Chapter 2: The Good Samaritan

3.1K 121 13
                                    

Chapter 2: The Good Samaritan

Nagulat si Marcel nang makita ang pinakanerd sa school na ni hindi niya matandaan kung ano ang pangalan. Sigurado siya na ito ang babaeng iyon dahil kaunti lang naman ang may ganoong ka-weird na passion katulad nito.
Naka-piggy tail kasi palagi ang buhok nito na para itong elementary. Naka-tuck in pa palagi ang maluwag na uniform na ito lang ang gumagawa sa buong school. Tapos ang medyas nito, magkaiba palagi ang kulay na akala yata nito ay fashionable tingnan. Ang kapal pa ng salamin nito na halatang mataas ang grado. At higit sa lahat, makapal itong mag-make up at mag-lipstick na imbes na ikinagaganda nito ay nagmumukha lang ito lalo na clown. Dagdag pa na ang hilig-hilig nitong kumain ng lollipop. Wala yatang araw na hindi niya ito nakikita na walang dila-dilang lollipop.
Katulad ngayon, nasa labas na sila pero kain pa rin ito ng kain ng candy. Para talaga itong bata lalo pa at palagi itong ngumingiti sa kahit na kanino kahit wala namang dahilan.
Pero madalas ay napapansin din niya na palagi itong nakatulala sa kanya sa tuwing mapapadaan siya sa classroom ng mga first year. Hindi naman siya manhid para hindi mahalata na katulad ng iba nilang mga ka-school mate ay may gusto rin ito sa kanya. Katulad ng iba ay ang pisikal na anyo, yaman at katayuan lamang sa lipunan niya ang habol nito. Ganoon naman talaga ang mga babae. Palaging iyong panlabas lamang ang nakikita sa mga lalaki.
Pero naisip niya na paano kaya kung makilala siya nito? Pinagpawisan siya ng maisip niya iyon. Paano kung ipagkalat nito sa school ang ginagawa niya?
"Hoy, huwag ka namang matakot, mukha lang akong halimaw pero tao ako kaya hindi kita lululunin ng buhay. Pagpasensyahan mo na iyong mga batang bully na iyon. Hindi kasi sila nagagabayan ng maayos ng mga magulang nila at ang iba sa kanila ay talagang wala nang magulang kaya ganyan sila palagi. Nang-aapi ng sa tingin nila ay mas mahina sa kanila para mapagtakpan ang mga sarili nilang problema. Pero mababait din naman sila kung makikilala mo sila. May pagka-salbahe lang ng kaunti pero hindi naman sila masasamang tao.
Hindi niya alam pero biglang kumalma ang kalooban niya nang marinig ang sinabi ng babae.
Kahit nakita mo na ang mga ginagawa nila ay nasasabi mo pa rin na mababait sila? Hindi niya napigilang itanong. Biglang bumabalik ang pagiging Marcel niya na maangas dahil hindi niya makuha ang pinopunto ng babae.
Oo naman. Kahit naman sinong tao ay may good side sa kanila. Naniniwala ako na kahit gaanong kasama ang isang tao, kung magpapakita ka ng kabutihan sa kanila ay magiging mabait din sila sa yo. At iyong mga batang iyon? Alam ko na ganyan lang sila sa akin dahil ako lang ang nagta-tiyagang bumalik dito para pagsabihan sila palagi sa mga maling ginagawa nila kaya takot din sa akin ang mga iyon. Pero minsan, kapag may pera ako ay binibigyan ko rin naman sila ng pagkain. Baka sakaling umamo sila sa akin kapag binusog ko ang mga tiyan nila. Kaso, maiilap pa e. Kinukuha lang ang binibigay ko pero palagi pa rin nila akong inaasar. At tinawag pa talaga akong halimaw! Umusok ang ilong ng babae.
Hindi niya mapigilang hindi matawa sa expression ng mukha nito. Para itong gorilya na hindi matae!
Bigla itong natigilan nang marinig ang malakas na pagtawa niya. Natigilan din tuloy siya. Ano ba itong ginagawa niya? Hindi mababaw ang kaligayahan niya at sa totoo lang ay bihirang-bihira pa siyang ngumiti pero dahil lang sa simpleng expression ng babaeng ito ay para bang gumaan na ang loob niya.
Malungkot talaga siguro ang buhay mo, no? Kasi simpleng bagay lang ay tumatawa ka na. Sabagay, hindi kita masisisi. Nakakalungkot naman talaga ang maging mahirap. Palagi kang magugutom, wala kang bahay pagkatapos inaapi ka pa ng mga taong mas bata pa sa yo. Alam mo naiintindihan din kita. Hindi ko rin maintindihan ang ibang tao kung bakit karamihan sa kanila ay ayaw sa akin. Lalo na iyong mga ka-schoolmate ko sa school na parang hindi nage-gets ang sense of fashion ko!
Natigilan na naman siya. Hindi kaya hindi alam ng babaeng ito kung gaanong ka-weird ang tingin ng lahat dito? Ang ibig bang sabihin nito ay talagang sinasadya nito ang fashion nitong iyon para maging kakaiba? Amazing.
Alam mo, wala naman akong gaanong kaibigan. Mukhang ganoon ka rin naman, e. Gusto mo ba na maging magkaibigan na lang tayo? Mayroon akong alam na lugar kung saan may mga nag-su-supply ng mga sampaguita na hindi muna kumukuha ng bayad. Pwede kang kumuha roon para hindi ka na mamalimos. Magtinda ka na lang. Gusto mo ba? parang na-excite pa ang babaeng ito sa naisip nitong idea.
Hindi siya makapaniwala. Kinakausap siya nito kahit hindi naman siya kakilala. Alam niya na dahil sa kawirduhan nito ay loner din ito sa school pero sa rungis niyang iyon ay hindi pa rin siya makapaniwala na kahit ang katulad nito ay papansinin din ang isang pulubing kagaya niya.
Wala pa siyang nakakausap na tao na kinausap siya ng matino. Lahat ay nandidiri lang sa kanya at natatakot pang lapitan siya. Pero ang babaeng ito ay gusto pang makipagkaibigan sa kanya? Hindi siya makapaniwala. It seems like she always see the good in people. This girl is so naïve.
Ano, friends na tayo? Ako nga pala si Chabeng. Ikaw? Anong pangalan mo? nakangiting tanong nito.
Hindi niya ito sinagot at sa halip ay nag-iwas lang siya ng tingin. Pero imbes na magalit ay kinuha pa nito ang kamay niya para makipag-shake hands.
Hindi niya maintindihan kung bakit bigla siyang nakaramdam ng bahagyang kuryente sa paghawak niya ng kamay na iyon. Parang kinakapos din siya ng paghinga at nag-umpisa pang mamula ang mukha niya. Dahil ba sa sobrang init doon?
At higit sa lahat, parang hindi niya kayang makipagtitigan sa mga mata nito. Para bang napapaso siya. Hindi niya alam kung dahil lang ba sa natatakot siya na malaman nito na siya si Marcel na itinuturing na king sa buong school o dahil sa iba pang bagay.
Ah, hindi na talaga niya maintindihan ang sarili niya.
Bigla na lang siyang umarte na nagugutom. Kailangan niyang subukan ang bait ng panget na ‘to.
"Nagugutom ako, pahingi nga ng pera, nakasimangot na sabi niya.
Wow, ha! May patago ka? pagsusungit nito na kinagulat niya. Pero maya-maya ay tumawa ito na parang pinag-ti-tripan lang siya. Alam mo, nakakatuwa iyang expression sa mukha mo. Lalo na kapag nagugulat ka. Akala mo magsusungit ako, no? Naaalala ko tuloy sa yo iyong crush ko na si Marcel!
Natigilan siya nang marinig ang sinabi nito. Sinasabi na nga ba niya at may gusto ang babaeng ito sa kanya. Pero mukhang hindi naman nito nahahalata na siya mismo ang Marcel na tinutukoy nito.
Sinong Marcel? Iyan ba ang klase ng lalaki na parang lumabas na lang sa mga romance pocketbooks at halos lahat ng katangian ay nasa kanila na? nakasimangot pa rin na tanong niya.
Wow, ha, ang bitter mo! natatawang sabi nito saka parang bigla na lang nangarap. Pero oo, daig pa ni Marcel ang mga bidang lalaki sa mga romance novel. Gwapo yata si Marcel my loves, matalino siya, mayaman, magaling sa sports at yummy ang katawan!
Napangiwi siya. Parang bakla rin pala kung magsalita ang babaeng ito. Katulad ka rin pala ng ibang babae na pisikal na anyo at yaman lang ang tinitingnan sa mga lalaki. Hindi niya maintindihan kung bakit pakiramdam niya ay parang nadisappoint siya na ganoon nga ang babaeng kaharap niya ngayon. Ang akala pa naman niya ay iba ito.
Ay, grabe ka naman, manong! Napaka-judgemental mong nilalang! Alam ko naman na parang superhero na sa mga teleserye ang Marcel my loves ko no, pero syempre, hindi naman iyon lang ang nakita ko sa kanya! reklamo pa ng babae.
At tinawag pa talaga akong manong, sabi ng isip niya.
Then what else could it be? Bigla niyang natutop ang bibig. Bigla siyang nakapag-english! Baka magtaka ang babaeng ito kung bakit marunong mag-english ang isang pulubing katulad niya na halos hindi na makita ang mukha dahil sa sobrang dumi.
Hayy, ang aking Marcel my loves. Kapag naiisip ko siya ay talagang lumalakas ang tibok ng puso ko. Alam ko talaga na kami ang destined for each other, eh. Kaso hindi pa niya alam iyon, pero sigurado ako na darating ang panahon na makikita niya rin ako.
Sa sobrang pangangarap ng babae ay parang hindi naman nito napansin pa na nag-english siya. Pero ilusyunada rin pala ang babaeng ito. Talagang iniisip na para sila sa isat-isa eh, ni hindi nga niya alam ang pangalan nito.
Alam mo si Marcel, iniisip ng lahat ng tao na perpekto na siya. Kasi totoo naman talaga iyon. Pero dahil doon ay napapansin ko na habang pinalilibutan siya ng mga tao sa paligid niya ay lalo lamang kumukonti ang mga taong pinagkakatiwalaan niya. Hindi man siya magsalita ay alam ko na malungkot siya dahil nakikita ko iyon sa mga mata niya. Andami nang babaeng nagkagusto at nagtapat sa kanya pero binigo lang niya ang mga ito. Kaya iyong mga babaeng iyon, karamihan ay isang yelo na ang tingin sa kanya. Iyong iba naman naming kaklaseng lalaki, mabait lang sila kapag nakaharap si Marcel pero kapag nakatalikod na ito ay puro paninira na lang ang ginagawa nila.
Tumaas ang kilay niya sa narinig mula sa babae. May mga komentong ganon na lingid sa kaalaman niya?
Ang sabi ng mga lalaki sa school namin, masyado raw mayabang si Marcel purkit lahat ng babae ay nagkakagusto sa kanya. Purkit mayaman siya at nakukuha ang lahat ng gusto nang walang kahirap-hirap. Katulad ng sinasabi ng mga babae ay malamig pa raw kaysa sa yelo si Marcel. Wala raw siyang compassion sa iba at hindi marunong makisama. Wala raw siyang puso.
Natahimik siya sa mga narinig. Hindi siya makapaniwala na ganoon na pala ang opinyon ng mga tao tungkol sa kanya. Palaging mabait ang lahat sa kanya kapag nakaharap siya. Palaging sinusunod ang gusto niya. Palagi siyang pinagbibigyan ng mga ito kahit ang dami na niyang nagagawang kasalanan. Para ngang kapag tungkol sa kanya ay wala nang karapatang magalit ang mga ito. Palagi siyang pinapatawad ng mga tao kahit na hindi naman niya iyon hinihingi.
Pero hindi ako naniniwala sa mga sinasabi nila. Nakita ko si Marcel noon na may tinulungan na isang ibon na nabalian ng pakpak. Walang masamang tao ang maaawa sa isang maliit na ibon kung pwede naman niya na iwanan na lamang iyon at hayaang mamatay katulad ng ginagawa ng ibang tao.
Natigilan siya nang maalala ang araw na may tinulungan nga siya isang ibon noon na binato ng mga salbahe niyang kaklase sa school. Nabali nga ang pakpak ng ibon na iyon at ginamot niya. Mukhang stalker ang Chabeng na ito at napansin pa ang maliit na bagay na nagawa niya.
Naniniwala ako na may dahilan si Marcel kung bakit siya malamig sa ibang tao pero hindi talaga siya masama. Naniniwala ako na mabait siya at hindi siya dapat hinuhusgahan ng ganon-ganon na lang. Alam ko na malungkot lang siya. Sa tingin ko ay kailangan lang niya ng kaibigan na magiging totoo talaga sa kanya. Iyong uunawa sa kanya at hindi siya pag-uusapan kapag nakatalikod na siya, malakas ang tiwala sa kanya na sabi ni Chabeng.
Muli ay napatulala na naman siya sa babaeng nagsasalita ngayon. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lamang itong naging maganda sa paningin niya.
Sa dami ng mga nakakakilala sa kanya sa school ay ngayon lamang may nakapansin ng kalungkutang nagtatago sa likod ng mga mata niya. Magaling siyang magtago. Nagpapanggap siya na masaya kahit na hindi naman talaga.
Pero ang babaeng ito Para bang nakikita nito ang loob ng pagkatao niya sa pagtingin lamang nito sa mga mata niya. To think na panay pa naman ang lait niya rito kanina.
Alam mo, ang dami ko nang nadaldal sa yo, samantalang hindi mo naman kilala si Marcel. Puro na rin siguro bahing iyon ngayon dahil puro siya na lang ang bukambibig ko. Mabuti pa siguro kung kumain na lang tayo. Huwag kang mag-alala dahil ako na ang manlilibre sa yo kaya huwag ka nang humingi ng pera, ah! natatawang sabi nito.
Iyon lamang at hinila na siya nito patayo sa pinagkakaupuan niya sa sahig.
Muli ay naroon na naman ang kaba at panginginig ng kamay niya sa simpleng pagdampi lang ng kamay nito sa kanya. Mukhang iba talaga ang babaeng ito. Ni hindi man lang nandiri na puro dumi ang mga kamay niya.
Sinundan na lamang niya ang nerd na babae. Malapit lang naman ang palengke roon sa simbahan kaya mabilis lang nilang napuntahan ang sinasabi nitong karendirya.
"Ikaw talagang babae ka, nong nakaraan, si Freyang Pulubi ng dinala mo rito, ngayon ay may bago ka na namang dalang pulubi? Plano mo ba talagang magtayo ng bahay ampunan pagdating ng araw? Nag-react agad ang babaeng mataba nang makita siya.
Sa unang tingin ay inakala niya na lalaki ito dahil halos lalaki na rin itong manumit at kumilos. Sobrang ikli din ng buhok na parang sa isang lalaki. Sa tingin niya ay isa itong butch lesbian at siyang may-ari ng karinderya na iyon.
Ate naman, eh. Ang sungit-sungit mo! Paano kang magkaka-asawa niyan? pagbibiro ng babaeng nerd. Pakainin na natin siya. Gutom na raw, eh. Sige na, ate, maganda ka naman. Biglang ngumiti ang babaeng nerd na parang isang maamong tupa.
Eh kung ingudngod ko kaya iyang nguso mo? Sinong maganda at sino ang magkakaasawa? pikon na sabi ng babae.
Oh, eh, di pogi na. Ate kong pogi, kakain na kami. Gutom na siya eh, hindi ka ba naaawa? pagbibiro ulit ni Chabeng.
Nako, Chabeng! Puro ka awa. Sa kakaawa mo, tayo naman ang maghihirap. Araw-araw ka na lang nagdadala ng mga pulubing nagugutom dito. Malulugi ang karendirya natin sa yo, eh! reklamo pa rin ng babaeng mataba.
Kung ganoon ay hindi lang pala siya ang dinala ng babaeng nerd dito. Mukhang may puso talaga ito para sa mahihirap na tao katulad niya. At Chabeng pala talaga ang pangalan nito. Ang bantot naman. Mas mabantot pa kaysa sa suot niya.
"Tingnan mo nga iyang lalaki na yan, ang laki-laki ng katawan, hindi marunong mag-trabaho tapos mukhang hindi pa marunong maligo! Hoy, Chabeng, baka naman kumekerengkeng ka na sa pulubing iyan, ah! Naku, utang na loob, mahirap na nga tayo, hahanap ka pa ng taong grasa. Baka masayang lang ang pampa-aral ko sa yo! Akusa agad ng ate nito na tinawanan lang ni Chabeng.
Alam mo, ate, oa ka na! Kakain lang kami, okay? Aalis din naman agad si ano nga pala ulit ang pangalan mo? tanong nito.
Ah, Marco. Marco ang pangalan ko, pagsisinungaling niya. Talagang ngayon lang naisip ni Chabeng na alamin ulit ang pangalan niya.
Iyon, aalis din naman si Marco agad, ate. Maawa ka naman sa taong nagugutom. Paano na lang kung ako ang malagay sa kalagayan niya tapos wala man lang maawa sa akin at hayaan na lang ako sa kalye? Makakaya mo ba yon? pagpapa-cute pa ni Chabeng.
Pinitik ng ate nito ang noo nito. Ano pa nga ba ang gagawin ko? Sa kulit mong yan, hindi ka rin naman titigil hanggat hindi mo nakukuha ang gusto mo! Sige na, ipakain mo sa kanya lahat ng klase ng ulam na gusto niya rito dahil ito na kamo ang una at huli na makakakain siya ng libre rito! Wala nang nagawa na sabi ng ate ni Chabeng.
Salamat, ate! The best ka talaga! I love you Akmang hahalikan pa ni Chabeng ang pisngi ng ate nito pero itinulak na palayo ng ate nito ang nguso nito.
Nako, Chabeng, kita mo nang puro pawis ako tapos hahalik ka pa! reklamo ng ate nito.
Okay lang yon! Mabango ka pa rin naman kahit puro ka pawis! I love you, ate! Saka yumakap na lang sa kapatid nito si Chabeng.
Napangiti na lang siya habang tinitingnan si Chabeng. Mukhang close na close ito sa ate nito at sobra rin pala nitong lambing. Hindi katulad sa kanila na halos hindi na niya kilala ang daddy niya dahil palagi na lang itong busy sa mga negosyo nito.
Umupo na sila sa isang silya na medyo malayo sa mga may kumakaing tao. Ang sabi ng ate ni Chabeng ay baka raw kasi mawalan ng gana ang mga ito kapag nakita at naamoy siya.
Pagpasensyahan mo na iyong Ate Odeth ko, ah? Matandang dalaga na kasi iyon kaya masungit talaga. Pero mabait naman iyon. Masyado lang talagang praktikal sa buhay. Hindi ko naman siya masisisi kasi siya ang nagtaguyod sa akin kahit hanggang ngayon sa pag-aaral ko. Malaki ang halaga ng bawat sentimo sa kanya, sabi pa ni Chabeng habang naghihintay sila sa ate nito na dalhan sila ng pagkain.
Hindi ko naman siya masisisi. Sa baho kong ito, kahit naman talaga sino ay mawawalan ng gana kumain, sabi pa niya na talaga namang totoo. Kung minsan, masyadong nagiging epektibo ang pagpapanggap niya na kahit mismong siya sa sarili ay nandidiri na rin siya.
Napansin niya na biglang napatitig sa kanya si Chabeng. Hindi niya alam kung bakit biglang namula ang mukha niya. Siya ang klase ng tao na hindi na-iintimidate sa kahit na sinong tao pero kakaiba ang nararamdaman niya ngayon at para bang hiyang-hiya siya at naiilang na tinititigan siya nito.
Naniniwala kasi niya na perkpekto na ang mukha niya bilang sa Marcel at taglay niya ang lahat ng katangian na hinahanap ng isang babae sa isang lalaki kaya palagi niyang dala-dala ang confidence kahit pa nagpapanggap siya ngayon bilang isang pulubi.
Pero nahihiwagaan siya sa sarili kung bakit kinakabahan siya sa mga tingin ni Chabeng sa kanya. Parang bigla siyang nanliliit sa sarili niya. Parang kinukulam pa yata siya ng panget na ito, ah.
Anong problema mo? masungit na tanong niya.
Alam mo, kapag tinitingnan kita, hindi ko makita na isa kang pulubi.
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ni Chabeng. Nakakahalata na ba ito?
Bakit mo naman nasabi? Nag-iwas siya ng tingin.
Sa kilos at galaw mo kasi ay parang hindi ka isang pulubi. Kitang-kita naman sa yo na marungis ka pero parang ang elegante mo pa ring kumilos. Para bang mayaman ka pa rin.
Napalunok siya. Hindi nga yata siya ganon kagaling umarte kagaya ng iniisip niya.
Imagination mo lang siguro iyon. Paano naman magiging elegante ang kilos ng isang pulubing katulad ko? sabi niya na hindi makatingin ng diretso rito.
Hmm Sabagay, napaisip din na sabi nito na nangalumbaba pa.
Dahil nag-iwas ng tingin si Chabeng ay nagkaroon siya ng pagkakataon na palihim na pagmasdan ang mukha nito. Habang nakatitig dito ay pigil hininga na naman siya. Para bang kumakalabog na naman ang dibdib niya. Ngayon niya nakikita na hindi naman pala ganoon kapangit si Chabeng kung tititigan. Sexy din ito kahit pa palaging natatakpan iyon ng mga makakapal nitong damit. Matangos din naman ang ilong nito, makinis ang balat at napakaganda ng mga mata nito na natatakpan ng napakakapal nitong salamin. Bukod doon ay manipis ang mapupula nitong mga labi. Halata naman na hindi ito naglalagay ng lipstick pero natural na mapula iyon.
Bigla itong tumingin sa kanya. Parang tumalon bigla ang puso niya sa dibdib niya lalo na nang ngumiti ito nang ubod ng tamis.
Crush mo ko, no? nakangising tanong nito.
Biglang namula ang mukha niya. A-ako, magka-crush sa yo? Nababaliw ka na ba?! Hindi makapaniwalang tanong niya.
Tumawa lang ito. Okay lang yan. Marami talagang nala-love at first sight sa akin kaya sanay na ako, natatawang sabi nito.
Hindi siya makapaniwala na sa kabila ng pagiging nerd nito ay ang lakas din pala ng fighting spirit nito.
Pero ewan ba niya, hindi niya magawang itanggi sa sarili ang sinabi ni Chabeng. Nababaliw na nga yata talaga siya.
Doon na dumating ang Ate Odeth nito at hinandaan na sila ng makakain. Nang makita ang mga pagkain ay parang bigla siyang nagutom. Nilantakan na agad niya ang mga pagkain na parang wala ng bukas. Sinadya talaga niya na hindi kumain ngayong araw para lalo lamang niyang maramdaman ang pakiramdam ng isang pulubi. Iyong walang laman ang sikmura. Iyong sabik sa kahit anong pagkain na ibinibigay ng taong naawa rito
Napitigil din siya maya-maya nang makitang nakatitig na pala si Chabeng hanggang ngayon sa kanya. Teka, nakakahalata na ba itong siya si Marcel na prinsepe ng school?
"Bakit ka tumitingin? Ngayon ka lng ba nakakita ng taong parang sabik sa pagkain?" iritableng tanong niya.
"Sa totoo lang, marami na nga, eh. At natutuwa lang ako na ako iyong nagiging dahilan para mapunan iyong gutom na nararamdaman ninyo sa katawan."
"Baliw ka ba? Ano namang nakakatuwa na makakita ng isang tao na parang patay gutom kung kumain? Pinagtatawanan mo ba kami?" Kunwari ay uminit ang ulo niya. Pero sa totoo lang ay naiilang na talaga siya sa bawat titig ni Chabeng sa kanya. Hindi niya alam kung bakit pero para siyang napapaso sa mga tingin nito.
Ay, hindi, no! Masyado ka naman palang sensitive! Kanina ikaw ang tumitig sa akin, hindi naman ako nagalit. Tapos ngayon, ginawa ko sa yo, halos umusok ang ilong mo riyan. Huwag ganon, manong! Imbes na mapikon sa sinabi niya ay tinawanan lang siya ni Chabeng saka ginulo pa ang buhok niya na parang isang aso.
Bakit ba ganito kung kumilos si Chabeng? Masyado itong pa-cute at mahinhin kung kumilos. Napakainosente nito. Hindi ba talaga ito aware na panget ito? Maging ang boses nito ay ang sarap din sa pandinig. Pakiramdam tuloy niya, kahit na ganoon ang ayos nito ay nagiging maganda na talaga ito sa paningin niya! Ano ba itong pumapasok sa isipan niya? Huwag naman sanang tama ang kutob niya tungkol sa sarili.
Alam mo, Marco, gusto ko lang talaga na nakakatulong sa ibang tao. Alam mo ba na pangarap ko ang yumaman para lahat ng nakikita kong mga katulad mo ay matulungan ko? Kaya nga ako nagsisikap sa pag-aaral, eh. Gusto ko na bumawi kay Ate Odeth sa lahat ng paghihirap niya sa akin at maibalik din ang kabutihan niya sa lahat ng mga nangangailangan.
Natigilan siya sa sinabi nitong iyon. Mukhang talagang maganda ang intensyon ni Chabeng. Sinasabi ng iba na panget ang face nito pero maganda ang kalooban nito. Ngayon lamang siya nakakilala ng ganitong klase ng babae. Hindi siya makapaniwala na mapapaisip siya nito ng ganito.
Saka alam mo, hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko ay nakikita ko sa yo iyong prince charming ko. Ewan ko ba, hindi naman kayo magkamukha. Biglang ngumiti si Chabeng nang tila maalala nito iyong lalaking tinutukoy nito.
May boyfriend ka na pala, mapait na sabi niya.
H-ha? Hindi no! Si Marcel pa rin iyong tinutukoy ko. Iyong kinuwento ko sa yo kanina, pagtanggi nito.
Hindi niya alam kung bakit parang gusto niyang ngumiti nang marinig ang sinabi nito. Siya pala talaga ang itinuturing nitong prince charming.
Nakikita ko sa yo na nagsusungit ka lang pero deep inside ay na-a-appreciate mo rin iyong ginagawa ng ibang tao para sa yo. Alam kong ayaw mo lang iyong ipakita dahil nahihiya ka o dahil hindi ka siguro sanay. Katulad ni Marcel na itinataboy ang mga tao sa paligid niya, pero deep inside, alam ko na gusto niya ring magkaroon ng totoong taong magmamalasakit sa kanya. Parehas lang kayong nagtatago ni Marcel sa isang pagkatao na hindi naman talaga kayo. Ipinakikita ninyo sa iba na kaya ninyo ang sarili ninyo. Na kaya ninyong gawin ang lahat at hindi ninyo kailangan ng iba pero ang totoo, naghahangad din kayo ng isang tao na talagang magmamalasakit sa inyo, hindi dahil sa kung sino kayo kundi dahil sa kung ano ang totoong kayo
Bigla na naman siyang natigilan dahil sa mga sinabi ni Chabeng. Sa tuwing nakikita niya noon sa school si Chabeng ay walang ibang tumatakbo sa isipan niya kundi ang pagiging weird lang nito. Pero hindi niya akalain na ngayon ay makikilala pa niya nang mas malalim ang pagkatao nito.
Nag-iwas siya ng tingin. Ang galing mo namang psychologist, pati pala isipan ng ibang tao ay nababasa mo, pagsusungit pa rin niya saka kumain na lang.
Kahit pa ano ang sabihin mo, Marco, para sa akin ay magkaibigan na tayo. Kung may problema ka, pwede mo naman akong lapitan, eh. Hindi nga lang kita bibigyan ng pera kasi ayaw ni Ate Odeth na kumikunsinti ako ng tamad, pagbibiro pa nito. Pero kung gusto mo, tutulungan kita na maghanap ng matinong trabaho kahit na papaano. Para naman hindi ka pagala-gala na lang sa kalye, sabi pa nito.
Mukhang seryoso talaga ang babaeng ito na tulungan siya. Kung alam lang nito na sa yaman niya ay hindi naman talaga niya kailangan ng tulong.
Sabihin mo nga sa akin, bakit ba gustong-gusto mo iyong Marcel na iyon? Kunwari ay tanong niya. Hindi niya alam kung bakit gusto rin niyang malaman kung gaano ito kainteresado sa kanya.
Para namang nagningining ang mga mata ni Chabeng nang maisip muli siya. Bumuntong-hininga pa ito na parang nangangarap.
Sino ba namang babae ang hindi magkakagusto sa kanya? Ang gwapo-gwapo niya, matalino, matangkad wala na akong mahihiling pa. Darating ang araw at magiging kami rin. Naniniwala ako na kami rin ang magkakatuluyan..." Magkayakap pa ang dalawang mga kamay ni Chabeng na para bang nangangarap ito.
"Kahit maraming nagsasabi na mayabang siya at parang walang itunuturing na kaibigan, balewala sa akin lahat iyon. At sa totoo lang, kahit na talikuran man siya ng lahat ng tao sa buong mundo, basta ako ay mananatili pa rin sa tabi niya. Hindi lang niya alam pero sa totoo lang ay maraming nagmamahal sa kanya, hindi lang niya nakikita dahil takot siyang magmahal. Takot magtiwala at masaktan Pero alam ko na mabuti siyang tao."
Bawat salita na lumalabas sa bibig ni Chabeng ay pakiramdam niya ay bumabaon sa loob ng isip at puso niya. Hindi niya akalain na may tao pala na ganoon kalakas ang paniniwala sa kanya.
Nakatingin ito sa malayo habang alam niya na siya ang iniisip nito. Iniisip siya nito habang hindi nito alam na nandoon lamang siya sa tabi nito.
Bigla siyang natigilan nang humarap at ngumiti sa kanya si Chabeng. Sobrang lakas na naman ng tibok ng puso niya at pakiramdam niya ay nagningning si Chabeng sa paningin niya. Para bang ang ganda-ganda nito
Napahawak tuloy siya sa dibdib.
"Huy, ayos ka lang ba? Sumama ba bigla ang pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong nito na hinawakan pa siya sa balikat.
Tinulak niya palayo ang kamay nito. "Sino ka ba sa tingin mo na kung magsalita ka ay parang kilalang kilala mo na si Marcel? Na alam mo ang mga pinagdadaanan niya? Huwag kang magsalita dahil wala kang alam! Hindi niya alam kung saan nanggaling ang galit niya. Naging mabuti sa kanya si Chabeng pero malakas ang kutob niya na may nangyayari sa kanya ngayon na hindi niya maintindihan. Alam niya na walang maidudulot na maganda iyon sa kanya kaya dapat niyang pigilan ang sarili niya.
Nanahimik ang katahimik sa kanilang dalawa. Saka mayamaya ay biglang nagsalita na si Chabeng.
Hindi ko kilala nang lubos si Marcel. Ni hindi ko nga alam kung nag-e-exist ba ako sa mundo niya o kilala man lang ba niya ako? Pero isa lang ang alam ko, mahal ko si Marcel kaya hanggat kaya kong intindihin siya ay gagawin ko. Hindi lang niya alam pero siya ang nagbibigay inspirasyon sa akin para tuluyang pumasok sa school kahit puro pang-aapi lang naman ang dinaranas ko roon. Makita ko lang si Marcel ay pakiramdam ko, kumpleto na ang araw ko at para bang nawawala ang lahat ng mga problema ko. Sa sobrang pagmamahal ko nga sa kanya ay halos hindi na ako makahinga, eh. Alam kong balewala lang ako sa kanya pero handa ko siyang mahalin kahit sa malayo ko lang siya palaging natatanaw. Para sa akin, malaking bahagi siya ng buhay ko kaya kahit ano pa man siya ay tatanggapin ko pa rin siya. Kahit pa alam ko naman na malabong matugunan din niya iyong pag-ibig na iyon. Okay lang, ang mahalaga sa akin ay ang mahalin lang siya kahit pa walang kapalit, seryoso nang sabi ni Chabeng na wala nang pakialam sa talim ng mga titig niya rito.
At siya, hindi niya malaman kung ano ang gusto niyang maramdaman sa mga naririnig niya sa babae. May parte ng puso niya ang natutuwa pero sinasabi ng utak niya na hindi pwede. Na hindi niya deserve ang love nito.
"Kung ganon ay itigil mo na iyan, Chabeng. Huwag mo na siyang mahalin dahil hindi siya karapat-dapat na tao para pakitaan ng pagmamahal! Dahil masama siya!" Pagsigaw na niya rito na ikinagulat ng mga tao roon.
Pinaikot niya ang mata sa paligid at nakita niya na pinagtitinginan na sila ng lahat doon. Maging ang ate ni Chabeng ay lumapit na rin para siguro kastiguhin siya pero inawat lang ito ni Chabeng.
Nalipasan lang ng gutom ang kaibigan ko, ate. Hindi naman talaga siya nanggugulo. Pinilipit ngumit ni Chabeng at pinagtatanggol pa rin siya nito kahit na sinigawan na niya ito.
Naiinis na talaga siya rito. Bakit ba ang bait-bait nito?
Chabeng, kalimutan mo na ako. Dahil hinding-hindi na ako magpapakita pa ulit sa yo kahit pa na kailan. Iyon na ang huling sinabi niya saka na umalis sa lugar na iyon

Ang Pulube at si Chabeng Ilusyunada (Published Under Lifebooks)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon