11

281 14 4
                                    

CSC's POV

Tinignan ko ang mga salita ng nakalagay sa screen ng phone ko.

You cannot reply to this conversation

Hindi ko ng mapigilang magwala. Kung ano ano na ang tinype ko. Hindi niya naman makikita eh.

Ang sakit na ng ulo ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Nagpapakatanga lang ako. Ang dami ng kasinungalingan ang lumabas sa bibig ko. May masasaktan lang akong inosenteng tao dahil sa ginagawa ko.

Ang duwag mo kasi Seungcheol. Napaka-duwag mo!

Masyado akong takot sa tatay ko. Kahit kelan hindi ko binabaliwala ang mga sinasabi niya. Para akong aso niya. Aso niyang tinatakot niya. Asong gusto niyang Palaging nasa taas. Asong Palaging nangunguna. Hindi siya papayag na pangalawa lang ako sa kahit saan. Kahit Ayokong gawin ang mga sinasabi niya, idadaan niya lang sa pananakot para gawin ko.

Noong bata pa ako, napaka-saya namin ng pamilya ko. Wala kaming iniintinding problema. Nagmamahalan kami ng tunay nina mom at dad. Aaminin ko na spoiled akong bata. Binibigay nila lahat ng gusto ko. Ako yung batang meron lahat ng mga laruan na gusto ng iba. Yung mayaman. Yung matalino. Pero di ko pinapakita yun.

Di ko pinagmamayabang kung anong meron ko habang lumalaki ako. Di ko maintindihan kung bakit kailangan gawin yun. But for my parents, it was different. Hindi sila magpapatalo. Ipagmamalaki talaga nila kung anong meron namin. Kahit nakaka-insulto na sa iba, wala silang pakealam.

Dahil doon, ang dami na nilang nagiging kaaway. Sa dami ng nga taong yun, pati na rin sila nagaaway. Simula noon, walang araw na hindi ako nakakarinig ng sigawan at pagtatalo. Hindi na nila kinaya kaya naghiwalay sila.

I grew up with my dad. Noong iniwan siya ni mom, nag-iba ang ugali niya. Gusto niya siya lagi ang masusunod. Ayaw niyang nagiging mali.

Pagdating naman sa school, gusto rin ni dad na ako lagi ang nangunguna. Kailangan ako lagi ang may pinakamataas na grade. Hindi siya Papayag na pangalawa lang ako. Kaya nagsipag naman ako magaral para sakanya.

Ngayong malaki na ko, sinabi niya na sakin na ako daw ang mamana ng kumpanya niya. Ayoko talagang manahin yun. Sa totoo lang is gusto ko maging singer or rapper. Basta may kinalaman sa music. Pero nung sinabi ko yun, di siya pumayag. Gusto niya siya pa rin ang masusunod.

Lumipat ako sa bagong school. Kala ko na mas magiging masaya ako dito. Pero mas nahirapan pa pala ako. Di ko inaakala na may tao ditong napakatalino rin. Siya pa lang yung may grade na naging malapit dun sa akin.

Noong nalaman naman ni dad na may ganitong lalaki dito, may naisip nanaman siya kasi alam niyang kaya nung lalaking yun talunin grade ko. Bulagin ko daw siya. Bulagin mo daw si Jihoon sa katotohanan para makalimutan niya na ang pagaaral niya. Alam kong hindi maganda to. At alam ko ring hindi gagana to dahil matalino yun at di slow. Ngayon pa nga lang eh hirap na hirap na ko.

Pano ko ba itutuloy to?

Hanggang kailan ko kailangan magsinungaling?

Hanggang kailan ko kailangan saktan si Jihoon?

Paano pag nalaman na niya ang katotohanan?

________________________

Okay but guys naaadik ako sa park jihoon fanfics atm HAHAHAHHA

~jigglyhoon / A

0/10 | JiCheol Where stories live. Discover now