“At ikaw naman…”Bumaling ako kay Jayson with his smug face. Kung kanina, namutla siya, ngayon mukhang wala man lang siyang pagsisisi sa ginawa niya. Hinihimas himas pa niya ang batok niyang binatukan ko kanina.

“At ikaw naman. Kung gusto mo talaga ako, bakit kailangan mong lasunin ang utak ni Emerson  para paghiwalayin kami? Alam mo naman na ikakasal kami bakit nakikiepal ka pa din? Ilang beses ko nang sinabi sayo na hayaan mo na lang ako. You play dirty and you don’t play fair Jayson. Hindi mo kailangan manira ng relasyon para mapasayo ang taong gusto mo!” I fumed at him. Kung tutuusin siya talaga ang may kasalanan ng lahat. Pero may kasalanan din si Emerson kasi uto uto ito.

“I admit Roselyn I play dirty at walang akong planong maging fair. Kasi sabihin mo nga, kung hindi ba kayo maghihiwalay ni Emerson, mapapansin mo ba ako? And besides why would I play fair if in the first place, malaki na ang lamang ni Emerson sa akin. And tell me if indeed, I play fair, will you give me a fair chance? Will you be fair in your judgement?” He looked at me seriously. Hindi ako makapagsalita dahil in a way, alam kong tama siya dahil simula pa nga lang pinagtatabuyan ko na siya. But what will I do? I have a fiance and it is only natural for me to stay away from him.

“At hindi ko kasalanan kung nagpauto ang fiance mo at walang sariling decision.” Napanganga ako sa sinabi niya. AT talagang hindi man lang siya nagsisi.

“Aba!” Dinig kong sabi ni Emerson and his fist flew again towards Jaysonsa’s face. Pero ngayon naging maagap na itong si Jayson dahil nakailag na siya.

“Sa tingin mo, paiisahin pa kita?” Sabi naman ni Jayson at sinuntok din si Emerson. Pumunta ako sa gilid para hindi matamaan ng suntok. Tapos nagsuntukan na sila.

“Magsitigil nga kayo!” Sabi ko pero mukhang wala silang naririnig.

“Bahala kayo sa buhay niyo. Magpatayan kayo dyan.” At lumabas na ako ng session room. Paglabas ko, nasa labas din si Fe at nakikitsismis.

“Tara, magmeryenda muna tayo. Isara mo ang clinic.” Kinuha ko lang ang bag ko at nauna ng lumabas. Hindi ko na pinansin ang mga kalabog sa loob ng clinic. Nung masiguro ni Fe na nakalock na ang clinic from the outside, dumiretso na kami sa pinakamalapit na kainan.

“Doc, paano kung magpatayan ang mga yun?” Sabi ni Fe habang kumakain ng halo halo.

“Eh di ipalibing.” Baliwalang sabi ko at nilantakan din ang halo halo ko. Ito talaga ang kinain ko para kahit papapano, lumamig ang ulo ko.

After 2 hours na nasa labas kami, bumalik na kami sa clinic and as expected, wala na ang mga kalabog. Alam ko naman kasi na kung hindi pa sila nagpatayan, malamang napagod na sa pakikipagbugbugan sa isa’t isa.

Pagkabukas ng clinic, dumiretso ako sa table ko at nilapag ang bag ko bago ako pumunta sa session room. When I opened the door nakita ko silang dalawa na nakaupo sa sahig sa magkabilang gilid ng session room. Ang daming kalat. Ang daming basag. Napangiwi na lang ako. Nevertheless I maintained sa straight face. Hindi ko pinakitang galit ako o kahit na ano pang reaksiyon.

Kahit na awa sa mga bugbog nilang mukha, hindi ko pinakita. Although gusto kong mangiwi sa itsura nilang dalawa. Parehas silang may black eye, parehas silang putok ang labi at may mga pasa. Pero ginusto nila yan.

At ni hindi ako nakunsensiya nagsuntukan sila dahil sa akin dahil alam ko na ang pinakadahilan kung bakit sila nagkasakitan ay hindi dahil sa akin kundi dahil sa kanilang bloated male ego.  And women shouldn’t  feel proud na pinag aawayan sila ng mga lalaki. Because in truth, women have nothing to do with it. It’s their male pride that is driving them to do such an act. Kaya hindi ako nakunsensiya o naawa!

“Tapos na kayo?” Malamig na tanong ko sa kanilang dalawa pero walang nagsalita.

“Kung tapos na, makakaalis na kayo. Ipapadala ko na lang bill ng mga nasira niyo dito sa clinic ko.” Tahimik pa din sila. Mabuti nga.   

“Pero bago kayo umalis liliwanagin ko lang. Emerson, hindi na ako makikipagbalikan sayo. Cancelled na ang kasal natin. At Jayson, wag ka nang magpapakita sa akin.” Tumalikod na ako sa kanilang dalawa pero bago ako nakalayo narinig ko na nagsalita si Jayson.

“Rose…”

Tapos nagsalita din si Emerson.

“Hon…”

“Hindi mo man lang ba kami ipapagamot?” Daing ni Jayson.

“Wag na kayong magsalita.” Malamig ko pa ding sabi.  At sinara ko na ang pinto ng session room at naglakad na ako papunta sa table ko tapos tinawag si Fe para sabihan ang dalawa na doon sa kabilang pinto dadaan at papasukin na ang naghihintay na pasyente sa receiving area.  

Run, While You Still CanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon