HER Over Him

691 22 2
                                        

Hindi kami okay, alam ko 'yun. At alam ko rin na mas lalo kaming hindi magiging okay pagkatapos nito. Pero kailangan ko pa ring gawin kahit na masakit para sa'kin.

Noong una wala namang problema eh, ni-wala pa nga akong masyadong pakialam kung saan man ako mapunta, kaya ang sabi ko noon sa sarili ko, 'okay lang, wala namang dahilan para mag-stay dito. Wala naman akong maiiwan.' Pero ngayon iba na. Ang dami nang nagbago. Ang daming nangyari.

I suddenly had the reason to stay. But somehow, fate is such a mood killer. Tila ba linikiliko niya ako sa daang dapat ay naroon ako, at wala akong ibang choice kundi tahakin ang daang 'yun.


Binuksan ko ang pinto at nadatnan ko siyang nakaupo sa kanyang kama. Narinig niya siguro ang pagbukas kaya saglit niyang ibinaling ang paningin niya sa'kin sabay punas ng mga mata. Alam ko na umiiyak siya. Alam ko na ako ang dahilan ng pagluha niya.

Sa itsura niya ngayon bigla akong nanghina. Nagi-guilty ako sa mga nangyayari. Masakit kasi alam kong nasasaktan siya. Masakit kasi nasasaktan din ako. Sobrang sakit kasi naapektuhan siya sa problema ko.

"H-hey." Panimula ko at pinilit kong ngumiti. Hindi ako nag-eexpect ng maayos na reaskyon mula sa kanya, pero nagulat talaga ako nung pilit niya ring ibinalik ang ngiting 'yun sa'kin.

"Come here." She whispers as she pats on her lap; the place where I used to sit everytime we were being intimate. No, I'm not expecting any more of that right now though.

At first there's a hesitation on my part, because I lied to her - I didn't tell her the truth, and now she's asking me like how we used to be; as if everything's fine. It's killing me.

"Please." She adds with those pleading blue eyes that make my knees turn to jelly.

Hindi ko na maalala kung anong hakbang pa ang mga ginawa ko, ang alam ko na lang ay nakayakap na ako ng mahigpit sa kanya. My legs on her waist and my arms on her neck. Then I can't conrtoll my emotions anymore.

"I'm sorry." I mutter between my sobs. All of the heartache, the pain, the frustration, I'm pouring it all right now. 

Pinaghalo-halong inis, hiya, at  takot ang nangingibabaw sa utak ko ngayon. Wala akong ibang magawa kundi ang umiyak na lang, at hanggang sa oras na ay iyon pa rin ang ginagawa ko. Ang hina ko.

"I'm really sorry." Dugtong ko pa at mas lalong hinigpitan ang pagkapit sa kanya, ayaw ko siyang pakawalan, ayaw ko siyang bitawan, but I know that at the end of the day, 'yun ang kailangan kong gawin.




[Hey :) Any filo Jerrie shippers here? So yeah, this is a Tagalog-English Jerrie story. Please support 😊]

HER Over Him |Jerrie Tag-lish AUStories to obsess over. Discover now