"ABNR Chapter 31"

2.5K 97 14
                                    

ALEX POV

Kinabukasan habang akoy nasa aking kwarto sa hospital ay bigla nalang tumulo ang aking mga luha sa pangalawang pagkakataon hindi ko na naman naprotektahan si biko.

Ang sakit sakit mawalan ng taong mahalaga sayo lalo nat mahal na mahal mo. pero mas masakit eh ikaw pa yung dahilan kung bakit siya nawala.

Ang hirap tanggapin ng gantong sitwasyon eto yung pakiramdam na gusto mo nadin mamatay ang sakit sakit hindi ko kaya. parang ayoko na mabuhay.

FLASHBACK

"Biko wag ka mag-alala akong bahala gagawa ako ng paraan." bulong ko kay biko habang nagwawala at pilit tinatangal ang nakataling bomba sa aking katawan.

"Mahal ko please bilisan mo. please." iyak ng iyak si biko nun at sobra na akong naawa kaya mas pinilit ko pa ang sarili para makalas ang tali ngunit wala padin ng nangyari hanggang sa ang katawan ko na ang sumuko. nasa rurok na ako ng pagkawalang pag-asa ng makakita ako ng isang matulis na bagay.

agad ko itong pinilit kuhanin gamit ang mga paa ko dahil medyo malayo ito. hindi naman nagtagal eh nakuha ko ito at sobrang nipis lang nito.

Pinilit kong makalas ang tali gamit ang matulis na bagay nayun at di naman ako nagkamali at napagtagumpayan ko.

pero sadyang mapaglaro ang tadhana dahil sa sobrang nipis nito ay nabali ito.

nang makatakas na ako ay pinilit ko ang lahat para matangal din yung kay biko ngunit sa kasamaan ay sobrang higpit ng pagkakatali sa kanya at ayaw na talagang makalas nagkandasugat na ang kamay ko dahil sa matulis na bagay na ginamit ko pero ayaw tlaga.

"Mahal ko sandali lang hahanap ako ng pantanggal jan sandali lang tlaga." paalam ko kay biko. ayoko man siya iwan pero wala akong magagawa kailangan kong gawin to para maligtas siya ayoko na mapahamak pa siya.

"Mahal ko bilisan mo please bilisan mo." at dun iniwan ko siyang umiiyak.

agad naman akong naghanap ng gamit o kahit anong bagay para mabilis matangal ang tali ni biko. makalipas ang bente minutos ay wala padin akong mahanap kaya binalak kong balikan na ulit si biko ngunit hindi pa ako nakakahakbang ay bigla ng sumabog ang lugar at dun ay halos tumalsik ako sa sobrang lakas ng impact.

matapos kong tumilapon sa isangh damuhan ay dun na ako nagwala at naghahagulgol at nagsisigaw "Biko!!!!!".......

END OF FLASHBACK

Ilang ulit ko binalikbalikan ang pangyayari at kahit saan tignan kasalanan ko padin ang lahat.

simula palang pag gising ko kanina ay tulala na ako at walang gana. hindi ko alam kong anong gagawin ko. at pakiramdam ko hindi na ako makakarecover na mapait na dinadanas ngayon.

Miss na miss na kita biko. mahal na mahal kita patawarin moko dahil sa pangalawang pagkakataon ay wala akong nagawa para protektahan ka.

"Anak. ayos kalang ba?" biglang pasok ni mommy sa kwarto ko pero wala padin siyang sagot na nakuha sakin.

"hindi moba pupuntahan si biko?" biglang pagbasag ni mommy sa akin kaya agad akong napatingin sa kanya.

"Andito siya sa hospital na to. nililinis na ang katawan niya para maayos sa burol." at dun na tumulo ang mga luha ko.

"Hindi kaya ni jing na siya ang mag-aayos sa kanilang anak. hindi niya daw kaya." dagdag pa ni mommy. naalala ko tuloy yung sinabi sa akin ni biko nung unang beses akong nagpunta sa kanila.

"Oh pag namatay ka dito kana lang samin mag paayos libre na para sayo." at dun na ako humagulgol ng todo.

agad kong inakay si mommy hudyat na nagpapadala ako kung nasaan si biko.

wala namang sinayang na oras ang mommy ko at inalalayan ako papunta kung nasaan si biko sa morgue.

++

Andito na kami ni mommy at andito din sila tita at tito na alam kong may galit sa akin ng sobra pero isinantabi ko agad yun.

Pagtanggal palang ng tela na nakatakip sa sunog niyang katawan ay agad akong yumakap at nagiiyak ang sakit sakit sobrang sakit. at hindi ko mapapatawad ang sarili ko dahil sa nangyari.

Habang yakap yakap ko si biko ay dahan dahan kong ginapang ang kamay ko sa kamay niya para sa huling sandali ay mahawakan ko pa ang mga kamay niya.

Nagulat naman ako ng makapa ko ang isang bagay na kanyang daliri. may sing sing. kaya agad ko itong tinignan at hindi ako nagkakamali ito ang sing sing na binigay ko sa kanya.

at doon pumasok sa aking ala-ala ang lahat. diba kinuha ni paul ang sing sing na to kay biko?

nagulat ang buo kong sistema. posible kayang buhay pa si biko at si paul ito. andaming tanong na pumasok sa akin ng mga oras na ito pero hindi padin nawalan ng pag-asa at nakaramdam ng saya na pwedeng buhay pa nga si biko. pero asan siya.?





comment na haha. <3 pasensya na sa mga transition guys.

Ang Bastos na Reporter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon