Chapter Seventeen- Nafo-fall Na Ako

282 2 6
                                    

Chapter 17

~*~Nikho's POV~*~

===Saturday Afternoon===

Aaliyah. Nasaan ka na ba? Mapapatawad mo pa kaya ako? Di ko naman sinasadya eh. :\  

Hapon na. Hindi ko pa rin siya nakikita. Ugh. May halong pagkalito, hiya at pagtataka ang nararamdaman ko ngayon. Pareho naming hindi inaasahan ang pangyayaring iyon. Kina-karma na nga ata ako. Pero, bakit nga ba siya biglang nagalit? Ta's lagi na lang siyang mukang nagseselos. Hindi kaya dahil iyon kay Marie? Pero, hindi pa naman kami ah. Hindi kaya, may nararamdaman siya para sa akin, tulad ng nararamdaman ko para sa kanya? Hmmmmm. Mukang malabong mangyari. Pero, may posibilidad eh. Dahil sa nangyari kanina, di ko na alam kung saan ang tungo ng pagkakaibigan namin.

"Nikho. Okay ka lang? Kanina ka pang tulala ah. Nakasimangot ka pa."

Nga pala. Narito pa si Marie.

"Oh. Marie. Ayos lang ako. Di ko alam kung bakit ako nagkaka-ganito."

"Ah. Ganun ba? Tungkol nga pala sa pag-alis mo kanina. Ba't ka ba biglang nawala? Di ko masyadong naintindihan yung mga huli mong sinabi."

"Hinabol ko si Aaliyah. Di kasi siya namamansin. Ayun, effective. Di ako mapakali. Kaya, hinabol ko kaso di naman sumagot ng maayos."

"Ayyiiee. Aaliyah ka pala. Bukingster ka dude."

"Eh? Haha. Addict ka. May ganyan ka palang side ah. Di ko yan inaakala."

"Aba. Ako pa 'tong addict? I just wanna cheer you up."

"Oh. That's so sweet of you. Bait mo."

"Tihihi. Wag kang ganyan. Luko."

"Hmmm. Mag-gagabi na. Uwi na tayo. Hatid na kita?"

~*~Marie's POV~*~ 

Ayan. Dumali na naman siya. Eto na ayokong part. Lalo akong nahuhulog sa kanya kahit wala siyang ginagawa. Eh bakit nga ba ako natatakot? Wala pa naman siyang karelasyon. Naguguluhan na ako. Ano bang problema duon? Wala naman diba? Pero ba't ba parang may pumipigil sa akin. Parang force na hinihila ako papabalik. Ang hirap talaga.

"Marie? Hey. Okay ka lang?" 

"Oh. Ah. Eh. Oo. Wag mo na akong ihatid. Magbya-byahe na lang ako. Ligtas ako. Kaya kong mag-isa. Salamat sa pagyaya." 

"Sure ka?" 

"Oo naman. Osha. Baka abutin pa ako ng takip-silim. Una na ako ha? Salamat ule." 

"Osige. Mag-ingat ka ha?"

At ayun, naglakad na ako papalayo sa kanya. Hayy. Parang habang-buhay na kaming hindi magkikita eh. Minamahal ko na nga ata siya. Ayaw ko namang mag mukang kontrabida sa love story nila ni Aaliyah. Oo. Alam ko na ang nararamdaman nila para sa isa't isa. Nakakalungkot nga lang dahil di pa malinaw sa amin lahat ng nangyayari. Pati ata author naguguluhan na.

Habang ako'y naglalakad, parang may nasunod sa akin. Syempre bilang isang dalaga, nakakatakot ang pangyayaring gsnito. Severe level ah. Di ko na lang pinansin kaso parang hahablutin na ako kaya naman binilisan ko na. Eh syempre parang sa mga pelikula lang, binilisan din nung nanghahabol sa akin ang pag-lakad niya. Waaaaaaa. Sobra nang nakakatakot. Dahil gusto kong malaman kung meron talagang nasunod sa akin, kahit sobra na akong kinakabahan, pinilit kong ipaling ang aking ulo.

*WOOOOOSH*

Aysawsme. Seryoso ka? Wala namang nasunod eh. Nakakasura. Hayy. At ayun, dumiretso na lang ako pauwi. Nakakatakot na experience yun ah. Memorable. Nakakabaliw.

Author's Note:

Eyy. Mga readers. May pagbabago dun sa age ha? Di kasi akma pag 13 kaya 17 years old na lang sila. Nga pala. Sadyang maikli itong part na ito kasi di ko rin alam. Nakoooo. Nag-update ako kasi para malaman niyong buhay pa ang author ng story-ing ito. Haha. :DD Addcit ko lang. ;D Grabe. Malapit ng mag 2,000 reads. Nakakatuwa. Kasi, di ko ineexpect aabot sa ganyang karaming reads ang story ko. Salamat sa suporta niyo. :)) Medyo matatagalan pa ule bago ako makapag-update. Bale, simula bukas hanggang biyernes ang Intramurals namin kaya within that week, itatry kong gumawa ng update pag wala akong game. Osha. I love you all. :** >:D< Mas mahaba pa ata ang message ko kesa sa POV ng characters eh. XD Btw, sino ang gusto niyong makatuluyan ni Nikho? Si Aaliyah or si Marie? Kung may gusto kayong ibigay na artista na gaganap kay Marie, sabihin niyo lang ha? :D

Falling In Love Over and Over AgainWo Geschichten leben. Entdecke jetzt