"ABNR Chapter 7"

6K 225 17
                                    

ALEX POV

Nakauwi na ako ng bahay. Medyo maayos na ang pakiramdam ko although may sinat pa pero kaya ko naman na ang sarili ko.

Nakakatuwa lang dahil yung taong sinigaw sigawan ko at binastos eh siya pang mag aalaga sa akin sa oras na kailangan ko.

Ewan ko pero nung time na sinusubuan niya ako ng pagkain. Parang hinimay himay ang puso ko sa kakatumbling kaya titig na titig ako sa kanya. Alam ko din na napansin niya iyon. Pero di na niya masyadong pinuna.

Ewan pero parang gumaan ang pakiramdam ko kay biko. Parang ang isang araw mo sulit na pag kasama mo siya. Yung tipong wala naman siyang ginagawa konting asar mo lang napapasaya mo siya. Tapos sa oras naman na seryosohan, sa pag aalaga maasahan mo siya.

Hindi ko alam pero parang unti unti akong nabibighani sa kanya. Tang*na hindi naman ako bakla pero anong nararamdaman ko ngayon.

Sa dami ng naging girlfriend ko! Ni isa wala pang nakapag alaga sakin. Miski simpling subuan nga lang ng pagkain wala pa. Talagang si biko lang ang nakagawa sakin nun.

Sa totoo lang ang korni ng mga ganun. Pero bakit nung nangyari na sakin parang hindi naman talaga korni. Kumbaga parang may magic talaga.

Ewan pero pag-iisipan ko muna itong nararamdaman ko. Ayoko naman na magkasakitan kami. Lahat ng bagay naaayos basta nasa proseso at hindi nagmamadali at tumatalon na agad sa dulo.

"Kanina kapa tulala anak. Anong problema? May sakit ka pa ba?" Biglang singit ni mommy sa room ko. Ewan ko lang pero ang ganda ng pinto ko hindi man lang marunong kumatok si mommy haha.

"Mom naman! Ginulat niyo po ako." Bulyaw ko sa mommy ko sabay pout ng lips.

"Ay sorry anak. Eh kanina pa kasi kita nakikitang ganyan buhat ng makauwi ka." Sambit naman ni inay na may pagalala ang tono ng kanyang boses.

"Wala to mom. Ayos lang po ako." Pagsisinungaling ko dito. Pero dahil sa alam ni mommy kung nagsasabi ako ng totoo at hindi. Ayun bistado.

"Alam ko kung nagsisinungaling ka o hindi. So tell me ano nga iyon anak?" Pag susuri ni mommy sabay cross ng kamay.

"Ok fine! Wala naman po akong magagawa." Pag simangot ko sabay tabi ni mommy sa tabi ko. "Eh mom. May nagugustuhan po kasi ako. Pero di pa po ako sigurado sa nararamdaman ko." Dagdag ko pa.

"Well di naman na ako nagulat. Sa dami ba namang babae ang naipakilala mo sa amin ng daddy mo. Oh siya sino ba ang lucky girl na iyan?" Mahabang salaysay ni mommy. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba o hindi. Pero bahala na si Momshie karls haha.

"Eh mom. Hindi po kasi babae! Sa isang bakla po ako nainlove ma!" Agad naman nanlaki ang mata ng mommy ko.

"What? GAY?" Habang nanlalaki ang mga mata ni mommy sa gulat. "Opo pero di pa naman sure mom." Pagpapaliwanag ko.

"Bakit naman sa bakla anak?" Malumanay na pagtatanong ni mommy pagtapos niya ma shock.

"Hindi ko nga din alam ma. Pero iba to. Talagang lahat ng mga bagay na masaya ako laging siya ang nakapagbibigay sa akin. Ewan ma. Kung nahihibang man ako parang ayoko ng bumalik sa ulirat." Mahaba kong tugon.

"Ayos lang sa akin anak. At for sure ayos lang din yun sa daddy mo. At kung saan at ano ang gusto mo. Andito lang kami ni daddy para suportahan ka." Sabay yakap ni mommy sa akin.

Ewan ko pero parang ang saya. Parang nausog ang puso ko sa pinapakitang suporta ng pamilya ko.

Ewan pero medyo madrama na to para sa isang lalaking katulad ko. Pero bakit biko? Anong ginawa mo sakin?

Bahala na pero bukas yayayain ko siya ulit magkape.

BIKO POV

"Anak. Halika mag-usap tayo." Pagyaya sa akin ni inay pagkaalis na pagkaalis palang ni alex.

"Oh bakit ma?" Tanong ko dito ng makaupo na kami.

"Magtapat ka nga sa akin. Kayo ba ni alex?" Agad namang nagsalubong ang aking kilay sa inasta ni mama.

"Mama ang dumi ng utak mo. Syempre hindi no." Pagdedepensa ko dito.

"Hindi? Eh bat magkayakap kayo kanina? Sumilip ako sa kwarto mo. At muntik na bumulwak ang regla ko nung makita kita na yapos na yapos sa lalaking iyon." Mahabang salaysay ni inay.

"Ma teka. Magpapaliwanag ako. Hinay hinay lang." Pagpigil ko kay nanay para matigil na siya. "Niyakap ko siya dahil ginaw na ginaw siya kagabi. Body heat ma okey. Tapos nakatulog kami sa ganoong posisyon. E di ko naman po alam na hanggang pag gising ganun padin ang pwesto namin." Dagdag ko pa.

Agad namang kumalma ang inay. At uminom muna ng tubig bago magsimula.

"Ah ganoon pala. Pasensya na anak. Akala ko ba naman kasi magkakajowa kana" agad naman akong nagulat sa inasta ni inay.

"Ma! Ano ba!" Pagsita ko sa nanay ko. "Joke lang anak." Sabay tayo nito. "Oh sige na jan ka muna at baka may customer na sa ating funeral haha." Nginitian ko naman si inay biglang pagtugon pero bago pa man makaalis si inay may sinabi pa ito.

"Anak pag niligawan ka sagutin mo agad ah!" Sabay tawa ng malakas habang tumatakbo papalabas. "MAAAAAAA!!!" Sigaw ko dito sabay ngiti.

Ang Bastos na Reporter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon