Nang makabawi ito ng paghinga saka lamang nagpatuloy si Jiro. “Si Jave nasa racetrack!”

“Oh eh ano namang ginagawa niya doon?”

“Nagpapakamatay! Kanina pa siya paikot ikot sa race track at sobrang bilis ng sasakyan niya, hindi siya tumitigil! Sinapian na naman yata, tinawagan ko na si Ate Ysabel, hindi ko siya mapakalma kanina!”

“Ano ba kasing nangyari? Nakita ko siya sa loob ng theatre kanina.”

“Eh kasi--”napatingin si Jiro kay Zirk na nakikinig sa usapan. “Wala. Hindi ko alam, tara na!”

“Guys lets go! Kawawa ang naman ang kotse kapag binangga niya. Walang kalaban-laban!” parang sinisilaban na ang pwet ni Ark sa pagmamadali sa amin. Kaya kahit naguguluhan, tumakbo nalang ako kasama nila, hindi ko alam kung anong nangyayari at kung bakit sila nag aalala. Pero ang mga paa ko parang may sariling buhay ang bilis ng pagtakbo. Nakakainis talaga tong si Jave, panira ng moment, masaya na ako kanina tapos ngayon papakabahin ako ng ganito. Parang lagi siyang nananadya!


May sariling race track ang Westside. It was the grandest I have ever seen at napakalawak niyon. Hinagilap ng mga mata ako ang kotse ni Jave. He was riding his Lamborghini sports car, it he’s very fast his car almost blurred to our vision.

“Sa bilis ng takbo niya at sa sobrang daming ikot na niyang nagawa sa field, kahit siya ang pinakamagaling na car racer na kilala ko..bibigay din ang katawan niya. Baka bumangga siya..”

Napahawak ako sa dibdib. Leche, ang bilis ng tibok ng puso ko nanlamig ako bigla sa kaba.

“Sofia, are you ok? Namumutla ka na!” alalang turan ni Zirk.

“Patigilin niyo yang Paniking yan..” halos mangiyak-ngiyak kong sabi. “Nakakainis siya! Lagi niya nalang akong sinasaktan, pinag aalala….at iniiwan..” hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Sobrang bigat ng pakiramdam ko, hindi ko na talaga siya mapapatawad sa ginawa niyang ito. Hindi ko alam kung ano na naman ang problema niya Ang alam ko dapat masaya siya kasi tinawagan siya ni Rianne kagabi at magdamag silang magkasama, ang akala ko pa naman masaya siya kaya masaya na rin ako para sa kanya kagabi. Nagtampo ako dahil hindi niya naalalang kailangan niya akong ihatid pagpasok pero naintindihan ko naman siya doon at wala akong balak na awayin siya. Tapos imbes na I-congratulate niya ako at maging proud siya sa akin kahit sa araw lang na ito….ganito pa gagawin niya. Ang sama ng loob ko, ang tindi din ng kabang nararamdaman ko para akong mahihimatay na sa tindi ng ikot ng sikmura ko sa dami ng negative emotions na bumalot sa akin.

“Sofia!” Inabot ako ni Zirk dahil malapit na akong mabuwal sa lupa.

“Sofia. Tsk. Dapat hindi ka namin dinala dito..” umiiling na sabi ni Jiro.

Habang ako nakatingin sa mga sharp drift na ginagawa ni Jave sa field. Konting pagkakamali niya lang, sa bilis ng takbo niya babangga siya. At hindi ko alam kung kaya siyang protektahan ng mamahalin niyang sasakyan kapag nagkataon.

Magkasabay na dumating sina Ms. Ysabel at Rianne. Just the same, I saw the horror in their eyes habang nakatingin sila sa mabilis na ikot ng kotse ni Jave sa race track.

“What’s going on here??” nanlalaki ang mga mata ni Ms. Ysabel hindi ko magawang tumingin sa mga mata niya. Ako ang inutusan niyang magbantay kay Jave kaya nararamdaman kong para sa akin ang tanong na iyon.

“Jave is pissed off about something, tama ba? Ano yun?” tanong ulit ni Ms. Ysabel. “Sinong kaaway niya this time??”

“Wala Ate Ysabel. Wala siyang kaaway, pero hindi ko din alam kong bakit siya nagkakaganyan. Ako ang huling kasama niya at hindi ko siya napigilan kanina. Kasalanan ko.” sabat ni Jiro na halos hindi makatingin sa masungit na anyo ng kapatid ni Jave.

Namumula si Ms. Ysabel sa galit at pag aalala. Nang tumingin ako kay Rianne, kagaya ko namumutla siyang nakatitig lang sa field. “We need to do something Ysabel..” bulong ni Rianne.

Bumuntong-hininga si Ms. Ysabel, napasulyap siya sa akin. Gusto kong yumuko pero hindi ko ginawa, sinalubong ko ang tingin niya.

“Hindi siya titigil hanggat hindi natuturukan ng anestisya.” sagot ni Ms. Ysabel kay Rianne, pero sa akin nakatingin. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya. Ako ba ang sinisisi niya sa nangyari?

Ilang sandali pa dumating na ang mga tauhan ni Ysabel. Ang utos ay lagyan ng harang ang track.

“That’s exactly what he’s waiting for. Ang lagyan niyo ng harang ang track para may babanggain na siya. Hindi titigil si Jave sa harang na yan Ysabel. You know how stubborn, stupid and hard headed your brother is!” sagot ni Rianne.

“Eh ano na nga ang gagawin natin? Alangan namang tumanga lang tayo dito at antaying mapagod ang katawan ng kapatid ko at bumangga??” desperadong turan ni Ms. Ysabel.

Tama siya na lagyan ng harang ang track para tumigil si Jave. Pero tama rin si Rianne na babanggain lang iyon ni Jave sa sobrang pagka-stubborn nito. Kaya isa lang ang paraang pumasok sa utak ko.

Kumawala ako sa pagkakahawak ni Zirk at tinawid ang railings ng track.

“Sofia, anong ginagawa mo?” sigaw nilang lahat sa akin. Pero hindi ko sila nilingon, binilisan ko ang takbo dahil paparating na ang kotse ni Jave.

Kung hindi siya titigil sa harang ni Ms. Ysabel, susubukan ko ang pangharang na meron ako. I know this is lame and pathetic. Maaring hindi ko na makita ang paglubog ng araw sa Westside mamaya, pero mas kaya ko nalang itolerate yun kaysa ang unti-unti akong mamatay sa pag aalala kay Jave habang nag aantay na sumuko ang kotse niya sa kanya.

Pumagitna ako sa race track. Nakadipa ang dalawa kong kamay habang nakapikit na nag aantay kay Jave…mali, ng kamatayan pala.

Ito na ang pinakamasamang desisyong gagawin ko sa buong buhay ko. Pero hindi ako nagdadalawang isip. Mahalaga si Jave para sa akin… hindi ako maghihintay nalang at panoorin siya habang nagpapakamatay. Ako muna ang mauuna bago siya, akala ng Paniking ito…

Nang mamataan ko na sa harap ko ang kotse niya, humigit ako ng malalim na hininga saka pumikit….

She's The Bad Boy's PrincessWhere stories live. Discover now