"ABNR Chapter 19"

3.5K 141 16
                                    

GREG POV

Ngayon kailangan ko nang simulang paghiwalayin ang dalawa. hindi na sila maaring magtrabaho ng magksama dahil mas lalalim lang ang kanilang pagtitinginan.

andito kami ngayon sa office ko dahil pinatawag ko sila. ramdam ko ang pagkabusangot at galit ng anak ko pero si biko maawa man ako e hindi na talaga mababago ang desisyon ko.

"Gusto ko lang sabihin sa inyo na magkakaroon ng konting pagbabago." panimula ko.

"ho? ano po yun sir?" pagsingit naman ni paul.

"magkakaroon ng mga bagong magkapares para mas maging mabilis ang mga trabaho ninyo"

gulat naman ang tatlo dahil halos isang linggo na silang magkakatrabaho at masasabi kong ngayon palang nagbubunga ang pagkakaibigan nila ngunit wala akong magagawa ito lang ang paraan.

"pati ba naman yan!" pagdabog ni alex

"anak kailangan ito hindi lang sa kung anong dahilan" napayuko nalang ang aking anak sa mga sinambit ko.

"Ikaw Paul, ikaw ang papares ko sa anak ko para maturuan mo siya ng maayos. at ikaw naman biko ang makakapares mo ay bagong empleyado ko. magaling yun dahil galing ibang bansa yun dun siya nag-aral."

"ha? eh sino po yun sir?" tanong ni biko sa akin.

"si maddyson, i know kilala niyo siya ni alex anak siya ni gigi."

"WHAT!!!" Pagsigaw naman ni alex.

"dad ano ba talagang gusto niyong gawin ha? ayyy... ayoko na bahala na kayo ayoko ng magtrabaho sa inyo! yung kotse? sa inyo na itong luma nalang gagamitin ko. hindi niyo kami tanggap ni biko? pwes bahala kayo."

sabay alis ng anak ko. sisigawan ko pa sana pero malayo na ito at nakahabol na sa elevator.

++

matapos ang mga nangyari eh halos mawalan na ako ng anak dahil sa ginagawa sakin ni alex. parang di na niya ako nakikita parang aswang ako sa paningin niya.

buhat nung nangyari hindi ko nadin napilit ipagpatuloy ang intern ng anak ko kahit ang mommy niya hindi pinakikinggan.

wala akong magawa. mas lalong tumindi ang galit sa akin ng anak ko. isa lang ang solusyon ang naiisip ko. tutal di din naman makikinig si biko sa akin eh si anton nalang ang kakausapin ko. may takot at wala mang kasiguraduhan e bahala na.

++

BIKO POV

Sa telepono.

Alex: basta wag mo silang papansinin ha. lalaban ako itutuloy ko padin ang panliligaw ko.

Biko: wala akong magawa, naawa na nga ako sayo e. parang di mo deserve na ligawan mo pako kasi yung hirap palang ngayon eh hindi ko na makayanan.

Alex: kaya mo yan. diba mahal kita at ikaw sabi mo naman nahuhulog kana sakin edi mahal mo nadin ako dba. yun lang panghawakan natin sa ngayon. promise maayos ko lahat to.

Biko: alam mo sa pinapakita mong tapang ngayon hindi ko alam kung makakahindi pako sayo.

Alex: ayt kinikilig naman ako hehe. edi sinasagot mo nako.

Biko: ikaw puro ka tlaga biro.

Alex: pinapatawa lang kita dahil alam kung nalulungkot kadin.

Biko: mmm. kita tayo bukas?

Alex: Sige. ah alam ko na. magbeach tayo meron kaming beach para naman makalayo muna sa mga taong pilit na pinaghihiwalay tayo kahit tatlong araw lang.

Biko: ha? e pano ang trabaho.

Alex: ako na bahala dun. basta bukas aalis tayo okey.

Biko: osige.. ikaw ang bahala. oh siya matulog na tayo.

Alex: sige. goodnight. mwa

Biko: May mwa talaga haha. sige goodnight din <3

end of call.

ewan pero ang saya lang dahil kahit nagliligawan palang kami ambigat na ng problema eh kinakaya padin namin at tulungan kami para malutas yun. lumalaki nadin talaga ang paghanga ko kay alex lalo na ngayon na mas pinapakita niya na kaya niya akong ipagtanggol kahit anong mangyari, from bisugong bastos to Poging malakas at Good man.





Happy? hahaha. kung may mga suggestion kayo comment lang or pm niyo si poging author lahat yan bibigyan ng boses. isa pa medyo light na naman yung mga scene promise paganda na ng paganda yan. <3

Ang Bastos na Reporter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon