Chapter 8: Tibok

3.4K 50 2
                                    

Chapter 8: Tibok


Kinabukasan, medyo nahuli ako sa klase dahil tinapos ko ang research namin ni Rica. Dali-dali akong pumasok, sa school, at sa room. Nakita ko na nandoon na sila, pati si Sir Albie. Patay.


"You're late, Ms. Ramirez." sabi ni Sir habang tinitingnan ako..


"I'm sorry,Sir." sabi ko habang papunta sa upuan ko..


Umupo ako, nilabas ang notebook. Napansin ko na parang may kulang. Wala ang katabi ko, wala si Johan. Pagkatapos ng klase namin ay pumunta ako sa botanical garden. At andun ang inaasahan kong makita.


"Hey. Why are you absent?" tanong ko habang paupo sa tabi niya..


"Nothing." sagot niya..


Ramdam ko may mali. Kaso hindi ko alam kung ano. Hindi ko na inusisa kasi baka personal na bagay. Nanaig ang katahimikan sa lugar. Natigil ang pagsayaw ng mga halaman sa awit ng hangin ng nagsalita siya.


"I have something for you." sabi niya habang inilalabas ang isang plastik..


Tiningnan ko ang laman, nakakita ako ng lalagyan. Lalagyan na may Cake sa loob. Bigla siyang nagsalita.


"Today was the 14th day since I met you." sabi niya..


"So I've tried to bake this morning. Hope you like it." dugtong niya..


Nagulat ako sa narinig ko. Sinubukan niyang mag-bake para sakin? Hindi siya ulit pumasok para lang dito? Grabe. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Lumipas ang ilang pang minuto ay sinabayan niya akong kumain. At infairness, masarap ang niluto niya. Lumipas ang ilang oras ay hindi pa rin ako makapaniwalang ginawa niya 'yun para sa akin. Bigla kong naalala na may susunod akong klase. Agad akong tumayo at umalis. Naiwan siya dun mag isa.


Pagkatapos ng huli kong klase, mga bandang ala-sais ng hapon ay nagmamadali na akong umuwi dahil maghahanda pako ng hapunan. Sa labas ng campus namin, habang naghihintay ng masasakyang jeep ay may humintong kotse sa harapan ko. Dahan-dahang bumukas ang bintana, nakita ko si Johan sa loob. Binuksan niya ang pintuan ng kotse.


"Ihahatid na kita." pangiting sabi niya.


Sumakay ako hindi dahil sa gusto ko kundi nagmamadali lang talaga ako. Bakit ba kasi walang jeep nun?


Habang nakaupo sa ay naririnig ko ang kantang kinanta niya nung isang araw. Nakangiti siya habang nagmamaneho. Ewan ko ba kung bakit. Yung kanta lang na 'yun ang pumuno sa katahimikan sa loob ng kotse. Noong nasa tapat nako ng lugar namin ay agad akong bumaba.


"Johan! Thankyou!" masaya kong sabi sa kanya..


"See you tomorrow!" sagot niya..


At natapos ang araw na 'yun ng puno ng kasiyahan at may nararamdaman akong kakaiba sa katawan ko.


Tug dug.. tug dug.. tug dug..


Anong ibig sabihin nito?


One Hundred Days - Short story (Completed)Where stories live. Discover now