at gising ka na." Umiiyak na tinig ni Mommy at naramdaman ko ang haplos nito sa kanang pisnge ko.

"Mom..bakit wala po akong makita? Nasaan ako?" Nag tatakang tanong ko.

"Masyadong nabugbog ang mga mata mo kaya minabuting lagyan muna ito nang benda para hindi ito ang maging sanhi nang tuloyan mong pagka bulag." Sagot ni Zade na alam kong nasa tabi ko lang din.

"Pano ako nakaligtas?"

"Sinundan kita nang umalis ka,nahuli lang ako nang dating kaya hindi kita nailigtas agad." Nakokonsensyang sagot nito.

"Thanks' Zade.." Mahinang sabi ko at tinapik lang ako nito sa isang palad.

Maya-maya pa nag paalam si Mommy na susundan si Daddy na kausap sa mga oras na'to ang doctor ko.

"PRINCESS OF TEARS" (Lade & Khat) LESBIAN UNIVERSITY PART 2Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα