Chapter 7: Gandang Hindi Mo Inakala

1.1K 59 0
                                    

Chapter 7: Gandang Hindi Mo Inakala

Nakatunganga lang sa bahay si Chabeng. Nagbibilang ng butiki sa kisame at maya-maya tumitingin sa wall clock. Tatlong oras na lang ay mag-uumpisa na ng birthday party ni Marcel.
Alam ng Diyos kung gaano niyang kagustong pumunta pero pinipigilan niya lang ang sarili niya. Natatakot kasi siya na mawala ang feelings niya para kay Marcel kapag ipinahiya na siya nito katulad ng sinasabi ng mga ka-schoolmate niya kanina. Ayaw niyang magalit dito.

Iniisip mo kagabi na hindi ako seryoso sa yo, hindi ba? Na niloloko lang kita. Siguro naman, kung ipapakilala kita kay papa ay maniniwala ka na. Isa pa, youre my girlfriend, natural lang na nandoon ka dapat.

Bumalik sa isipan niya ang sinabing iyon ni Marcel. Kung niloloko lang talaga siya nito kagaya ng naiisip niya at ng mga kaklase niya, bakit kaya kailangan pa nitong sabihin iyon?
Naiisip na tuloy niya na paano nga kaya kung seryoso talaga si Marcel? Pero imposible
Humiga na lang siya para matulog ng maaga. Pipilitin niya ang sarili na huwag nang isipin pa si Marcel dahil wala rin namang mangyayari. Lalaki lang ang eye bags niya sa pag-iisip dito. Siguro nga ay malas lang talaga siya sa lalaki. Nawala na nga si Marco sa kanya, mukhang pati si Marcel ay ganoon na rin.
"CHABEEENNNNNGGGGG!!!"
Napabalikwas siya ng bangon nang bigla siyang makarinig ng sumisigaw. Natataranta na tumayo siya at halos malaglag pa siya sa hagdan mapuntahan lang ang Ate Odeth niya.
Anong nangyari, ate? Nasaan ang sunog?! natatarantang tanong niya na naghihisterikal na rin. Mga kapitbahay, tulong!!! pagsigaw na rin niya na takot na takot habang panay ang tingin sa paligid para hanapin ang sunog.
Naku, ha! Huwag kang OA! Bigla na lang siyang binatukan ng ate niya.
Aray, naman, ate! Bakit mo ako binatukan?!
Para magising ka sa katotohanan! Loka ka, kailan ko naman sinabi na may sunog? Aba, sa ginagawa mo, eh, pati mga kapitbahay natin ay matataranta sa yo, eh! sabi ng Ate Odeth niya.
Kung walang sunog, eh, bakit parang sirena ng ambulansya iyang bunganga mo, ate? Kung makasigaw ka sa pangalan ko para bang buhay na ang nakataya! ganting sermon niya sa ate niya.
Walang sunog, okay? Wala ring ambulansya dahil wala namang naaksidente! May naghahanap lang sa yo, kaibigan mo raw!
Eh, sino naman?
Aba, malay ko. Nasa labas, labasin mo na lang don.
Ate naman, ni hindi mo man lang pinapasok? Anong klase ng manners meron ka? pang-aasar niya sa kapatid.
Eh, kung batukan kaya ulit kita riyan? Pa-manners-manners ka pa, eh ayaw ngang pumasok non. Alam mo, imbes na dada ka nang dada riyan, eh labasin mo na lang doon at baka kanina pang inuugat iyon dahil sa sobrang tagal mo! panenermon ng ate niya.
Oo na po, lalabas na. Natatamad na sagot niya saka na naglakalad palayo rito.
Ine-expect niya na ang mga kaibigang sina Eden at Joy lang ang nasa labas. Ang mga kaibigan niya sa internet na kaperahas din niyang tinatawag na nerd ng karamihan. Sa totoo lang, hindi naman talaga sila nerd. Hindi lang talaga uso sa panahon ngayon ang fashion nilang tatlo. Marami kasing mga commoners ang hindi nakaka-appreciate ng fashion nila.
Anyway, may usapan kasi silang tatlo na magkikita-kita at binigay na rin niya ang address niya sa dalawa kaya siguro ay binibisita na siya ngayon. Pero nakapagtataka lang na pumunta ang mga ito gayong dis-oras na ng gabi. Ano kayang problema ng mga iyon? Ni hindi man lang nag-text o nag-message sa kanya sa Facebook.
Nang makalabas na siya ay nanlaki ang mga mata niya nang makita kung sino ang nasa labas at nakasandal sa pintuan ng kotse nito.
Si Shaine Lautner! Ang pinagpapantasyahang modelo ng isa sa mga pinsan niyang lalaki.
Para siyang namamalikmata nang makita ang babaeng iyon. Para itong anghel sa sobrang ganda nito. Ang kinis-kinis ng mukha at hindi bako-bako tulad ng sa kanya. Maputi ang balat nito na parang sa isang nyebe. May matangos na ilong, nangungusap na mga mata na para bang nang-aakit at mapulat manipis na labi na parang masarap halikan. Babaeng-babae rin ito kung tingnan dahil napakahinhin ng galaw at kilos nito.
Isa lang ang masasabi niya. Isa itong buhay na Diyosa! Wala siyang nakikitang flaws sa hitsura nito. Hindi nakapagtataka na maraming nababaliw dito.
Pero teka, ano namang ginagawa ng babaeng ito rito?
"Hey, ayos ka lang?" parang natatawang untag nito nang mapansing para na siyang na-e-engkanto. At ito pa talaga ang lumapit sa kanya!
Napahiya siya nang matauhan at literal na may laway pa siyang nakapa sa bibig. At sa babae pa talaga siya naglaway? Oh my god, parang kahit sino yata ang mapatabi sa babaeng ito ay bigla na lang pagdududahan ang pagkababae nito katulad niya.
"A-ah, sorry, nagulat lang ako, Ms. Shaine. Hindi lang ako makapaniwala na may model sa tapat ng bahay namin. Alam ninyo po kasi, crush na crush ka ng pinsan kong lalaki, eh. Punong-puno nga ng poster mo iyong kwarto ng kumag na iyon, sabi niya.
Lalo lang itong napangiti. Iyong ngiti na parang nakaka-starstruck talaga. Pakisabi sa pinsan mo ay maraming salamat sa suporta niya, pero hindi na ako isang modelo ngayon, eh. Isa na lang akong pangkaraniwang tao.
Pero ang face mo ay hindi pangkaraniwan. Para kang Diyosa na bumagsak sa lupa, pabulong na sabi niya.
Anong sabi mo? Parang narinig naman ni Shaine ang sinabi niya.
A-ah, wala po! Naligaw po kayo? Sino po ba ang hinahanap ninyo rito sa lugar namin? pag-iiba na lang niya ng usapan. Kapag tinitignan niya ang babaeng ito ay pakiramdam niya ay nagkakasala siya, eh. Nakakabakla.
"Alam kong hindi ako nagkamali ng bahay na pinuntahan. Kaibigan ako ni Marcel at pinakiusapan niya ako na sunduin ka rito. Ikaw si Chabeng, hindi ba? Ikaw iyong babaeng minamahal ngayon ni Marcel, sabi nito at pagkarinig sa pangalan ng pinakamamahal na lalaki ay biglang pumutok ang nakakadiri niyang pagnanasa. Babae na ulit siya. Si Marcel ang nabanggit, eh. He-he-he…
"Minamahal? napaisip pa siya. Naku, Ms. Shaine, talagang nagkakamali nga kayo, kung nabalitaan po ninyo iyong nangyaring pagtatapat ko kay Marcel at sa pagsagot niya sa akin ay kalimutan na lang po ninyo. Hindi naman po talaga seryoso si Marcel sa akin nong sinabi niya na mahal niya rin ako, eh. Sa hitsura ko ba namang ito? Siguradong pinagti-tripan niya lang ako," hiyang-hiya na sabi niya.
Ni ang sabihin na girlfriend siya ni Marcel ay talagang nakakahiyang bagay. Ano na kaya ang iniisip ni Shaine ngayong ang isang katulad lang niya ang girlfriend ni Marcel?
Baka katulad ng mga kaklase niya ay iniisip nito na nilandi o ginayuma rin niya ang kaibigan nito.
Poor, Marcel. Ngayon na nga lang siya nagmahal ulit ay hindi pa siya pinaniniwalaan ng babaeng minamahal niya. Halos pabulong ang sinabi ni Shaine pero rinig na rinig naman niya.
Bigla itong tumingin ulit sa kanya. Naniniwala ako na may nakitang isang bagay si Marcel sa yo na hindi nakikita ng normal na mata. Alam mo, hindi lang naman ang panlabas na anyo ang mahalaga para mahalin mo ang isang tao, eh. Sa tingin ko, kung mayroon ka mang kailangang i-improve ay iyon ang self confidence mo. Bakit hindi mo na lang itigil na paguluhin ang mga bagay-bagay at maniwala na may magmamahal din sa yo? nakangiting sabi ni Shaine.
Natigilan siya. Bigla niyang naisip si Marco. Isa sa dahilan kung bakit niya pinalayo sa kanya si Marco ay gusto niya na mahalin nito ang sarili nito katulad ng pagmamamahal nito sa kanya. Ngayon lang niya na-realize na parang katulad din pala siya nito pagdating na kay Marcel. Nanliliit na siya sa sarili niya at hindi naniniwala na kaya siya nitong mahalin.
"Nandito ako para sunduin ka. Alam kasi ni Marcel na baka wala ka nang balak na magpunta kaya nakiusap siya sa akin na ako mismo ang sumundo sa yo. Bigla akong nagpasalamat na ako nga ang dapat na magpunta rito dahil gusto kitang tulungan na magkaroon ng confidence sa sarili mo.
Anong ibig mong sabihin?
"Kailangan mong maayusan. Oras na para ilabas mo kung ano ang tunay mong ganda. Oras na para iwanan mo iyang kahit anumang insecurity na nagtatago riyan sa katawan mo, sabi ni Shaine saka na siya hinila papasok ng kotse nito.
S-saan tayo pupunta? Wala akong dalang pera! nag-aalalang sabi niya nang nasa kotse na sila. Baka maglakad siya pauwi.
Tumawa lang si Shaine. Pinatawagan ko na kay Mang Mario ang Ate Odeth mo. Pinagpaalam ko lang na hiniram muna kita saglit para paayusan. Ewan ko pero parang imbes na mag-alala sa yo ang ate mo ay parang tuwang-tuwa pa siya na tinangay kita.
Napailing na lang siya. Ano pa nga ba ang aasahan niya sa ate niya. Malamang na tuwang-tuwa iyon dahil sa tantiya niya ay extreme make over ang gagawin nito ni Shaine sa kanya.
Pinasok siya ni Shaine sa isang malaki, mabango at halatang mamahaling botique. Sinalubong sila ng isang napaka-cute na babae na Mei-Mei raw ang pangalan. Humalik pa si Shaine sa pisngi ng babae sabay yakap dito bilang pagsalubong. Napaka-sweet talaga ni Shaine sa kahit na sinong tao. Sabagay, celebrity naman kasi ito.
"Bebe ko, siya iyong sinasabi ko sa 'yo na nagugustuhan ni Marcel ngayon. Si Chabeng. Chabeng, siya naman si Mei-Mei," pakilala sa kanya ni Shaine sa babae.
Bigla tuloy siyang namula. Palagi na lang may karugtong ang pangalan niya sa tuwing ipapakilala siya sa iba. Babaeng gusto raw ng pangarap niyang si Marcel.
"Hmm... Mukhang interesting siya. Siguradong may nakita sa kanya si Marcel kaya siya nagustuhan. At dahil birthday niya ngayon, kahit na hanggang ngayon ay inis pa rin ako ng kaunti sa kanya ay sige, papasayahin ko siya ngayong gabi. Papagandahin natin ang girlfriend niya!" sabi naman ni Mei-Mei saka na siya nilapitan at pinaupo sa upuang naroon.
Tinawag na rin nito ang atensyon ng ibang nagta-trabaho sa botique na iyon. Maraming baklang lumabas at unang tingin pa lang ay halatang puro professional na at mukhang hindi katulad ng mga makikita mo sa tabi-tabing parlor na 800 lang rebond.
Shaine, ano ito? Wala akong dalang pera, wala akong pambayad dito. Palihim niyang hinila si Shaine sandali nang lumapit ito.
Tumawa lang ito. Sa tingin mo ba talaga ay pagagastusin kita rito? I am the owner of this boutique so you do not have to worry. All you have to do is to relax. Akong bahala sa yo, sabi nito na hinawakan pa ang kamay niya.
Hoy, Shaine, ano na naman yan? Bakit may paholding-holding hands ka pa sa kanya! Nagulat sila nang biglang sumigaw si Mei-Mei na nasa likuran na pala nila.
Mei-Mei, gusto ko lang i-relax si Chabeng. Nine-nerbiyos iyong bata, eh, paliwanag naman ni Shaine.
Hay, naku, ang sabihin mo, nambababae ka na naman! akusa naman ni Mei-Mei.
Hinila ni Shaine paalis doon ang babae at sinenyasan siya na ang mga baklita na lang ang bahala sa kanya.
Francheska, ikaw na ang bahala sa kanya, ah? mahigpit na bilin ni Shaine saka na ito tuluyang umalis.
Ano iyon? Bakit parang nagseselos iyong Mei-Mei? Hindi kaya Hindi na niya naituloy iyong maduming naglalaro sa isipan niya dahil hindi na niya namalayan na nasa likuran na pala niya ang mga baklita na bigla na lang siyang inihiga saka pinahiran ng kung ano-ano ang mukha niya para lang magmukha siyang tao.
Hindi niya alam kung ano ang mga pinapahid ng mga ito roon pero ang alam lang niya ay napakasakit palang magpaganda!
Ano ba naman kasi itong pinapagawa ni Shaine sa kanya. Kuntento na naman siya sa face niya, ah?
Nang magtigil ang mga baklita sa pagkalikot ng face niya ay ang nanlilimahid naman niyang buhok ang inayos ng mga ito. Halos masira pa nga ang suklay ng isang bakla dahil sa sobrang tigas ng buhok niya at ang sakit-sakit na rin ng anit niya dahil pinagpipilitan ng mga ito na suklayin iyon.
Maya-maya ay nagkaroon siya ng pagkakataon na ikutin ang paningin sa paligid sa pagbabakasakaling makita niya si Shaine. Pero bigla na lang nanlaki ang mga mata niya nang makita ito sa isang kwarto na natatakpan lang ng kurtina kasama si Mei-Mei.
Nagtatawanan ang mga ito pero hindi iyon ang nagpalaki sa mata niya. Kundi ang nakita niya na paghahalikan ng dalawa!
OHEMDYI!
Hindi sya makapaniwala! Sino ang tomboy sa kanilang dalawa?!
"Hoy, iyang mga mata mo! Ilihis mo yan, kundi tutusukin ko ‘yan! Bigyan mo ng privacy sina Ms. Shaine at Ms. Mei-Mei kung gusto mong maging maganda. Hala, ipikit mo iyang makasalanan mong mga mata kung ayaw mong kalbuhin kita! Tsismosang ‘to!" Iritableng sabi ng bading na nag-aayos sa kanya at tinawag ni Shaine kanina na Francheska.
"A-ah, o-opo!" Natatakot naman na sabi niya. Baka nga naman kasi kalbuhin siya ng baklang to.
Pero sa totoo lang, ano ba namang privacy ang sinasabi ng mga ito eh, sina Shaine at Mei-Mei naman ang walang habas na naghahalikan sa isang pampublikong lugar. Halatang halik ang naging paraan ni Shaine para suyuin si Mei-Mei. Mukhang nagselos pa ang babae sa kanya.
Sa totoo lang, hindi siya makapaniwala sa nakita. Sino ang mag-aakala na mga lesbiyana pala ang dalawang iyon? Hindi halata sa kanila dahil parehas silang babaeng-babae kung kumilos at tingnan. Hindi na talaga madaling hulaan ngayon kung sino ang straight sa hindi.
Lumipas pa ang ilang mga oras ay natapos din ang paghihintay niya.
