"ABNR Chapter 2"

9.7K 286 15
                                    

BIKO POV

Andito na ako sa bahay halos kararating rating ko lang galing sa masalimuot na pangyayari. Susme natanggap nga ako eh dalawang buwan naman akong mabwibwisit dahil siya ang magiging partner ko. Hindi naman na ako nagreklamo dahil hirap na ako makahanap ng ibang production katulad ng sa kanila. Grado ko ang nakasalalay dito kaya kailangan ko matapos to. Hindi ko naman lubos maisip na may ganto palang set up pag intern ewan parang may mali.

"Oh anak kakain na tulala ka padin ano bang nangyayari sayo? Halikana dito at kakain na." Paganyaya sa akin ni mama na nagpuna sa magulo kong mukha.

"Wala ma. Sige po kain na po tayo." Agad ko namang niyaya si mama at ang kapatid ko pati narin si papa para masimulan na ang hapag.

"Oh jade anak kamusta ba pagaapply mo?" Tanong sa akin ni papa habang sumusubo ng pagkain. "Ah pa ayos naman po natanggap po ako." Pagsisinungaling ko dahil tiyak aawayin yun ni papa pag nalamang may bumastos sa akin at baka makaapekto pa sa makuha kong grado galing sa tatay ng bisugo na yon.

"Buti naman. Kelan ang start mo?" Dagdag pa nito. "Bukas na po pa." Maikli kong tugon sabay subo ng pagkain. Tumunga lang si papa hudyat na ayos lang at ituloy na ang kainan.

Natapos ang dinner. Tahimik padin ako. Kasalukuyan akong nasa room ko ngayon. Iniisip kung ano ang mangyayari sa akin. Magiging masaya kaya ang intern ko o kamumuhian ko nalang habang buhay. Ewan bahala na si kristala.

Agad naman akong tinamaan ng antok at unti unti binalot ng dilim at nakatulog din agad.

ALEX POV

"What dad? Bakit siya!?" Halos gulat kong tanong nang makalabas na ang latik na si biko sa opisina ng daddy. "Basta sundin mo nalang ako or else alam mo na." Pananakot ni daddy. "Per..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil agad niya itong pinutol. "Wala ng pero pero sige alis na." Agad naman akong lumabas na may pagdadabog.

Anong naisipan ng daddy at dun pa ako pinares sa unggoy na yun. Kung di lang kasi kailangan naku magwawala talaga ako wag lang siyang makapares!

Nakarating ako sa bahay ng matiwasay agad kong tinungo ang room ko ng makapagisip ng mga gagawin dahil kailangan na naming magstart bukas ng unggoy na latik na yun. Okey para tapos na magiging mabait muna ako pansamantala para wala nalang gulo.

Bago pa man ako makapasok agad din akong nasalubong ni mommy. "Oh anak kamusta? Ano balita?" Bungad agad sa akin ni mom "ah mommy ayos naman po. Actually start na ako bukas." Pagsagot ko sa mom ko. "Buti naman kung ganun. O nagdinner kanaba?" Tanong ulit sa akin ng mommy ko. "Ah opo. Akyat na po ako mom." Agad ko ding pagpapaalam sa kanya.

Andito na ako sa kwarto ko. Halos dumausdos ang buong katawan ko sa kama ko ng bigla ko itong talunan. Talagang napagod ako sa araw na ito. Ay teka di niyo pa pala ako masyadong kilala.

Well Im Alex. Alex Marasigan. Isa akong 4th year college. Masscomm ang kurso at intern ako sa mismong negosyo namin. Oo gusto ng dad na dun ako at ibibigay nya daw ang gusto ko na car pag natapos ko iyon. Kaya wala talaga akong masabi kay daddy kanina at pumayag nalang sa kagustuhan niya. Gustong gusto ko talaga ang kotse nayun kaya aayusin ko ang intern kaya lang kanina ko pa talaga iniisip. Ano ang mangyayari sakin gayong kapares ko ang binastos ko kaninang umaga hayss bahala na!!

Papikit na ako at handa ng matulog ng biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko naman itong tinignan. Isang mensahe. Number lang kaya agad ko itong binasa.

"Hoy si biko to! Anong plano bukas? San tayo?" Tanong nito sa text. Oo nga pala nagkuhaan kami ng numero kanina sa office ni dad bago maghiwalay dahil kailngan iyon sa maraming pagmemeeting namin. Halos padabog pa nga kaming nagpalitan ng numero kanina haha nakakatuwa lalo na pag nakikita ko siyang napipikon haha.

"Bahala na text nalang kita bukas kung saan. Ihanda mo ang sarili mo unggoy." Reply ko sa kanya haha gusto ko talaga siyang asarin.

"Ah unggoy pala! O mukha ka namang bisugo haha." Reply nito sa akin. Agad naman akong natayk at humarap sa salamin. "Mukha ba akong bisugo? Ang pogi pogi ko kaya" bulong ko sa sarili at napangiti nalang.

"Ewan ko sayo sige na tutulog na ako. Bukas nalang. Goodnight unggoy!" Reply ko sa kanya. Hindi ko naman na hinintay ang sagot niya dahil tinamaan na din ako ng antok at unti unting nilamon din ng antok.

Ang Bastos na Reporter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon