Napatawa si Miah. "Kaylan ka pa nahilig sa sports?"

"Nito lang." sagot nito. "Tsaka, medyo marunong naman ako ng konti sa table tennis so... gusto kahit papaano may representative sa Medical Department."

Tumango-tango si Miah. "Ako, wala akong sasalihan. Siguro sa bahay na lang ako sa intramural event at matutulog."

Si Daniella naman ang tumawa. Tawang dalagang-dalaga. "Okay. Alam ko namang hindi ka mahilig sa mga ganoon at ayaw mo ng matao."

Sabay silang uminom ng juice. "Maiba ako, Miah."

"Hmm?"

"About Red..." napahinto si Miah sa pagkain at tiningnan si Daniella. Nakatitig ito sa kanya at pormal ang mukha nito. "I'm going to tell you something... alam mo naman na classmate kami noong high school."

Tumango si Miah. "Hindi niya alam na... crush ko siya." Ngumiti si Daniella ng sabihin nito iyon. Waring natutuwa sa mga naalala. "Kaso alam kong mas mahalaga sa kanya ang pag-aaral at napaka busy pa niya. You know, he's the student council president at napaka abala talaga niya at nakakahiyang abalahin. Kaya naman, I just kept what I feel for him."

Hindi ni Miah alam ang mararamdaman sa pinagsasabi ng kaibigan. Pero napapakunot noo siya. Na parang ayaw na lang niyang pakinggan ito. Pero kaibigan niya ito... kaibigan na matalik.

"Luckily, same school pa rin kami at nakikita ko pa rin siya." Binitawan ni Daniella ang hawak nitong kubyertos. "Sa totoo lang, bessy, naiinggit ako sa 'yo kasi same course kayo at kaklase mo siya."

Bakit parang walang masabi si Miah? Napagdesisyonan niyang making na lang sa kaibigan.

"Eh, kung, mag shift kaya ako ng course this second sem?" Bigla naubo sa idea si Miah. Ubong literal.

"Baliw ka ba? Noong elementary pa lang tayo pangarap mo nang maging nurse tapos nang dahil lang kay Kokey mag shi-shift ka?" Feeling ni Miah ay maha-highblood siya.

Kumunot naman ang noo ni Daniella. "Kokey?" natatawa na ang mukha nito.

Natutop ni Miah ang bibig. "Hehe. Kokey ang bansag ko sa kanya dahil madalas niyang gamitin 'yong red niyang jacket.

Tawang-tawa si Daniella. Nilingon naman ni Miah si Red sa medyo malayo na kasalukuyang nasasamid ata. Napailing na lang si Miah at napangiwi.

"Ikaw talaga bessy palagi mo nang binibigyan ng nick name ang mga tao sa paligid mo."

Sumubo na lang ng malaking kanin si Miah.

"Pero gwapo siya." Si Miah naman ang nasamid ngayon. "Matangkad, matalino, masipag, hindi pa-cool unlike the other guys, gentleman at higit sa lahat gustong-gusto ko 'yong morenong balat niya."

Gusto rin ni Miah ang morenong balat ni Red! Gusto niyang sabihin iyon pero bakit hindi niya masabi? Bakit parang napipipi siya? At lahat ng sinabing depinisyon ni Daniella tungkol kay Red ay napapansin din niya iyon.

Napahigpit ang hawak niya sa tinidor at mukhang maliliko na niya ata iyon. Bakit hindi niya napansin na crush nito si Red. Alam niyang hindi iyon imposible pero... bakit ba siya nakakaramdam ng inis?

"Uy, biro lang 'yong pagshi-shift ko ng course. Of course, I'll pursue my dream since elementary."

Natapos na silang kumain at naghiwalay na sila ni Daniella ng destination. Habang naglalakad si Miah pakiramdam niya ay lutang siya. Kunot ang noo niya at kinakalkula pa niya sa isip ang mga sinabi ni Daniella sa kanya. Palabas na siya ng canteen nang biglang sumulpot sa harap niya si Red.

"Halos isang oras kayo kumain. Let's go. Magsisimula na ang last subject natin." Yaya sa kanya ni Red. Sinundo na pala siya nito sa canteen.

"We just talked something tsaka bakit ba?" Inirapan niya si Red at umuna na siya sa paglalakad dito patungo sa classroom para sa last subject nila.

Just the GirlWhere stories live. Discover now