"Ngayon, girl, dahan-dahan mong idilat iyang mga mata mo at saksihan mo ang bagong Diyosa na masisilayan mo sa mahiwagang salamin. Kapag nakita mo ang sarili mo sa salamin ay maniniwala ka na sa himala! pakwelang sabi ni Francheska.
Sinunod naman niya si Francheska at pa-slow motion na bumulaga sa kanya ang gandang hindi mo inakala.
Napahawak pa siya sa salamin at muntikan pa niyang mabasag iyon.
Unbelievable! Sino itong magandang babaeng nasa harapan ko ngayon?! Nanlalaki ang mga mata niya sa salamin.
Wow, ha, gumanda lang naging tanga na? Believe it or not, ikaw yan, girl! Oh, ano? Naniniwala ka na ba sa himala? nakangising sabi ni Francheska.
"Hindi ako makapaniwala... Ako ba talaga to?"
Napakaganda niya. Kinulot ni Francheska ang buhok niya. Well, kulot naman talaga iyon kahit kanina dahil buhaghag free ang buhok niya pero ibang-iba na sa ayos niyon kanina. Maganda na ang pagkakakulot. Hindi iyong kulot na parang hindi lang nagsuklay.
Para siyang isang prinsesa na may mahahabang pilik at nangungusap na mga mata. Nawala ang mga tigidig niya sa mukha at nagmukhang mas lalong matangos ang ilong niya dahil sa make up na ginawa ni Francheska. Simple lang ang pink na dress na suot niya ngayon pero napalitaw na agad niyon ang ganda niya.
Love naman niya ang dating fashion niya noon na tinatawag na nerd ng iba pero hindi niya akalain na mas may igaganda pa pala siya.
Nananaginip lang ba ako? Magikero ba ang baklang ‘to?
Maya-maya ay may narinig siyang pumalakpak. Paglingon niya ay si Shaine ang nakita niya at nakakapit pa sa braso nito si Mei-Mei na para bang sinasabi na ito lang ang nagma-may-ari sa babae.
"Hindi nga nagkamali si Marcel sa 'yo. Napakaganda mo, Chabeng. Minahal ka na niya sa kabila ng hitsura mo kanina kaya sigurado ako na mas mamahalin ka niya kapag nakita niya ang hitsura mo ngayon. You look so gorgeous. Ang lalaki talagang iyon ay napaka-swerte. Na-in love siya sa tamang babae na napakaganda pa."
Hindi naman niya maiwasang hindi pamulahan ng mukha. Ngayon lang may nagsabi na maganda siya at nanggaling pa sa kapwa niya babae. Pero sabagay, mukhang totoo naman ang mga papuri ni Shaine. Kahit na siya mismo sa sarili, habang tinitingnan ang sarili sa salamin ay parang nato-tomboy din siya. Ha-ha-ha!
"Dahil totoo naman ang sinasabi ni Shaine, sige na nga, Chabeng, hindi na ako maiinis sa yo. Mukhang wala ka namang interes sa mahal ko kaya patatawarin na kita. Isa pa, maganda ka nga talaga ngayon kaya siguradong luluha ang mata niyan ni Marcel kapag nakita ka. Ngumiti na rin si Mei-Mei. Mukhang nawala na ang init ng ulo kanina.
Ngumiti na rin siya. Atleast, hindi na siya nito pinagseselosan. Mukhang nadala ito ng mga halik ni Shaine kanina.
Mabuti pa siguro kung umalis na kayo, mahal ko. Baka ma-expired ang ganda ni Chabeng at makahanap na ng ibang prinsesa ang tukmol na Marcel na yon. Hinahanap na siya ng prinsepe niya kaya ihatid mo na." At si Mei-Mei pa talaga ang nagtaboy sa kanila paalis. Mukhang nawala na talaga ang bitterness nito sa kanya.
Iyon lang at nilapitan na siya ni Shaine. Pero syempre, bago sila umalis ay humalik muna ito sa lips ni Mei-Mei bago sila umalis. At siya naman ay napapanganga na lang sa dalawa. Ganito na ba talaga ang bagong henerasyon ng mga tomboy ngayon? Parehas ng chicks!

Ang Pulube at si Chabeng Ilusyunada (Published Under Lifebooks)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon