Chapter 10: Pagkakataon (Wakas)

4.3K 124 164
                                    

Chapter 10: Pagkakataon (Wakas)


Kinausap ako ni Sir Albie sa kanyang office.


"Ms. Ramirez, lately, napapansin ko na naging close kayo ni Mr. Richards." sabi niya..


"Oo nga po eh. Nagpapaturo kasi siya magtagalog sa akin." sagot ko..


"Pero, sad to say, nag-drop out na siya sa klase ko." sabi niya..


Nagulat ako sa narinig ko.


"Pero sir, kasama ko lang siya kahapon, wala siyang nasabing ganyan sa akin." sagot ko..


"I know but kaninang umaga ay kinausap niya ako, aalis na raw siya." sabi niya..


"Sabi niya, wag ko raw sabihin sayo 'to pero sinabi ko para hindi ka mag-alala." patuloy niya..


Nagpantig ang mga tainga ko sa sinabi ni Sir Albie. Agad akong tumakbo papalabas sa opisina nila. Alam kong nagbibiro lang siya. Pumunta ako sa botanical garden kung saan lagi siyang nandun. Napaiyak ako kasi wala siya dun. May nakita akong papel sa duyan kung saan mas lalong bumuhos ang luha ko.


"It's a goodbye for now. -Johan" nakasulat sa papel..


Bumuhos ang luha ko. Kung kailan mahal ko na siya tsaka siya nawala. Hindi ko man lang nasabi sa kanya ang nararamdaman ko. Bakit kung sino pa ang nagpapasaya sakin ay 'yun pa ang pinagkakait ng mundo?


Lumipas ang dalawang linggo ng walang siya. Wala na ang kasabay kong pumasok, kumain at wala na ring naghahatid sakin. Wala na ang mayabang na nagpahiram ng cellphone sa akin. Wala na ang kakulitan ko, kakwentuhan at kaibigan. Hay. Nasanay kasi ako na palagi siyang andyan para sa akin. At alam ko, hindi ko na ulit makikita ang maganda niyang mga mata at matamis niyang ngiti.


Lunes, ika-isandaang araw mula ng nakilala ko siya, eksaktong ala-sais ng umaga, dali-dali akong pumasok. Inaasahan kong makikita siya sa botanical garden na kahit na alam kong imposible. Pumunta na ang tangi kong bitbit ay pag-asang magkikita ulit kami. At nabigo ako sa panahong 'yun. Wala siya. Walang Johan na nakaupong nagbabasa ng libro at naka-earphones. Pero hindi ako sumuko, naghintay ako. Pagkalipas ng ilang minute ay natanggap ko na hindi ko na siya makikita. Pumasok na ako sa klase namin. Tulala at malayo ang tingin. Sa gitna ng diskusyon ng klase namin ay may narinig akong tunog ng gitara. Pero binalewala ko 'yun dahil iniisip ko kung nasaan na siya. Ilang sandali lang ay may narinig akong kumakanta.


"Nabuhay muli ang damdamin, nang magtagpo ang landas natin. Kay tagal nating 'di nagkita., Binibining kay ganda, kumusta ka?"


Natauhan ako. 'Yun kasi ang paborito kong kanta at parang pamilyar sakin ang boses ng kumakanta. Biglang may pumasok na lalaki sa room namin, naggigitara siya at kinakanta ang paborito kong kanta.


"..Kung dati'y 'di ko nagawa ang magtapat, ngayon handa na kong gawin ang nararapat.."


Natulala ako habang papalapit siya sakin. Nabitawan ko ang cellphone na bigay ni Johan sakin. Pinulot niya ito habang kumakanta.


"..Hindi ko na palalampasin ang pagkakataon upang sabihin na mahal na mahal kita.."


Oo nga! Hindi ako namamalik mata! Si Johan ang taong kumakanta sa harapan ko!


"Nice to see you, again." sabi niya..


Napaiyak ako sa tuwa, hindi ko alam ang gagawin ko.


"Pinag-alala mo ako!!!!" pasigaw kong sinabi ko sa kanya..


Ngumiti siya at may inabot na kahon sakin. Binuksan ko 'to at nakita ko ang dati kong cellphone.


"Pero paano?" tanong ko sa kanya..


"I've decided to leave for awhile just to find the one who took that away from you." sabi niya..


Mas bumuhos ang luha ko kasi sinakripisyo niya ang lahat para lang mahanap ang cellphone ko.


"Here's your dictionary. Hindi ko na siya kailangan." dugtong niya..


"Bakit? Binigay ko na sayo 'yan eh. You should keep it na." pahikbi kong sabi..


"Kasi, you gave more meaning to my life." sabi niya..


"And one more thing." pahabol niya..




"Today is the 100th day since I met you. And I want to end things up right now." dugtong niya..




"H - h - ha?? B - b - bakit??.." pahikbi kong sagot..






Lumuhod siya sa harap ko at sinabing..






"Because I want to start the first day of my forever, with you."



FIN.


One Hundred Days - Short story (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon