Chapter 8: A Redemption for Love

Magsimula sa umpisa
                                    

            "Ang alin? Na kaya hindi mo sinabi kasi gusto mong gantihan si Katherine?"

            "OO! Gustong-gusto ko Red!" Sigaw niya sa pagmumukha ng matalik na kaibigan. "Sa lahat ng sakit na dinanas ko noong high school kami at sa lahat ng pasakit mga mura at pagpapahiya sa'kin ng babaeng iyon gustong-gusto ko siyang gantihan para sa lahat ng 'yon!" Maluha-luhang sabi ni Nate. "P-pero 'di ko magawa."Saka siya muling lumagok ng alak. "Sa tuwing maiisip ko na minsan sa buhay ko ay binigyan niya ng kulay ang mundo ko kahit na puro kulay putik ang ipininta niya dito. K-kaya pinagkasya ko na lang ang galit ko sa isang 'sorry' mula sa mga labi niyang makasalanan!"

            "Pero matagal na niyang pinagsisihan ang mga ginawa niya sa'yo Nathan!" Tawag niya sa orihinal na pangalan ng kaibigan.

            "Wala akong pakialam," malumanay na sagot ni Nathan.

Napasinghal na lamang si Red saka kinuha ang isa pang bote ng alak at sinabayan ng inom ang kaibigan.

            "Mahal mo pa rin ba siya hanggang ngayon?" Pagkuwa'y tanong ni Red.

Biglang napatingin si Nathan kay Red pero agad din naman ibinaling ang tingin sa labas ng cabin.

            "Bakit mo naman natanong 'yan?" Si Nathan.

            "Nakikita ko kasi sa mga mata mo na may nararamdaman ka pa para sa kanya."

            "Kahit naman may pagmamahal pa rin ako para kay Katherine hinding-hindi niya ako mamahalin pabalik."

Sa sagot na iyon ni Nathan ay nakumpirma nga niyang may kahit papaano ay may natitirang pagmamahal pa rin ang binata para kay Katherine. Kaya bigla siyang natahimik dahil sa isang isipin. Isang isiping masasabi na ring makasarili.

                Hindi ko alam kung sasabihin ko sa'yo na mahal ka rin ni Katherine simula pa noong pag-alis mo. Tao lang akong marunong magmahal Nate. Tao lang din akong marunong magdamot lalo na ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Sorry Nathan pero kung magiging magka-away man tayo pagdating ng panahon dahil sa pag-ibig ni Katherine, gagawin ko ang lahat para manalo sa laban na iyon.


            HINDI makapaniwalasi Cha sa ikinuwento ni Katherine habang nakahiga na sila sa kama.

            "Nagbago na si Nathan," tanging nasabi na  lamang ni Cha.

            "Tama ka, nagbago na siya at ang laki ng ipinagbago niya. Pero hindi magbabago ang nararamdaman ko para sa kanya. Simula noon at hanggang ngayon mahal ko pa din siya."

                "WHAAAATTTT!!??" Napabangon sa kanyang kinahihigaan si Cha dahil sa narinig niya mula sa kaibigan. "Mahal mo na si Nathan simula pa noon? At hanggang ngayon? And the worse, hindi mo sinabi sa'kin 'yan!" Nanlalaki ang mga mata ni Cha, "Gaga!"

Bumangon din si Katherine at napa-upo sa gilid ng kama.

            "S-sorry. K-kasi baka kapag sinabi ko sa'yo pagtawanan mo 'ko dahil na-in-love ako sa gaya niya,"payukong paliwanag ni Katherine.

            "Ano ka ba naman. Syempre maiintindihan ko, best friend mo 'ko eh! Pero ganoon pa man sorry muna friend hah."

            "Para saan?"

Hindi na rin napigil ni Cha ang sarili at halos sumalampak siya sa sahig dahil sa sobrang hagalpak ng tawa niya dahil sa nalaman

            "Sabi mo 'di ka tatawa?"

As I Lay Dying [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon