CHAPTER 30

678 37 9
                                    


KATRINA'S  {P.O.V}

Maaga akong gumising kinabukasan,pero nanatili akong nakahiga dahil hindi parin ako makapaniwala.Hindi ko lubos maisip na ito na ang huli kong tulog sa kwarto kong ito.Nilibot ko ang paningin sa Loob nang kwarto at naramdaman kong sumisikip ang dibdib ko dahil hindi kona matutupad ang pangako kay Lolo bago ito sumakabilang buhay.

"Apo..alagaan mo ang Lola mo,at pahalagahan mo ang Hacienda dahil dito ka lumaki at darating yong araw na ito din ang mag sisilbi mong tahanan sayong pagtanda,kasama ang yong pamilya"

Nakaramdam ako nang kunting inis kay Mama,dahil nagawa nyang ibinta ang lupain kung saan sya isinilang at alam naman nito na dugo't pawis ang naging puhunan nang kanyang magulang para manatili sa pangangalaga nang pamilya nila  ang hacienda.

Minabuti ko nang tumayo,at matapos mag bihis dinala kona ang mga gamit ko pababa.Tahimik pa ang buong kabahayan at nasisiguro kong mahimbing pa ang tulog ni Lade sa kabilang silid.

Matapos kong ilagay sa likod nang kotse ko ang mga bagahe ko,nag ikot-ikot muna ako at nakarating ako sa kamalig at malungkot akong pumasok doon pero napangiti ako nang biglang umungol si Samara ang kabayo kong kasing tanda ko lang.

"Hey..' Na miss kita Ah'..mabilis ka pa bang tumakbo?" Kausap ko dito habang hinahaplos ang mukha.

"Ma'am Katrina?!" Gulat na bulalas ni mang Kardo habang kinukusot pa nito ang mga mata,na wari'y koy kagigising lang.

"Kumusta na po kayo?" Tanong ko dito.

"Masayang malungkot po" sagot nitong nakangiti pero may lambong ang mga mata nito."Masaya dahil nagawi po ulit kayo dito sa Del Avesta Hacienda, kahit pinagbili nyo na po ito" malungkot na pahayag nito sa dulo.Napabuntong hininga naman ako at hindi ko naiwasang mahabag dito.

"Mang Kardo,kahit hindi na po kami ang nag mamay-ari nito,mananatili parin naman kayo dito sa hacienda bilang mang gagawa"

"Nagkakamali po kayo,ma'am dahil nong isang araw lang may kumausap saming isang abogado,at pinaalam samin na ilang araw na lang ang ipamamalagi namin dito sa hacienda" kumonot ang noo ko sa sinabi nito."nalungkot kaming lahat dahil dito na kami nag simulang bumoo nang pamilya hanggang pati mga anak namin dito na isinilang at lumaki,parang bangungot po na isang araw  lilisanin na namin ang lupang ito" naluluhang patuloy nito.

"PRINCESS OF TEARS" (Lade & Khat) LESBIAN UNIVERSITY PART 2Where stories live. Discover now