15

293 17 2
                                    

Nakatulala lang ako sa text book ko. Di ako maka-concentrate. Kung ano-ano yung pumapasok sa utak ko.

Hindi ko maintindihan sarili ko. Lately, ang dami kong iniisip.

Si mama namomorblema na sa pera. Nangyayari na to simula nung iniwan siya ni papa. Hindi niya na kayang bayaran tuition ko dito sa school. Sa totoo Lang, hindi ko alam kung ano trabaho niya eh. Ayaw niyang sabihin sakin. Kaya ako tong gumagawa ng paraan para matulungan siya.

Noong umpisa ng 2nd semester, nag part-time ako sa isang daycare. Magtuturo ako dun. Noong umpisa, ayoko sa mga bata. Nag dalawang isip ako kung magtatrabaho ba ko dun. Kaso yun lang yung nahanap kong medyo malaki yung bayad. I work there every saturday.

Kaso kulang pa rin yun eh. Pledis was an exclusive school. Mataas ang bayad. Ito yung school na gustong-gusto kong makapasok.

Ginalingan ko ang performance ko sa school para makakuha ng scholarship. Noong iniwan ni papa si mama nung bata pa ko, nagsipag na ko sa pag-aaral para makatulong kay mama.

I started living alone too. Ako na ang nagbabayad ng rent dun. Ang dami ko ng binabayaran.

Dumagdag pa dito si Seungcheol. Ano bang problema ng lalaking yun? Ang kulit-kulit! Ang FC! Hindi ko na kaya yung lalaking yun. Lapit ng lapit hindi naman pinapalapit.

Pero to be honest, he was not that bad. Napapatawa niya ko kung namomorblema ako. And since lagi siyang nandiyan, di na ko laging magisa. Pero ang FC pa rin niya eh!

"Jihoon!"

Naputol ang iniisip ko. Nakita ko siyang lalapit dito at umupo sa upuan sa harap ko.

"Nandito ka nanaman pala hehe."

Di ako nagsalita.

"Galit ka pa ba sakin?"

"No." I said quietly

"It doesn't look like it eh."

Di pa rin ako umimik. Binalikan ko na lang yung binabasa ko.

"Jihoon."

Tumingin ako sakanya.

"Alam kong galit ka pa sakin. Sorry. Sorry talaga. Sorry kung ang kulit ko. Alam kong ang fc ko. Sana mapatawad mo ko please."

"Kung alam mong nakakainis yung ginagawa mo, ba't mo pa ginagawa?"

Wala siyang masagot.

"You'll find out soon." Sabi niya Pero di ko narinig.

"Ha?"

"Ah wala. Ganun lang talaga kasi ako. Kaya sorry talaga."

Tumango na lang ako.

"Ay, ito pala." May kinuha siya sa bag niya. Nag lagay siya ng Milkis sa harap ko.

"For you hehe."

"Thanks." Sabi ko at kinuha ito. Naglabas din siya ng sakanya.

"Anong rinereview mo?" Sabi niya at tinignan ang binabasa ko.

"Math? Nahihirapan ka ba? Do you need help?"

"Hindi na." I said and tried answering a problem.

"Mali yung pagka-gamit mo nung formula Jihoonie hehe."

Kinuha niya ang lapis sa kamay ko. Lumapit ang ulo niya sa may papel ko.

"So ganto gagawin mo." He started.

Na patingin ako sakanya. Ang lapit na pala ng mukha niya sa mukha ko. I could clearly see his long lashes, his lips.

"Okay ka lang?" He said. Di ko napansin na nakatitig pala ako sakanya.

"Mm"

"Ang gwapo ko ba? Haha."

"Kunwari wala akong narinig." I chuckled.

"Ay grabe siya oh." Then he laughed.

"Let's continue?" Tanong niya.

"Mm."

________________________

Eng sweet niye nemen pe

~jigglyhoon / A

0/10 | JiCheol Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon