Chapter 8: The Right Path

2.6K 105 11
                                    

Chapter 8: The Right Path

"Nagtataka ka siguro kung ano ako sa buhay ni Marcel bukod sa pagiging kaibigan niya, ano?" Maya-maya ay kinausap siya ni Shaine nang nasa kotse na sila papunta sa birthday party. "Childhood friend ako ni Marcel. Ipinagkasundo kami ng mga magulang namin sa isa't-isa para ikasal noon pero lumayo ako.
Bigla siyang na-insecure nang marinig ang sinabi ni Shaine. Ito pala ang dating fiancée ni Marcel. Pang-miss universe ang dating. Walang-wala ang ganda niya kung ikukumpara rito. Hindi na siya magtataka kung sobrang nabaliw din si Marcel noon dito. Pero minahal din kaya nito si Marcel kung tsiboli ito?
Hindi ko gusto si Marcel para mapangasawa ko pero mahalaga siya sa akin bilang kaibigan kaya ginagawa ko ito dahil gusto ko na maging masaya na siya. Dahil alam ko na ako ang dahilan kung bakit naging miserable siya." Pagkukwento nito na ikinalingon niya.
"Miserable? Anong ibig mong sabihin?" tanong niya.
Hindi kaya ang babaeng ito ang dahilan kaya madalas ay may nkikita siyang lungkot sa mga mata ni Marcel noon?
"Halos dalawang taon na ang nakakalipas nong mabigo siya sa pag-ibig niya para sa akin. Naging miserable siya non at halos nagalit na sa mundo. Lalo pa at isang babae rin ang minahal ko imbes na lalaki. Natapakan nang husto ang ego niya non na hindi ko siya pinakasalan at iniisip niya na babae pa talaga ang pinalit ko sa kanya.
Nag-umpisa nang magkwento si Shaine. Ngayon ay naiintindihan na niya kung bakit masungit ni Marcel. Sobrang mapride pa naman nito at mahirap siguro para rito na tanggapin na hindi ito nagustuhan ng babaeng mahal nito at sa halip ay sa ibang babae pa ipinagpalit. Malaking insulto nga siguro iyon para kay Marcel.
Noong mga panahon na sobrang desperado siya ay nagpakalasing siya nang husto. Mayroong isang mag-amang pulubi ang nanghingi sa kanya ng tulong sa kalsada pero dahil sa init ng ulo ni Marcel noong araw na iyon ay imbes na bigyan niya ang pulubi ay halos itaboy pa niya palayo ang mga ito. Pinagtangkaan niya pang takutin ang matanda at inatrasan ng kotse niya.
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig na sinabi ni Shaine. Iyon ang isang bagay na hindi niya nalalaman tungkol kay Marcel!
Pananakot lang ang intensyon ni Marcel, Chabeng. Gusto niya lang takutin ang mga ito para tigilan na siya. Pero hindi ganon ang nangyari dahil noong pina-atras niya ang kotse niya ay na-out of balance ang matanda dahil marahil na rin siguro sa sobrang gutom at nerbiyos. Nabagok ang ulo ng matanda at maging ang anak na hawak nito ay nabitawan pa nito. Parehas na tumama ang ulo ng dalawa sa grill gate na malapit. Agad na ikinamatay ng mag-ama iyon kaya sobrang sinisisi ni Marcel ang sarili niya. Lalo pa at may dalawang taong namatay nang dahil sa kanya
Napalunok siya sa narinig. Hindi niya akalain na mas mabigat pa pala ang pinagdadaanan ni Marcel kaysa sa inaasahan niya. Kaya naman pala sobrang lungkot nito. Nabigo na nga ito sa pag-ibig ay nilalamon pa ito ng kunsensya nang dahil sa pagkamatay ng dalawang pulubing itinaboy nito palayo.
Gustuhin ko mang damayan si Marcel noon ay malaki pa rin ang galit niya sa akin noon. Itinataboy lang din niya ako palayo. Kaya mag-isa niyang hinarap iyong pinagdadaanan niya. Nabalitaan ko pa nga na nagtangka siyang isuko ang sarili niya sa pulisya pero wala ring nangyari dahil hinarang iyon ng daddy niya. Sobrang makapangyarihan ang angkan nila at nag-iisa lang siyang anak at tagapagmana. Iniisip ng daddy niya na hindi siya pwedeng makulong dahil kung hindi ay walang magmamana ng kayamanan nito, dugtong pa ni Shaine.
Ngayon siya nakakaramdam ng matinding habag para kay Marcel. Gusto nitong pagsisihan ang ginawa nitong kasalanan sa pamamagitan ng pagpapakulong sa sarili pero hindi pa nito magawa iyon nang dahil sa daddy nito. Ngayon ay nasisiguro niya na magpahanggang ngayon ay kinakain pa rin ng sarili nitong kunsensya si Marcel. Lalo pa at hindi nito magawang mapagbayaran ang kasalanan nito.
Dahil hindi niya magawang maparusahan ang sarili sa pamamagitan ng pagpapakulong ay nagbigay na lang ng penitensya sa sarili niya si Marcel. Sa totoo lang ay hindi ko dapat sabihin sa yo ito dahil ako lang ang nakakaalam ng sikreto niya pero sa tingin ko ay karapatan mo ring malaman para mas maintindihan mo pa siya.
Anong ibig mong sabihin?
Sa kagustuhan ni Marcel na maparusahan ang sarili niya ay nagpapanggap siyang pulubi, Chabeng. Ginagawa niya iyon para maramdaman iyong mga bagay na pinagdaraanan ng mga pulubi. Iyong hirap, gutom, panlalait ng iba sa kanila at iyong pakiramdam ng pagiging desperado. Gusto ni Marcel na maramdaman ang paghihirap na dinaranas ng mag-ama na nawalan ng buhay nang dahil sa kanya para kahit papaano ay maglubag ang loob niya. Gusto niyang maging miserable rin, Chabeng. Pinaparusahan niya ang sarili niya, malungkot na sabi ni Shaine.
Marahil ay sinisisi rin nito ang sarili dahil sa mga nangyayari ngayon kay Marcel.
Nagpapanggap na pulubi si Marcel? Hindi makapaniwalang tanong niya.
Oo. Ang sabi niya noon sa akin ay hindi raw siya titigil hanggat hindi siya nakakakita ng good samaritan na tutulong sa kanya. Ang sabi kasi sa kanya noong pulubi bago pa man ito mamatay ay hindi raw siya makakahanap ng taong totoong magmamahal sa kanya kung katulad din niya ang mga ito na ipinanganak na mahirap o isang pulubi. Ngayon ay huminto na si Marcel sa pagpapanggap niya bilang pulubi at nagpatayo na lamang siya ng mga charity na personal niyang inaasikaso. Hindi ko alam kung bakit bigla na siyang huminto pero atleast ay natapos na rin ang penitensya niya.
Doon na nag-flashback sa isipan niya iyong unang beses na nakita niya noon si Marco. Kinutuban siyang bigla.
Shaine, mayroon ka bang picture ni Marcel habang nagpapanggap siyang pulubi? tanong niya.
Oo naman, bakit? Agad namang nilabas ni Shaine ang cellphone nito at pinuntahan ang gallery nito.
Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ang picture ni Marcel habang nasa beggar form nito ito. Si Marco iyon! Si Marco at Marcel ay iisa!
Biglang nag-flashback sa isipan niya iyong mga sinabi noon ni Marcel.

Ang Pulube at si Chabeng Ilusyunada (Published Under Lifebooks)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon