Chapter Thirty Three- Bad Start

62 2 1
                                    

~*~Aaliyah's POV~*~

Hmm. Di ko inaakalang aabot sa ganitong point ang pagaayos namin ni Nikho. As in sa bahay pa nila. Oh well, sabagay wala naman siyang kasama. Pinauwi na niya ang kaniyang mga kasama. Creepy.

Hindi kaya't may balak talaga si Nikho na masama? Eek. Pervness.

So, kailangan ko nang mag-ayos ng gamit. Ilang araw naman kaya ang ititigil ko doon?

==Kinabukasan==

Hmm. Ang sarap matulog. Lalala.

"Ma, saglit lang. Promise, gigising na ako mamaya."

Hay nako. Si Mama talaga. Ang kulit.

"Ma, tumigil ka na sa kakakulbit!"

"Ah. Ayaw mong gumising ha?"

Teka, hindi iyon boses ni Mama. Buset. Sino 'to?

"HAHAHA! TAMA NAAAAA! AWA NA! TUMIGIL KA NA!"

"Mag I love you ka muna."

"No! I hate you Nikho!"

"Ah. Bahala ka."

"Okay! Okay! I love you Nikho! Forever na 'to! Tama na!"

"Aw. I love you too."

And he kissed my cheek! Namumula na ako. I can feel it.

"Bangon na diyan. Mag almusal ka na. Kukunin muna kita sa pamilya mo."

Hay. Nakakatamad pa na mang kumilos eh. Tsk.

Pagkatapos kong maligo at mag-ayos, nag almusal na kami. Hinakot na ni Nikho ang mga gamit ko at paalis na kami.

"Oh anak, behave ka lang sa bahay nina Nikho ha? Wag kayong gagawa ng kabalbalan."

"Ma! Oo naman po. Hindi pa naabot sa ganyang pangyayari ang pagiisip ko. Promise."

"Tita, alis na po kami. Salamat po't pinagkakatiwalaan niyo pa rin ako."

At umalis na kami. Ang tahimik naman dito sa sasakyan. Nakakabato.

"Aaliyah, isipin mo para tayong bagong kasal na lilipat sa bahay na pinaghirapan ko."

Hmp. Nabatukan ko nga. Aba't pag-aasawa agad ang naiisip eh ang bata-bata pa namin!

"Aray ko! Baka naman mabangga tayo nito!"

"Bilisan mo na lang ang pagda-drive mo."

"Atat ka lang siguro akong masolo. Yiieee."

isa pang sapok.

"Tumigil ka kung ayaw mong MAKIPAG BREAK AKO SA 'YO."

Hala. I went overboard. Oh well. Sa bahay ko na lang siya kakausapin. Oh, BAHAY NIYA.

==Bahay ni Nikho==

Tahimik pa rin si Nikho. Ugh. Naghahakot lang siya ng mga abubot ko.

"Nikho."

"Hmm?"

Paano ko ba ito sasabihin?

"Yung tungkol kanina. Sorry ha? Hindi naman iyon tunay eh! Napakababaw naman ng rason na iyon para makipaghiwalay sa 'yo. Kanina ngang umaga, kakasabi ko lang na mahal kita kanina, Well actually, hindi lang kanina. Noon, ngayon at bukas. Basta, maraming bukas!"

Teka, natawa ba itong mokong na 'to?! Psh.

"Bahala ka diyan Nikho."

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

~*~Nikho's POV~*~

Hala. Siya na ang nagalit. 

"Aaliyah. Labas ka na riyan sa kwarto oh. Baka pawisan ka. Ubuhin ka pa. Responsibilidad kita. Tyaka, mahal kita! Dali na. Labas na riyan. Hindi naman talaga ako nagalit eh. Ang cute mo lang talaga. Sa kahit anong aspeto."

Galit na ata talaga. Babayaan ko muna.

Falling In Love Over and Over AgainOnde histórias criam vida. Descubra agora