Chapter 6: First Date

1K 52 2
                                    

Chapter 6: First Date

FLOWERS FOR YOU. Hindi makapaniwala si Chabeng nang sinundo siya ni Marcel sa classroom nila matapos ang klase. Kanina pa lang na sinagot siya nito ay hindi na siya makapaniwala. Ngayon pa kaya na nasa harapan na niya ito ngayon at binibigyan pa siya ng bulaklak!
S-salamat. Namumulang tinanggap niya ang bulaklak. Ngayon lang kasi may nagbigay ng ganoon sa kanya sa buong buhay niya. Mukhang mamahalin pa man din ang bulaklak.
You deserve it because you are my girlfriend. Inabot pa ni Marcel ang kamay nito sa kanya.
Kinuha naman niya iyon at saglit siyang natigilan. Bakit ba parang pamilyar ang pakiramdam sa mga palad nito? Bakit parang may kuryenteng dumadaloy doon. Kuryente na nararamdaman din niya sa tuwing hinahawakan iyon ni Marco.
Weird.

Hindi ako makapaniwala! Talaga bang girlfriend na niya ang panget na yan?
Nabagok yata ang ulo ni Marcel! Hindi na niya alam kung ano ang diperensya ng maganda sa pangit!
Katapusan na ng mundo!

Sunod-sunod na naman ang mga side comments sa paligid nila. Iyong mga inggeterang frog na mga kaklase niya na inggit na inggit kasi kasama niya si Marcel.
Talagang matatapos ang mundo ninyo kapag hindi ninyo itinikom iyang mga bibig ninyo! Wala ba talaga kayong alam kung hindi ang mang-tsismis ng ibang tao? Chabeng is my girlfried now kaya simula ngayon ay ayaw ko nang may maririnig pa akong masasakit na salita mula sa inyo para sa kanya dahil kung hindi, ito na ang magiging huling semester ninyo rito sa school, pananakot pa ni Marcel na ipinakita na naman ang evil side nito na walang maaaring bumangga o kumanti.
Well, malakas ang loob ni Marcel na magsalita nang ganoon dahil ito ang may-ari ng buong Sacred Heart Academy. Binili nito iyon sa dating may-ari sa hindi niya alam na rason.
Hindi na nakapagsalita ang mga kaklase niya nang hinila na siya palabas doon ni Marcel.
Habang hila-hila siya ni Marcel ay napatitig siya sa kamay nito na nakahawak sa kanya. Parang isang pelikula ang nangyayari ngayon sa kanya. Possible pala talaga na ma-in love ang isang heartthrob sa isang nerd na katulad niya.
Pero nakakapagtaka lang talaga. Wala siyang matandaan na nagkaroon sila ng moment na dalawa lang sila ni Marcel kaya paano naman itong magkakagusto sa kanya? Bakit nito tinanggap ang confession niya kanina?
Kumain ka lang ng kahit anong gusto mong kainin sa restaurant na ito, Chabeng. Kaibigan ko ang may-ari rito kaya kahit hanggang anong oras tayo mag-stay dito ay okay lang, sabi pa ni Marcel.
Naguguluhan na talaga siya rito. Kaninang nag-confess siya rito ay parang irritable pa ito sa kanya at kahit na sinagot naman siya nito ay parang nakikitaan pa rin niya ng pagkainis ang mga mata nito. Pero ngayon ay parang ang bait-bait nito.
A-ah, okay, sabi niya sabay tawa ng weird. Nako-concious siya sa mga tingin ni Marcel. Para siyang tinutunaw nito.
Inabot na niya ang menu na ibinigay nito at nanlaki ang mga mata niya sa nakita roon!

ADOBO - P5,499
KARE- KARE - P3,400
CHICKEN CURRY- P6,000
BEEF STEAK- P10,500
at marami pang iba!
WATER- P145

Parang gusto niyang ibato palayo sa kanya ang menu. Parang malaking joke ang nakita niya. Filipino Cruisine pa lang 'yun, ah? Paano kaya kapag tumingin na siya sa menu ng asian at western cruise na available rin sa restaurant na iyon? At pati ba naman ang tubig ay may bayad? Amazing. Ang isang adobo nga lang sa karendirya nila ay P35 lang e.
"Ah... T-tubig na lang. Hindi naman ako nagugutom, eh," pinagpapawisang sabi niya.
Dont be silly, Chabeng. This is our first date. Kung gusto mo, ako na lang ang pipili ng mga kakainin natin. Iyon lang at tiningnan na rin ni Marcel ang menu at nag-umpisa na itong umorder.
Nang matapos itong um-order ay dumating din agad ang mga pagkain. Nilantakan na agad niya ang mga iyon dahil sa sobrang gutom niya. Hindi niya namalayan na sobra na pala ang pagtitig sa kanya ni Marcel kaya naman natigilan siya nang mag-angat siya ng tingin.
Oh my god! Para pa naman siyang baboy kumain! Nakakahiya!
Pero nagulat siya nang makita ang expression sa mukha nito. Para bang punong-puno ng pananabik ang mga tingin nito. Para bang nami-miss siya nito? Pero bakit naman?
Bakit hindi ka kumakain? Pasensiya ka na, ah. Gutom na gutom na kasi talaga ako, hiyang-hiya na sabi niya.
Sa halip na mag-umpisang kumain ay nangalumbaba lang ito at mas lalo pa siyang tinitigan.
Titigan pa lang kita, Chabeng ay para na akong nabubusog. Sige lang, kumain ka pa, sabi pa nito na mas lalo lang lumalim ang tingin sa kanya.
Wala na siyang nagawa kundi kumain na lang. Tutal ay may permiso naman nito. Isa pa, baka mas lalo lang itong mainis sa kanya kung hindi niya kakainin ang mga in-order nito.

Ang Pulube at si Chabeng Ilusyunada (Published Under Lifebooks)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon