"ABNR Chapter 33"

2.7K 112 12
                                    

ALEX POV

Makalipas ang isang linggo matapos ang pagkaka dakip kay maddy ay agad na nabuo sa aking isipan kung bakit hindi nila kasama si paul.

Maaring buhay pa nga si biko dahil nang tanungin si maddy tungkol kay paul ay wala na daw silang balita dito simula ng mangyari ang insidente. iniisip pa nga daw ng mga ito na si paul ang nagsumbong sa mga pulis para mahuli sila pero hindi. kaya feeling ko talaga buhay pa ang pinakamamahal ko.

Agad kong kinausap sila mommy at daddy pinatawag din sila ate jing at ang asawa nito para masabi ko na ang sasabihin ko. at nang makumpleto kami ay agad kong sinimulan ang sanaysay at kwento.

"Dapat nating ipa DNA ang inilibing natin." panimula ko sa kanila na kinagulat nila.

"Ha? teka ano bang sinasabi mo?" gulat naman ni tita jing matapos ko sabihin yun.

at dun ko na nga kwinento ang lahat ang mga nangyari, ang sing sing at kung anu-ano pa.

at lahat sila ay nabigla sa sinabi ko. halos lahat nagtayuan ang balahibo dahil posible talaga ang mga sinasabi ko.

++

matapos ang pagpupulong ay agad na pinahukay ang libingan ni biko at doon ay dineretso agad sa hostipal para mapaDNA. Isang linggo pa ang hihintayin bago lumabas ang resulta kaya naman hinintay talaga namin lumipas ang isang linggo.

halos atat na atat na kaming lahat sa resulta ng dumating na ang araw na pinakahihintay namin. pagbukas palang ng papel ay nag-iayakan na naman ang mga magulang ni biko.

"Bakit po? ano pong resulta.?" tanong ko agad sa kanila kasi binigay ang papel.

"Negati-ve.." mautal utal na pahayag ni ate jing at dun na ako tinamaan ng kasiyahan so ibig sabihin buhay pa nga si biko ko. yes.

++

MAMA NI BIKO POV

Matapos namin malaman ang resulta ay agad na kami nag-isip ng paraan kung saan hahanapin ang anak namin. sobrang laki na ng chansa na buhay pa nga si biko kaya laking tuwa talaga namin ng malaman yun.

Ngayong araw ay babalik din kami sa pinangyarihan ng insidente dahil maaring andun pa si biko o kalapit lugar doon.

paalis na kami ng biglang mag ring ang telepono ko kaya agad ko itong sinagot.

"Hello. sino to?" sagot ko dahil numero lang ang nakalagay.

Wala namang sumagot kaya inulit ko ulit.

"Hello? sin ba to??" medyo mainit na ang ulo ko dahil hahanapin pa namin si biko.

"Ma-ma..." sabi nito na kinabigla ko. alam ko ang boses kung sino ang tumawag at halos mapaupo ako sa nagsalita.

"Bibi-ko.? anak ikaw ba yan?" maluhaluha kong sambit dito.

"Mama ako nga ito." at dun na ako nagsisigaw sa saya. buhay ang anak ko buhay si biko. at dun ay nagusap kami at sinabi niya din kung saan address na tinutuluyan niya.

agad na kaming nagtungo doon para makita siya at wala na kaming pinalampas na pagkakataon.

pero may isa siyang sinabi. na kung pwede kaming pamilya lang daw muna makaalam wag daw muna sabihin kela alex at sa magulang nito. agad naman kaming sumangayon at dun sinimulan na namin bumyahe para makita siya.

++

nakarating kami sa lugar kung saan ang sinabi niya medyo tago na ang lugar at malayo pero okey lang naman maayos at masarap ang simoy ng hangin.

Nasa labas na kami ng isang maliit na bahay ng biglang lumabas si biko na nakashort lang at damit na medyo malaki sa kanya. agad naming tinakbo ito at tinadtad ng halik at yakap.

"ay tuloy muna po kayo." biglang singit ng mag-asawa na lumabas din sa maliit na bahay at dun natigil ang moment naming pamilya.

"Anak kamusta kana?" bungad ko agad dito habang yakap yakap ko at wala na akong balak bitawan pa.

"Ano ba nangyari anak?" dagdag pa ng papa niya.

"Ayos naman po ako mama, papa." panimula nito sabay ngiti at yakap din na mahigpit.

"Nung araw na yun nung iniwan ako saglit ni alex para makahanap ng bagay na makakatanggal sa pagkakatali ko sa bomba ay siya namang dating ni paul. sabi sakin ni paul na di niya kayang pumatay lalo na ako. kaya mabilis niyang tinangal ang tali at sa awa ng diyos ay natangal niya ito. agad niya akong pinatakbo pero sabi ko siya paano siya? sabi niya susunod siya pero nung sumabog na ay di ko siya nakita. kasabay nun ang pagkahimatay ko." mahabang pagkwekwento nito sa amin.

"at pag gising ko nandito nako kila nanay chikay at tatay isko. sila ang tumulong sa akin." sabay ngiti nito at higpit ng yakap sa akin.

"Eh nakita ko po kasi na parang may naka handusay doon sa lumang bodega kaya agad kong nilapitan at ng makita kong sugatan at humihinga pa ay dinala ko dito sa amin." pagsingit ng isang binata na kay gwapo.

"Mama siya ang anak nila. siya ang tumulong sa akin siya si jerome." usal ko naman

"naku maraming salamat sa pagtulong utang namin ang buhay ng anak namin sayo." usal ko naman dito.

"Ma kamusta pala si alex?" biglang tanong sa akin ni biko.

"Ayos naman. naku anak wag muna alalahanin yun simula ngayon di na kita papayagan na dumikit dun." pagmamatigas ko sa anak ko simula ngayon bawal na.

"Pero mama mahal ko si alex at wala siyang kasalanan. please mama please." pagmamakaawa ng anak ko. e sa gantong pagkakataon na ngayon lang namin ulit nakasama to e mahihiya ka talagang tumangi.

"Pero anak..." di ko na nasabi ang sasabihin ko dahil sumingit ang ama niya.

"Sige anak gawin mo ang gusto mo. nakaligtas ka dahil siguro hindi mo pa oras at baka may maiwan kang isang tao na magsisimula palang para mahalin ka at mahalin mo.mahal wag kanang komontra pabayaan natin ang anak natin wala ng panganib at siguradong okey na ang lahat hayaan mo siyang maging masaya." mahabang paliwanag nito.

"Osiya bahala kayo." sabay yakap ko ulit sa anak ko.

"Yan ang namiss ko sayo papa." sabay yakap ni biko sa kanyang ama.





Lahat ng shoutouts at Questions sa mga parts sa dulo na. comment kayo dali. <3

Ang Bastos na Reporter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon