Chapter Thirty- Confession

76 2 1
                                    

~*~Aaliyah's POV~*~

Tila nabingi ako habang nagsasalita si Denmark sa aking tabihan. Nasa isang palabas ba ako't ganito ang nangyayri.

"Hmm. Aaliyah. Okay ka lang?"

"Denmark, salamat sa pagmamahal ngunit di ko kayang pantayan o higitan ang pagmamahal mo. Sana'y maunawaan mo ako."

"Huwag kang mag-alala. Hindi ko pinipilit na ako'y mahalin mo rin. Handa nakong tumulong sa 'yo ng walang kapalit."

Natuwa naman ako sa sinabi niya pero paano naman si Meliya?

"Paano na si Meliya?! Ayaw kong magkagalit kami."

"Ah. Si Meliya? Siya na mismo ang nagpalaya sa 'kin. Alam na pala niya. Siguro'y nalaman niya ito sa pamamagitan ng aking kinikilos pag nakakasama ka namin."

Mabuti nama't maayos kami ni Meliya. Kaso, siya naman ang nawalan. Hay. Ang bata-bata ko pa, buhay pag-ibig agad ang pinag-uukulan ng pansin. Malapit pa naman ang exams namin. Jusmiyo.

"Hatid na kita sa inyo Aaliyah. Mag ga-gabi na oh. Daanan muna natin si Meliya sa tindahan."

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

~*~Meliya's POV~*~

Hmm. Ang sarap talaga ng ice cream. Walang makakatalo.

Ano na kayang nangyari kayna Denmark at Aaliyah? Sana nama'y ayos lang sila. Sana'y walang ilangan na magaganap.

Oh. Parating na pala ang dalawa.

"Oh. Denmark at Aaliyah? Ano nangyari sa inyo?"

"Salamat uli Meliya't binigyan mo ako ng pagkakataon na ipahayag kay Aaliyah ang aking tunay na nararamdaman.  Magkaibigan pa rin kami."

"Ay. Si Nikho nga pala'y syota mo pa, Aaliyah. HAHAHA. Grabe. Nakalimutan ko 'yon ah."

"Luka ka talaga Meliya. Mabuti pa'y sumama ka sa 'min. Ihahatid na kasi ako ni Denmark nang naisipan niyang isama ka na rin."

"Sige b------. NIKHO?!"

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

~*~Aaliyah's POV~*~

Si Nikho?! Kasama pa si Hannah?! Ano 'to? Anong nangyayari?!

"Nagkakagaguhan lang ba tayo?!"

"Nagkakagaguhan lang ba tayo?!"

Talagang nagkasabay pa kami.

"Ano 'to Aaliyah? Matagal mo na ba akong tinatraydor?!"

"Hindi sa ga---------."

"Tarantado ka ah!"

Ang sunod ko nang nakita ay nagbubugbugan na sina Denmark at Nikho. Bakit nga ba ako magagalit kung handa naman akong maging rebound. Napakabobita ko. Nakakaiyamot!

"Meliya! Wag!"

"Hay nako. Pasalamat ka't pinigilan pa ako ng kaibigan ko. Malamang kalbo ka na!"

"Sorry! Hindi ko alam ang nangyayari!"

 Mabuti na lang at napigilan ko pang sabunutin ni Meliya si Hannah. Hay.

"Tama na! Tumugil kayo! Huwag kayong gumawa ng eskandalo rito!"

Inalalayan ni Meliya si Denmark patayo samantalang si Hannah naman kay Nikho.

"Uuwi na ako."

Umalis na ako ng biglaan. Bakit kailangan pang magkagulo ang iba? Umuwi ako ng wala sa sarili't napansin Mama ito.

Naikwento ko sa aking pamilya ang mga nangyayari.

"Tarantado 'yon ah. Hindi 'yan maaari. Ayaw ka naming nasasaktan." 

Nagulat na lang ako ng biglang bumalaslas iyan sa bibig ni Kuya.

"Salamat Kuya. Tataas na po ako. Huwag niyo na po akong alalahanin ha? Salamat po."

Pagtaas ko sa kwarto ay humiga na agad ako at yinapos ang unicorn na binigay sa 'kin ni Nikho.

Buti pa noon, masaya. Lagi kaming nag-aasaran. Eh ngayon, wala. Tila mawawasak na. Minahal ba talaga ako ni Nikho? Sana nga. Sana.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Author's Note:

Itong chapter na ito ay inaalay ko sa mga patuloy na nagbabasa ng istoryang ito sa mga bagong kong fan, mahilig sa mag comment at nag add sa library nila. Nakakatuwang tingnan sa news ko na may mga naglalike at nagaadd sa library nila. Most of all, salamat kay Twin Mamiixhe dahil alam mo na 'yon. HAHA! Enjoy.

Falling In Love Over and Over AgainWhere stories live. Discover now