Chapter 5: Isang Linggong Salita

3.6K 53 2
                                    

Chapter 5: Isang Linggong Salita


Nagsimula ang panibagong araw ko tulad ng kahapon. Pumasok ng maaga at makipagkita kay Rica. Tawanan, kulitan, hagikgikan, kwentuhan habang nakaupo sa hallway ng school namin. Para ba kaming dalawa lang ang nagkakaintindihan. Pumunta na kami sa room namin, nakita ko ulit na nandoon na si Johan. Siya pa lang ang tao dun nung dumating kami. As usual, naka-earphones at nagbabasa ng libro. Pero nagulat ako ng nakita kong ang binabasa na niyang libro ay ang dictionary na binigay ko. Agad-agad akong umupo sa tabi niya, nag-ayos ng gamit.


"You're reading the dictionary I gave, huh?" sabi ko..


"Syempre!" sagot niya sabay ngiti..


"Oh! It's a tagalog word! You must be proud of yourself!" pabirong sabi ko..


Napatawa siya nung narinig niya 'yun. Dahil 'yun lamang ang pagkakataon na nakita ko siyang tumawa. Akala ko hindi marunong maging masaya ang ingliserong mayabang na si Johan. Mali pala ako.


Dumating na ang mga kaklase namin at si Sir Albie. Pagkatapos ng ilang oras ay natapos ang klase namin. Nung palabas na kami ni Rica sa room. Tinawag niya ako.


"Ms. Ramirez!" sabi ni Johan..


"Hmmm?" sagot ko..


"Can we go for a lunch?" tanong niya..


Nabigla ako sa narinig ko.


"No. Because Rica and I will.."


Hindi pa ako natatapos sa sasabihin ko ng nagsalita si Rica.


"Yes! Take her with you!" singit ni Rica..


"Rica!" sabi ko..


"Okay! Bye Monday! See you later!" nagmamadaling sabi ni Rica, sabay alis..


No choice ako, kaya sumama na ako sa kanya. Pumunta kami sa isang pangmayaman na restaurant. Umupo kami sa bandang gilid. Lumapit ang isang waiter at hiningi ang order namin.


"Yes ma'am, yes sir! What's your order?" sabi ng waiter..


"Can I have the menu?" sagot ni Johan..


"Here's the menu, sir!" masiglang sagot ng waiter..


"Hey. Order whatever you want." sabi niya, habang inabot ang menu sakin..


Habang kumakain kami, napakwento siya about sa sarili niya at pamilya. Nakwento niya rin na dun siya palaging kumakain mag-isa. Ewan ko ba. Gumaan bigla ang loob ko sa kanya nung pagkakataon na 'yun. Kaya siguro napakwento na rin ako sa kanya. Pagkatapos naming kumain, hinatid niya ako pabalik sa campus namin.


"See you tomorrow, seatmate!" sabi niya habang papalayo sakin..


"See you tomorrow. din.." pabulong kong nasabi..


Lumipas ang isang linggo, mas gumaan ang loob ko sa kanya. Ang dating ingliserong mayabang at antipatiko sa paningin ko ay nawala at napalitan, unti-unti na rin siyang natututo ng tagalog at hindi puro "syempre" lang ang nasasabi niya, lagi niya rin akong binibigyan ng pagkain, kapalit daw ng pagtuturo ko. Eh hindi naman ako talaga ang nagtuturo sa kanya, kung hindi ang dictionary ko. Naging close kami at naging magkaibigan.


Hanggang sa dumating ang hindi ko inaasahan.


One Hundred Days - Short story (Completed)Where stories live. Discover now