⚜ Stage Zero ⚜

153 13 9
                                    


I'm crazy?


HAHAHAHA.


No.


What's crazy is this world that refuses to let me be with you.


I love you so much.


Wait for me.



*****


"LUCIAAAAAANN!!!"


"Yes Sir?"


Napatigil ako sa paglalakad at napalingon sa direksyon kung saan nanggagaling ang mga boses.


"Sinong engkanto ang nagbigay ng pahintulot sayo na i-park yang sasakyan mo sa harap pa mismo nitong office ko? Hah?"


Ang president ng school namin. Bakas sa mukha niya ang matinding pagka-inis.


"Ah.. Wala po. Pero mas magandang ilagay siya dito kaisa dun sa parking lot na punung-puno na ng mga basurang sasakyan, hindi ba? Malawak naman ang space dito at hindi siya maiinitan dahil sa malalaking puno. Bawal?"


At si Lucian Evans na animo'y normal na tao lang ang kausap..


"IKAW BATA--"


"AH?!" napahinto ang aming kagalang-galang na presidente ng biglang umaktong nagulat ang binatang nasa harap niya habang nakatingin sa relo nito. "Male-late na ako sa klase ko! Sir, bantayan n'yo siya hah. Wag niyong hahayaang may makalapit d'yan na kung sino. Mahal yan.. I mean--Mahal ko yan. Ikaw magbabayad pag nagkaroon siya ng gasgas. Okay?"

At nagawa pa talaga nitong kindatan at hawakan sa balikat ang may katandaang lalaking nanlilisik na ngayon ang mata. "BYE."


"H-H-HOOOOY! B-BUMALIK KA DITO!"


Hindi naalis ang tingin ko sa walang patawad na binatang mabilis pa siguro sa cheetah ang takbo ngayon. Ang pasaway talaga. Kahit na masama ang ginawa niya, hindi ko naiwasang mapangiti dahil kahit kailan ay hindi ko din nagustuhan ang ugali ng president dito.. Buti nga dun. Wala siyang magagawa sa kapilyuhan ni Lucian.


At isa pa..


Napa-iling na lang ako at ipinagpatuloy ang paglalakad sa direksyon kung saan pumunta si Lucian.

Living in a Shitty WorldWhere stories live. Discover now