Chapter Thirty One- Help

97 1 7
                                    

~*~Aaliyah's POV~*~

==12 am==

Ugh. Alas dose na ng madaling araw, hindi pa rin ako nakakatulog. Hindi pa kami nag ma-monthsary mga Ati at Koya. Kamusta naman 'yon?

Eek. HANDA NGA AKONG MAGING REBOUND! Ilang beses ko pa bang kailangang isapak sa kokote ko ito?!

Pero aminin, umaasa ang lola niyo na minahal siya ni Nikho. TSK.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

~*~ Jhela's POV~*~

Taray ng lola niyo, nagka-pov!

Ano pang silbi ko't naturing akong bestfriend ni Aaliyah kung hindi ko siya tutulungan, right?

Balita ko, naloloshang na si Aaliyah. Hay nako.

"Aaliyah?"

~~Yeller?

"Anong nangyari sa 'yo Beshie?! Meet me later sa tambayan natin ha? I miss you!"

*Call Ended*

==Sa Graden==

Until now, hindi ako makapaniwala na mag-on sina Aaliyah at Nikho. Masyado atang mabilis ang mga pangyayari. Ngayon naman, nagkakagulo na eh hindi pa natagal ng isang buwan. Hay nako.

Nga pala, itong tambayan namin ay school garden. Walang upuan kaya sa damuhan makakaupo. Masarap naman yung feeling. Nakakarelax. Phew.

"Jhela!"

Bigla na lang akong yinapos ni Aaliyah at humgulhol na. Hay. Kawawa talaga siya.

"Aaliyah, go. Magkwento ka na. Sulitin mo yung oras hanggang magbell."

At nagsimula nang magsalaysay ang aking best friend.

"Kaya heto ako ngayon, naguguluhan. Hindi ko na alam gagawin."

"Aaliyah! Huwag ka namang ganyan. Huwag mong hayaan ang sarili mong umabot sa point na masaktan para sa taong mahal mo! Bata pa tayo Aaliyah. BATA PA."

"I'm sorry Jhela. Mabilis akong madala sa emosyon. I'm sorry."

"Parito ka. Hug uli kita."

Nagkabalikan na nga ba uli sina Nikho at Hannah? Kailangan makausap ko siya. Kailangan ding magusap ng dalawa. KAILANGAN NG PLANO!

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

~*~Nikho's POV~*~

Bwiset. Nagkabangas pa ako sa muka. Ano na lang ang itsura ko nito sa school? Kung nakinig lang sana ako ng Aaliyah at hindi siya sinigawan, hindi sana kami nagkagulo. UGH. Bwiset! Bwiset!

~~Message from Jhela

Usap tayo mamayang hapon. Sa tambayan. P.S. IKAW LANG. WALANG KASAMANG IBA.

Hay. Isa pa 'to. Ang alam nila, kami na uli ni Hannah. Bwiset na naman oh. Eh kami pa nga ni Aaliyah. Nakakatanga.

==Sa Classroom==

Sino naman 'tong asurot na 'to at bigla na lang pumulupot sa braso ko?

"Hi Nikho. HIHIHI."

Ah. Si Marie pala. What the?! Akala ko wala na 'to sa department namin. Nagsinungaling pala siya noon kaya napadpad siya rito. Sistema ng school na 'to. Tsk. Liar.

"Bitawan mo nga ako. Asurot."

"Wow naman. May tawagan agad tayo? Nakakakilig!"

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

~*~Jhela's POV~*~

Imbyerna naman oh. Yung impaktang Marie pa ang naka-asurot kay Nikho. Ano bang gustong mangyari nito? KALMA LANG JHELA. KALMA.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Author's Note:

Hello! Comment naman kayo oh? PLEASE. AWA NA.

Falling In Love Over and Over AgainWhere stories live. Discover now