o8

631 34 26
                                    


Dear Diary,

Alam mo ba bes , Weeksarry namin ngayon ni koyang poging journalism .

Isang linggo na simula nung pinulot ko yung ballpen nya hartue hartue.

Syempre ako lang nakakaalam nun, pero feel kong ipaalala sa kanya kaya inulit ko ang mga pangyayari . Pero this time ako naman nag laglag ng ballpen.

Pinulot nya naman , pero syempre kunwari hindi ko sadya kaya nalagpasan ko sya . Tapos kinalabit nya ko .

" Uy yung ballpen mo nahulog " sabi nya , Puta bes ! ibang level na talaga to . May endearment na sya sakin "UY" daw puta! wala na talaga akong papayagang may ibang tatawag sakin ng "UY" kundi sya huehue.

Nag pasalamat naman ako at nginitian sya . Tapos nginitian nya din ako pabalik. putek ! namatay nanaman ako ng 3secs at nabuhay ulit dahil mag mamahalan pa kame 😍

Ayun nga ganun namin nicelebrate ang weeksarry namin . Mala Aldub diba? walang salitaan puros ngitian lang 😍

Ps. hindi ako si Yayadub.
Pps. Mas lalong hindi ako si Alden dahil mas gawapo ako.
Pps. Ang gwapo ko 😎

Dk ❤

Diary Ni SeokMinWhere stories live. Discover now