CHAPTER 23

633 37 3
                                    


LADE (P.O.V)

Maliwanag na ang buong kabahayan pag gising ko,at nag taka ako na may kumot nang naka patong sa katawan ko na kagabi wala naman,nahiya na kasi akong pumasok sa kwarto ko dahil baka kung ano pang isipin ni Trina,bumangon ako nang maalala ko ito at dahan-dahan lumapit sa pinto nang kwarto at dinikit ang isang tenga sa naka pinid na pinto,pero napakunot ang noo ko nang wala manlang akong marinig kahit mahinang kaluskos mula sa loob.Tulog pa kaya ito? Maingat kong pinihit ang siradura para kung sakaling tulog pa ito,hindi ko madistutbo,pero laking gulat ko nang malinis na ang kama ko.

"Trina?" Tawag ko at nag bakasaling nasa loob ito nang CR pero walang sumagot,at napalingon akong muli sa sala nang marinig ko ang phone ko,may nag text.

-sorry,hnd na kita ginising thanks ulit Lade.. :)

Napangiti naman ako sa kawalan pagka basa ko sa message nya.

--------------------------- -------------------------

Pumasok na ako nang LU at habang hinahanap ko sila Lee namataan ko sila Namyurie kasama ang mga friends nya,nginitian ko ito nang mapatingin sakin at tango lang ang naging sagot nito,mula nang maging sila na ni Zade nirespito ko ang relasyon nila kahit aminin ko man ngayon mahirap parin syang kalimutan.

"Langya..! Lade naka ilang rounds kagabi?" Biglang sulpot nila Harold at tinapik ako nito sa balikat.

"Ano na mang yang pinagsasabi mo?" Sagot ko.

"Wag ka nang mag deny dude' nakita naming may lumabas na magandang girl mula sa unit mo" banat naman ni Lee.

"Mga hayop kayo' stalkers ko ba kayo?"

"Haha..nagkataon lang yon,gigisingin ka kasi sana namin para sumamang mag jogging, kaso mukhang napagod ka yata kagabi" tumatawa na mang paliwanag ni Jim.

"Uo,nga ang sakit nga nang likod ko" sabay hagod sa batok ko.Nanlaki naman ang mga mata nong tatlo na parang naniniwala sa acting ko.

"Hayop..! Masarap ba?" Intresadong tanong ni Lee.

"Uo..subrang sarap..!" Pag mamayabang ko pa,at namilog na ang mga mata nong tatlo."masarap na mahirap-----matulog sa sofa..! Mga gago..! Ang dudumi nang mga bituka nyo..!" Sabay batok ko isa-isa sa mga baliw kong kaibigan.

"PRINCESS OF TEARS" (Lade & Khat) LESBIAN UNIVERSITY PART 2जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें