Chapter 4: Pag-usbong Ng Pag-ibig

2.5K 105 9
                                    

Chapter 4: Pag-usbong ng Pag-ibig

Makalipas ang ilang linggo ay bumalik na si Marcel sa dati niyang buhay. Iyong buhay mayaman, tinitingala ng lahat at prinsepe ng Sacred Heart Academy.
Pero hindi na siya katulad noon na matigas pa rin ang puso para sa mahihirap. Matapos ang pagpapanggap niya ay agad pa siyang nagpatayo ng isang charity kung saan binibigyan niya ng tirahan ang mga batang kalye na nakatira sa lansangan. Bagamat nag-uumpisa pa lamang ay nag-hire na siya ng mga teachers na magtuturo sa mga bata sa bahay ampunan. Binilhan din  niya ng mga damit at magagandang gamit ang mga ito at siya pa madalas ang personal na nag-aasikaso roon.
Bagay na ikinagulat talaga ng daddy niya. Tumutol pa nga ito noong umpisa pero wala na rin itong nagawa nong nagpumilit siya. Ang sabi niya rito, para saan pa kung napakarami nilang pera kung hindi naman nila iyon maibabahagi sa iba? Ang sabi niya, kung magpapatuloy ito na hadlangan ang mga gusto niyang gawin ay mas maigi pa kung lumayas na lang siya roon para mamuhay bilang isang normal na tao.
Sa totoo lang ay hindi na rin naman siya takot na maghirap. Halos nasanay na rin naman kasi siya na mag-trabaho sa lansangan.

Ilang linggo na rin siyang hindi nagpapakita kay Chabeng. Kahit sa school ay hindi niya ito pinapansin at ipinapakita pa rin niya sa school na malamig siya.
Siguro ay defense mechanism niya iyon dahil ayaw niyang aminin sa sarili ang nararamdaman niya.
Pero sa ilang linggo na hindi niya nakikita si Chabeng ay may narealize si Marcel. At iyon ay ang feelings niya para kay Chabeng. Ang dahilan pala ng malakas na pagtibok ng puso na nararamdaman niya para rito ay dahil mahal niya na ito simula pa lang noong makita niya kung ano ang tunay na pagkatao nito. Ang kabutihan nito para sa mga taong kapus palad. Na tinulungan siya nito kahit na hindi siya nito kilala.
Sa ilang linggo rin na nilalabanan niya ang sarili niyang feelings para rito ay palihim din niyang pinasusundan ang babae at nalaman niya na kahit umalis na siya sa karendirya matapos ang araw na iyon ay ipinagpatuloy pa rin nito ang pagtulong sa mga pulubi sa kalye. Katulad niya ay pinapakain din nito ang mga iyon sa karendirya ng ate nito, pero syempre, pagkatapos kumain  ay pinaghuhugas pala nito ng plato ang mga iyon. Hindi na nga lang niya nagawa iyon noon dahil umalis na siya agad at nagalit dito.
Natutuwa rin naman siyang malaman na hindi lang basta tumutulong si Chabeng sa mga pulubi. Hindi rin naman pala nito kinukunsinti ang mga iyon na maging tamad dahil tinuturuan nitong magbanat ng buto ang mga tinutulungan nito.
Binibigyan din nito ng kahulugan ang buhay ng mga tao sa paligid nito. Kahit pa anong klase ng estado ang mayroon sa buhay ng mga ito at tumutulong ito ng walang kapalit. Nakangiti ito sa lahat at palaging masigla.
Maraming nagsasabing panget si Chabeng pero para sa kanya ay ito na ang pinakamagandang babae. Malinis ang puso nito at ni hindi rin ito tumitingin sa panlabas na anyo ng iba. Paano naman niyang hindi mamahalin ang ganoong klase ng babae?
At doon ay nasiguro niya na kung mayroon man siyang babaeng gusto niyang iharap sa harap ng altar ay walang iba kundi si Chabeng lang iyon. Alam niya na mahal na niya ito at sigurado siya sa sarili na ito ang babaeng gusto niyang makasama habang buhay. Alam niyang masyadong mabilis ang mga nangyayari sa kanya pero ganoon nga yata talaga kapag umiibig ka. Bigla mo na lang mararamdaman sa hindi mo inaasahang panahon.

NANG ARAW na iyon ay muling nagbalik si Marcel sa palengke. Nang makita nga siya ng ate ni Chabeng ay nagulat pa ito pero parang natuwa rin naman at pinapasok siya sa loob.
Alam niya na tapos na ang misyon niya para sa penitensya niya sa sarili na magpanggap na pulubi. Naranasan na kasi niyang maghirap, magutom at ipagtabuyan ng mga tao na parang aso. Nakita na rin niya ang good samaritan na hinahanap niya. Kahit papaano ay napatunayan niya sa sarili na hindi totoo ang sinasabi ng pulubi noon na walang magmamahal sa kanya kung ipinanganak siya na katulad ng mga ito. Dahil natuklasan niya na mayroon pa rin taong nagpapahalaga sa ibang tao kahit ano pa ang estado ng mga ito sa buhay katulad ni Chabeng.
Well, hindi nga siguro siya minahal ni Chabeng bilang Marco pero atleast ay itinuring siya nitong kaibigan. Para sa kanya ay sapat na iyon.
Napangiti siya nang makita sa likuran ng karendirya ng ate nito si Chabeng habang nakalikod din na nagtatanggal ng kaliskis ng isda.
Syempre pa ay naroon siya bilang isang pulubi pa rin. Kung tutuusin ay hindi na niya kailangan pang gawin iyon dahil katulad nga nang nasabi na niya kanina ay tapos na ang penitensya niya sa sarili.  Pero ewan ba niya, pakiramdam niya ay mas magagawa kasi niyang malapitan si Chabeng kung nasa anyo siya ng isang pulubi kaysa sa pagiging high and mighty niya sa school na si Marcel. Sigurado kasi na magpi-freak out ito kung bigla na lang lalapit dito ang crush nitong lalaki.
Chabeng!
Ay, anak ng palaka! Nagulat ito at nabitawan pa ang isda na tinatanggalan nito ng hasang.
Natawa lang siya sa reaksyon ng mukha nito. Masyado kasing comical, eh. Si Chabeng ang tipo ng babae na hindi na kailangang mag-effort para magpatawa.
Nakakainis ka naman, eh! Ano bang ginagawa mo rito?! nakasimangot na tanong nito.
Umupo siya sa gilid ng kinauupuan nito. May maliit na bato roon.
Hindi niya alam pero tinitigan niya ang mukha ni Chabeng. Kung noon ay ni hindi man lang niya napapansin si Chabeng, ngayon naman ay halos ito na lang ang nakikita ng mga mata niya. Masyado na nga yata talaga siyang weird. Literal siyang na-in love sa kagandahang loob nito. Pakiramdam niya, ang pisikal na anyo nito ay balewala na.
Bumalik ako rito kasi nakunsensya ako sa ginawa ko sa yo noon. Bigla na lang akong nanigaw at hindi na nagpakita, sabi niya na mabait na ang tono.
Huwaw! Talagang nag-improve nang husto ang ugali mo, ah? Nasagasaan ka ba ng kariton kaya bigla kang naging mabait? pambabara nito.
Bigla siyang napayuko ng ulo.
Joke lang! Ikaw naman, masyado kang seryoso! sabi nito saka tumawa.
Gumaan na rin ang loob niya. Hindi ka ba galit sa akin? tanong niya.
Bakit naman ako magagalit sa yo? Hinanap pa nga kita noong bigla ka na lang nawala, eh. Paulit-ulit akong bumalik sa simbahan pero wala ka na roon. Ang akala ko eh, tuluyan ka nang umalis dahil sa takot mo roon sa mga batang siga na kung tutuusin ay kayang-kaya mo naman talagang labanan lahat, sabi nito.
Hindi naman kasi ako pumapatol sa mga bata, eh.
Oo, alam ko naman yon. Pero syempre, hindi mo pa rin sila dapat hinahayaan na bastusin ka. Mas matanda ka sa kanila kaya kahit ganyan pa ang hitsura mo, dapat ginagalang ka pa rin nila, no.
Ngumit siya. Salamat sa pag-alala, Chabeng. Bago ako pumunta rito, ang akala ko ay hindi mo na ako maaalala. Isang beses lang tayong nagkasama at nagkahiwalay pa nang ilang linggo.
Bakit ko naman makakalimutan ang kaibigan ko?
Hindi ka ba galit sa akin, Chabeng? Kasi sinigawan kita bago ako umalis noon.
Sus naman, parang yon lang. Naiinitindihan ko naman na ganon lang talaga ang mga nagkaka-edad na. ‘Lam mo na, nagiging bugnutin. Kaya okay lang yan, manong!
