CHAPTER 36

672 31 2
                                    


LADE'S  {P.O.V}

Gutom lang itong nararamdaman ko.kumbinsi ko sa sarili ko at minabuti na lang mag tungo sa kusina.

Binuksan ko ang ref at kinuha ko yong marinated na pork chop upang lutoin ito.Pero natigilan ako nang matantong hindi ko alam kung pano lutoin yon.Maya-maya napapitik ang daliri ko nang may naisip na isang sulosyon,kinuha ko yong phone ko at nag search sa Google at nang alam kona,kumuha ako nang kawali pero muli na naman akong natigilan habang pinag mamasdan nang maigi ang stove.Shit..! Pano ba ito buksan? Hindi alam na sabi ko.Pinagpapawisan na ako at kung ano-ano na ang pinindot ko,maya-maya pa naka tyamba din ako.Bweset..! Pinipihit pala,hindi pinipindot.

Pinainit kona yong kawali at nilagyan nang mantika at nang makita kong umuosok na nilagay kona yong pork chop, nang bigla Akong magulat  sa talsikan nang mantika.

"Aray..!" Daing kong pasigaw.

"Hey what happened..!!" Tinig ni Katrina mula sa likod ko,pero hindi ko ito magawang lingunin dahil sa patuloy  pananangga ko sa bawat mantika tumatalsik."Ano bang pumasok sa ulo mo..?! At balak mo pang sunugin ang buong bahay." Sermon pa nito at naramdaman kona lang itong pumwesto sa likod ko sabay off nang stove hindi ko maiwasang mapalunok dahil nakakulong ako sa mga bisig nito.Dahan-dahan akong pumihit paharap dito."Ok ka lang ba?" Nakapikit na tanong nito habang mabilis ang paghinga,hindi ako nagsalita bagkus tinitigan ko lang ito at may sumilay na pilyang ngiti sa mga labi ko nang makita ko ang suot nito nakatapis lang ito nang tuwalya at halatang kalalabas lang nang bathroom dahil sa mamasa-masang pang buhok nya.Dumilat ito at unti-unting nanlaki ang mga mata habang humahakbang paatras nang mapagtanto siguro na subrang lapit namin sa isat-isa.Lalong lumawak ang ngiti ko at humalukipkip pa habang hindi parin inaalis ang tingin dito.Pag dating nito sa may pinto nang kusina huminto ito at matapang na tumingin sakin."Anong kalukohan na naman yang tumatak-----"

"Pag hindi ka pa naglalaho sa paningin ko,hindi kona mapipigilang halikan yang mga labi mo." Biro ko pero sa loob-loob ko ay totoo dahil sa mga oras na ito,labis na yong pagtitimpi ko habang nakatingin sa mapula nitong labi.

"Manyak..!!" Sigaw nito bago kumaripas nang takbo.At tuloyan na akong napahalakhak.She is so damn sexy..! Nag iinit na sigaw nang isip ko.

KATRINA'S  {P.O.V}

Pagpasok ko sa kwarto ko agad kong ni-lock ang pinto habang hapong-hapong naka sandal dito  napatingin ako sa salamin na nasa may tabi ko at napamulagat ako dahil saka ko lang narealize na tuwalya lang pala ang nag sisilbing tabing sa katawan ko.Katatapos ko lang kasi maligo nang makarinig ako nang sigaw mula sa baba,kaya nagmamadali akong nagtungo doon.

"PRINCESS OF TEARS" (Lade & Khat) LESBIAN UNIVERSITY PART 2Where stories live. Discover now