Ang sarap sa feeling kapag ganito kami.

Parang kahit sa mga yakap lang nya nararamdaman kong mahal din nya ako.

Saktong pagbaba namin may fireworks display. Ang perfect lang ng moment. Our hands are intertwined while watching the fireworks display.

Niyakap ko sya. Ramdam kong nagulat din sya.

"Listen to my heartbeat and feel the rythm." Bulong ko sakanya.

Nagsimula akong isayaw sya.

"Uy ano ba nakakahiya tinitignan na nila tayo." Nagtago sya sa dibdib ko. Hahahahaha!

Yakap yakap ko parin sya ng mahigpit.

She's so warm that I don't want to let her go.

Ang selfish oo, pero gusto ko sakin lang sya kahit hindi nya ako mahal.

Di ko kasi kayang makita sya na yakap ng iba.

"Sabi ng puso ko mahal na mahal ka daw nya." Sunod kong sabi.

Napatingin sya sakin.

Her eyes were sparkling, naluluha na sya.

Pagkatapos ay hinalikan ko sya sa noo.

Then I saw her smile, her smile that makes me so fvcking crazy. 💚

Nung paglabas namin ng Skyranch akala nya uuwi na kami, hindi nya alam may huli pa akong surprise sakanya.

I'll make this day memorable.



Tine's POV

Nakapiring yung mga mata ko ngayon at inaalalayan ako sa paglalakad ni Carlo. Itong lalake na to ang daming alam na pakulo.

Atlast tumigil din kami. Pagtanggal ko nung blind fold nasa over looking place kami, ang gandaaaaa!! 

May background music pa.

Makikita mo yung magandang city lights, mga stars, yung moon! ANG GANDAAAAA! Breathtaking view.  Napansin ko din na may nakaset na picnic sa may damuhan.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong sakin ni Carlo. Chills!!

Nilamig ako bigla.

Tinanguan ko sya ng may malawak na ngiti. Talagang pinaghandaan nya tong araw na to.

Habang busy akong naaamaze sa view niyakap naman ako ni Carlo mula sa likod kasabay non ang paglagay nya ng jacket sakin.

"Sobrang saya ko ngayong araw na to." Mahina nyang sabi habang nakapatong yung baba nya sa balikat ko.

Nangiti ako.

"Ako rin. Sobraaaaa!!" Tapos hinawakan ko yung kamay nyang nakayakap sakin.

I can't hide how happy I'am right now.

Di ko nadin malaman kung ilang porsyentong kilig ba yung nararamdaman ko ngayon.

Basta ang alam ko mahal na mahal ko itong lalakeng hawak ko ngayon.

Kumain lang kami nung prinepare nyang food at nagstar gazing habang nakahiga kami sa damuhan.

"You have no idea how much I love you that I can be this corny just to make you happy prinsesa ko." Yakap nya sakin.

"And you also have no idea how thankful I'am that I have you. Luckiest girl-bestfriend here." Tapos nagkatitigan kami.

"When the right time comes, I promise..." Sunod kong sabi. Kahit gustuhin ko mang sabihin sakanya na mahal na mahal ko sya, at hindi nalang bilang bestfriend nya pero sa tingin ko hindi pa ito yung tamang panahon.



Pasado alas onse na ng gabi nang maihatid ako ni Carlo sa bahay.

Nakahiga na ako ngayon at inaalala parin yung mga nangyari kanina.

Haaaaaaay! Wala talagang mapaglagyan yung saya at kilig ko.

Sobrang swerte ko na merong Carlo Perez sa buhay ko.

Chineck ko yung phone ko. Nakita ko yung mga pictures naming dalawa, pati yung mga stolen shots ko sakanya ng patago. Hihi!

Habang busy akong tumitingin nung mga photos may biglang tumawag.

Sya pala.

"Yes?" Pagsagot ko.

"Nakauwi na po ako. Get some rest at may pasok pa bukas." Awwwww! My sweetest!

"Opo. Ikaw din, wag matigas ang ulo. Goodnight!" Ieend ko na sana yung call pero nagsalita pa sya.

"You're beautiful and I love you just the way you are." Pagkasabi nya non pinatay na nya yung tawag.

May nagnotify naman sa facebook ko kaya tinignan ko kaagad.

Pagkakita ko stolen picture ko sya nung nasa over looking place kami at nakatingin ako sa mga stars. Ngiting ngiti pako pero ang ganda ng pagkakakuha.

Pinost ni Carlo at yung caption yung huling mga sinabi nya bago inend yung call.

Geeeeez! Isang milyong butterflies ata yung nagrarally sa tiyan ko ngayon.

Bakit ba napakasweet nyaaaaa!?

A/N

Baka matagalan yung next UD, feeling sick ang lola nyo.

Peace ya'll!

-Kettlekorn❣️

Bestfriends (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon