Chapter Twenty Eight- Drama Neto

71 2 2
                                    

~*~Aaliyah's POV~*~

Mukang  nagkatotoo nga ang  iniisip ko.

Handa naman akong maging REBOUND lang eh. Ang tanga ko 'no? Tama nga sila, nawawala ka sa sarili mo pag umibig ka na. Biruin niyo, handa akong masaktan nang dahil lang sa isang lalaki?

Nandito ako ngayon sa playground kung saan kami nagkakilalang muli ni Nikho. Hay. Lagi na lang si Nikho. Napansin ko na wala na pala akong oras para sa aking pamilya, kaibigan sarili at sa Panginoon. Feeling ko ang sama ko nang tao.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

~*~Meliya's POV~*~

Seriously, ang weird nang kumilos ni Denmark. Mababaliw na 'ko eh! Nako.

'Den, mukang si Aaliyah 'yon ah? Naiyak ata!'

'...'

'Den. Yuhoo.'

'Oh? Sorry ha? Puyat lang ako kagabi.'

'Tingnan mo! Si Aaliyah oh!'

'Oo nga no? Pupuntahan ko!'

'Teka, bago ka umalis ipangako mo sa 'kin na gagawin mo na ang tama.'

'Huh?'

'Denmark, alam kong napipilitan ka lang. Alam kong mahal mo si Aaliyah. Ikaw ang nagturo sa 'kin na dapat mong ipaglaban ang iyong mahal at nararamdaman.  Kung noon ito'y sinabi mo, ngayon naman ay kailangan mong ipakita ito sa 'kin.'

'Sa-salamat Meilya! Sorry kung nagsinungaling ako sa 'yo.'

'Huwag kang mag sorry Denmark. Wala kang ginawang masama. Ayaw mong magalit sa 'yo ang iyong ama at ayaw mo akong masaktan kaya nagawa mo 'to. Pinapalaya na kita. Balitaan mo ako ha? Nandoon lang ako sa tindahan!'

At tumakbo na ako malayo.

MASAKIT. SOBRANG SAKIT. 

Nagkunwari lang akong matatag para sa kanya. Para sa kaniyang kaligayahan.

Binigyan niya ako ng saya, ngayon naman ang pagkakataon kong suklian ang kanyang ginawang kabaitan.

Author's Note:

Hello sa inyo. Sorry kung maikli na uli ang updates ko. Patawarin niyo talaga ako.

Falling In Love Over and Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon