Chapter Twenty- Aminan Na

197 2 3
                                    

Chapter 20 

~Nikho's POV~ 

Bakit nga ba ako nagagalit eh sa walang espesyal sa amin ni Aaliyah? Bakit ako naghahangad ng kung ano man at di ko ito mawari.

Nuong nakita ko ang mga litrato niya na may kasamang lalaki, unti-unting nawasak nito ang puso ko. Alam at halata na naman sa amin na nagkakagusto na kamin sa isa't isa ngunit bakit parang di tunay sa kanya. Nagawa pa niyang makasama sa ibang lalaki. 

Ang drama mo Nikho. Parang hindi ka lalaki. Gaaaaa. Gigimik na lang ako. Kahit ako lang mag-isa. Kaya ko naman eh. 

Sumakay na ako sa kotse ko at pumunta sa isang bar.  

'Isang tequila nga.' 

Habang nag-iinom ako, inaantay ko ang irereply ni Aaliyah. Tsk. Ang loshang na 'yon nga pala'y sobrang kupad na magsisiputian na ang mga uwak eh di pa nakakapag-reply. 

Aba. May chicks. Makilala nga. 

Di na importante kung sino siya, basta nag-usap na lang kami at inabot din kami ng limang oras sa pag-uusap. Siya pa lang ang babaeng nakakausap ko ng ganuong katagal.

Umuwi na ako dahil medyo lasing na ako eh mapahamak pa ako sa daan may problema pa naman ako sa mata pag madilim o gabi na. 

Pag-sakay ko sa kotse, namahinga muna ako at parang nasusuka ako sa kalagayan ko. Mga labing limang minuto na ang nakalipas at umayos na aking kalagayan. Chineck ko muna ang phone ko, puro miscalls ni Yaya. Tsk. Nakatawag na agad ang aking Ina sa bahay. At aba, wala pa ring text si Aaliyah. Nananadya na kaya siya? Gaaaaa. Di bale, wala akong paki-alam.

Nag-simula nang umandar ang aking kotse, malayo-layo pa ang byahe. Ang boring, makakatulog ako neto eh. Ito ang ayaw ko pag-umalis mag-isa. 

Maya-maya lang eh medyo sumakit ang ulo at nanglabo ang mata, di bale, nakikita ko pa naman ang daan. Okay pa ako. Matatag ako. 

Naalala ko na naman ang masasayang araw namin ni Aaliyah. Nung magkaibigan pa. Palaging masaya.

Bigla na lang may sumulpot na truck na muntikan nang sumalpok sa 'kin at pag-paling ko, isang bus ang sumagasa sa akin. 

*EEEEENG* *BOOOOOGSH* 

Aaaaah. Ang sakit ng katawan ko. Hindi ko maigalaw ang katawan ko. Sobrang sakit. 

'Medic! Dalian niyo. Aabot pa siya sa ospital.' 

Wala na akong napakinggan. Naramdaman ko na lang na may bumuhat sa akin, at nawalan na ako ng malay.

~Aaliyah's POV~ 

*Yaya Minang calling* 

Whoah. Ang weird. Si Yaya Minang ang tumatawag. 

'Hello Yaya?' 

'Mam Aaliyah! Si Sir Nikho po...' 

'Yaya! Ba't parang may masamang nang-yari. Anong meron kay Nikho?!' 

'Si Sir po, na-aksidente. Nasa ospital po.' 

'Sige Yaya. Pupuntahan ko siya!'

'Nikho naman. Anong pumasok sa isip mo? Please, antayin mo ako.' Bulong ko sa sarili ko, 

'Oh anak. Mukang namomroblema ka. Anong meron?' 

'Ma. Si Nikho po. Naaksidente. Pupuntahan ko po.' 

'Nako! Dalian mo. Paumanhin at di ako makakasama.' 

'Sige Ma.'

Dali-dali akong nag-bihis at tinawag ko ang barkada namin. 

Denmark: Aaliyah! Anong oras na?! Ba't ga?! 

Meliya: Babe, hinay hinay lang. Nakakabingi ka. 

Jhela Mae: Beshie! Wazz wrong? 

Aaliyah: Si Nikho. Naaksidente! Nasa BIPBAPBIPBOP Hospital. Papunta na ako duon. Sunod kayo ha? Bye. Ingat!

===BIPBAPBIPBOP Hospital=== 

'Miss. Nasaan po ang room ni Mister Nikho Raey Mendoza Rodriguez?' 

'Second Floor po room 005.' 

'Thank you Miss.'

Dali-dali akong tumakbo sa kwarto niya. 

Pag-bukas ng pinto, nan-duon siya, nakahiga, walang malay habang si Yaya tulala lang.

'Mam Aaliyah!' 

'Tahan na Yaya. Gagaling din si Nikho. Maari niyo po ba muna kaming iwan?' 

'Sige po Mam.'

Kumuha ako ng silya at umupos sa tabi ni Nikho.

'Nikho, ano naman ang pumasok sa utak mo't nangyari 'to sa 'yo? Nag-aalala na ako sa 'yo. Yung nakita mong litrato, pinsan ko lang siya. Aamin na ako sa 'yo. Mahal kita Nikho.'

Biglang nag-kaewan ewan na si Nikho. 

'Nikho! Anong nangyayari sa 'yo?! Please. Wag mo akong iwan!'

Biglang tumigil sa pagwawala si Nikho at NGUMITI ang mokong.

'Mahal mo pala ako ha?' 

'NIKHO?!'

Falling In Love Over and Over AgainWhere stories live. Discover now