Nanlaki ang mga mata niya. Talagang tinatawag siya nitong manong. Grabe ka namang makamanong. Matanda lang ako sa yo ng tatlong taon, no, sabi niya.
Eh?! Sigurado ka ba riyan? Hindi makapaniwalang sabi nito.
Oo, hindi lang halata pero bata pa ako.
Maligo ka rin kasi kapag may time, komento nito.
Nanigas siya sa reaksyon nito. Kung maliligo siya ay mawawala ang pekeng dumi na nilalagay niya sa katawan niya. Lalabas din ang kaputian niya at malalaman na nito na siya si Marcel. Isang ligo lang ang katapat ng lahat at malalaman na nito na siya si Marcel.
Bakit, purkit ba hindi naliligo, wala nang karapatang mahalin? Kunwari ay nagtampo ito.
Ay, nag-drama pa raw ba si manong! Alam mo, imbes na mag-emote ka riyan eh tulungan mo na lang ako rito na magkaliskis ng isda para makakain ka ng libre mamaya. Oh, heto! Biglang hinagis ni Chabeng papunta sa kanya ang isang isda na hindi pa natatanggalan ng hasang.
Bigla siyang namutla nang makita ang mga mata ng isda na parang nakatitig sa kanya.
Naman, laki-laki ng katawan, pagkatapos takot sa isda. Halika nga rito. Nilapitan siya ni Chabeng at tinuruan siya nitong magkaliskis ng isda.
Muli ay naroon na naman ang tibok ng puso na nararamdaman niya. Sobra nilang lapit ni Chabeng sa isat-isa na nagpapatambol sa puso niya. Sa totoo lang ay nababadingan na siya sa mga pinag-iiisip niya. Weird ang face ni Chabeng pero parang sobrang cute nito sa paningin niya.
Hoy, ayos ka lang ba? Bakit parang namumula ka? inosenteng tanong ni Chabeng.
Natitigan na naman niya ang mukha ni Chabeng. Talagang maganda ito pero hindi nito iyon napapansin. Tinatago nito imbes na ipakita sa lahat.
Mahaba ang mga pilik mata ni Chabeng at purong brown ang mga mata nito na para bang gustong humigop sa pagkatao niya. Matapos din ang maliit na ilong nito at normal na mapula ang manipis na lips nito na parang sobrang sarap halikan. Maputi rin si Chabeng at makinis ang balat nito. Alam niyang sexy din si Chabeng at natatakpan lamang iyon ng makakapal na damit na sinusuot nito.
Ang kagandahang iyon ni Chabeng ay nagtatago sa wirdong ayos ng buhok nito. Sa braces nito, sa makakapal at lawlaw na damit at sa makapal na salamin na palagi nitong suot. Ang lahat ng iyon ang nagtatago sa kagandahang taglay ni Chabeng.
Hindi siya makapaniwala na isang magandang babae ang nagtatago sa ayos na iyon.
Hoy!
Para bang pumutok ang bula ng imahinasyon niya nang bigla na lang siyang tampalin sa noo ni Chabeng. Ano ka ba namang manong ka? Natutulala ka masyado sa ganda ko, huwag mo namang masyadong ipahalata. Tumutulo na laway mo, oh! Saka siya tinawanan ni Chabeng.
Lalo siyang namula. Walanghiyang, Chabeng to. Sa buong buhay niya ay ngayon lang may nagtawa sa kanya.
Huwag kang masyadong feelingera, Chabeng. Kahit naman pulubi lang ako ay may taste naman ako. Hindi ako magkakagusto sa yo. Pakiramdam niya ay biglang bumalik na naman ang pagiging masungit niya.
Ito naman, akala mo may regla palagi. Binibiro lang kita, no! Alam ko naman na hindi ka magkakagusto sa akin pero maniniguro lang ako. Huwag kang magkakagusto sa akin, okay? Kasi may mahal na ako at si Marcel lang iyon. Para sa akin ay siya lang ang prince charming ko kaya sorry ka na lang! Saka tumawa nang malakas si Chabeng na halatang nang-aasar sa kanya.
Napasimangot siya dahil sa sobrang pagkapikon. Bilang si Marcel na high and mighty ay wala pang nagtangka na mang-asar sa kanya. Kahit ang first love niya na si Shaine ay malaki ang naging takot noon sa kanya. Ngayon lang talaga may nagkaroon ng lakas ng loob na sirain ang mood niya.
Weird pero ngayon lang siya nainis sa sarili niya. Pakiramdam niya ay kakumpetensya niya ang sarili sa pag-ibig ni Chabeng.

Ang Pulube at si Chabeng Ilusyunada (Published Under Lifebooks)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon