Chapter 65: Aleister the Supremo

Magsimula sa umpisa
                                    

Wala akong paki-alam kung sabihin man nilang isa akong masamang nilalang at mamamatay dahil buhay ko ito at ako lang ang may karapatan sa buhay ko kaya wag na wag lang nila akong kalabanin dahil matitikman nila ang hagupit ng isang hari ng mga bampira.

"Masusunod mahal na supremo!" Sigaw nilang lahat.

"Ikaw!" Turo ko sa isang lalaki.

"Ano po ang ipaglilingkod ko sayo mahal na supremo?" Tanong niya at halata sa itsura niya na isa siyang malakas na bampira at tamang tama sa kanya ang maging isang heneral.

"Ano ang pangalan mo?" Seryoso kong tanong dito.

"Mahal na supremo ako po ay si Sanguis Quasitor isa sa mga dating heneral ng Bloodworth Empire." Ohh! Isang heneral pala ang isang to. Hmm.. interesting.

"Sanguis Quasitor the latin word of Blood Seeker?" Tanong ko ulit dito.

"Tama po kayo mahal na supremo isa po ako sa mga blood seeker.... Kaya ko pong maka amoy ng mga dugo kung ito ba ay masarap na dugo o hindi." Interesting.. mukang mapapakinabangan ko ang isang to.

"Kung ganon ikaw ginoong Sanguis Quasitor ay tinatalaga ko bilang heneral ng aking kaharian.. ikaw na ang bahala sa pagsanay ng iba pa nating kalahi." Utos ko dito.

"Masusunod magal na supremo." Sagot naman nito at tumingin pa ako sa ibang mga bampira dito at may napansin akong babae na ubod ng ganda para bang may dugo siya ng isang maharlika kaya nilapitan ko ito at nagbigay galang.

"Anong pangalan mo magandang binibini?" Tanong ko dito sa halik sa kanyang mga kamay.

"Hindi ko akalain isa ka palang maginoong bampira mahal na supremo? Hakhakhak! Pero hayaan niyo po akong magpakilala sayo aking mahal na supremo." Sabi nito at nagbigay galang.

"Ako si Olivia WallenCurt ang prinsesa ng shaded kingdom at isa akong Valkyrie tsaka meron ako ng Light magic at Dark Magic." Heh! Mukang naka bingwet ako ng malaki dito hahahaha.

"Ikanagagalak kong makilala ka binibining Olivia." Sabi ko dito sabay halik na naman sa kamay niya.

"Hakhakhak! Mukang na aadik kana sakin mahal na supremo." Sabi nito habang naka ngiti.

"Hahahaha muka nga binibini." Sabi ko dito.

"Via na lang mahal na supremo." I like this this girl muka siyang malakas at maganda siya at ka akit-akit.

"So Via are you willing to sacrifice yourself for me?" Tanong ko dito.

"Yes mahal na supremo.. handa kong ibuwis ang aking buhay para sayo." Sagot naman nito kaya napangisi ako.

"Then be my woman!" Utos ko dito at parang may kung anong nangyari sa kanya.

"I will be your woman my love." Sagot nito at hinalikan ako sa labi.

"Makinig kayo aking mga bampira! Simula ngayon itatayo natin ang bagong kaharian. Ang kaharian na magpapalayas sa ibang lahi. Tayong mga bampira ang maghahati sa mundong ito at ako na si Aleister Bloodworth ang magiging Emperador niyo!! Sigaw ko at nagsigawan din lahat ng mga bampira at lahat sila ay gusto ng simalan ang paghihiganti sa iba pang mga lahi na na ninirahan dito sa mundong ito.

"Let's start the world domination!!"

×××××

3rd Person POV

Sa di kalayoan sa bayan ng Dark Night ay may isang batang babae ang nakikinig sa usapan ng mga bampira dito. Mapapansin mo sa kanyang likod ang usang pakpak ng dimonyo at mapapansin dito ang kanyang dala-dalang sandata. Isa kasi itong scythe na parang dugo ang kulay.

"Nabalik na ulit ang mortal na kaaway ni panginoon.. hmmm mukang kailangan ko ng hanapin kung asan ang panginoon ko para masabihan siya na nagbalik na ang mga Bloodworth." Saad nito sa kanyang sarili.

Aalis na sana siya ng bigla may tumakip sa kanyang bibig. Hindi niya alam kung sino ba itong lalaki nagtakip sa kanyang bibig.

"Shh wag kang maingay baka marinig ka nga mga yun!" Sabi nito sa batang babae

Kaya napatingin ito sa tinuro ng batang lalaki at laking gulat niya sa kanyang nakita dahil nakakatakot ang itsura nito at para bang mga asong ulol kung umasta.

"A-anong klaseng halimaw sila?" Tanong niya dun sa batang lalaki.

"Sila ay isang mababang uri ng bampira kung baga sila ay isa lamang alipin pero sa lahat ng bampira sila ang pinakmalakas dahil kaya nilang magparami sa isang segundo lang. Ang mga dugo nila ay parang isang virus dahil kapag napatakan ka nito ay magigi kang talad nila at alam mo immortal din sila. Tsaka kung mapapansin mo ay wala silang mga mata dahil para silang paniki dahil malakas ang pang amoy ang pandinig nila idagdag mo pa ang mga pakpak nila na kagaya talaga sa isang paniki" pagpapaliwang ng batang lalaki sa kanya at mukang naiintindihan din niya.

"Pero may masmalakas pa sa kanila at tinatawag sila ng mga bampira bilang hunters dahil sa gabi lang sila lumalabas at alam mo bang waka silang anyong pisikal? Dahil sila isa lamang mga anino. Isang nakakatakot na anino." Dagdag pa ng batang lalaki at nagtaka naman siya kung bakit ang dami-daming alam ng isang to. Di niya malaman sa kanyang isipan kung isa ba itong bampira o kaya mas malala pa sa bampira.

"Sino ka ba bakit parang ang dami mong alam sa mga kagaya nila? At kilala mo yung lalaking yun? O ako man lang?? Sunod sunod niyang tanong.

"Hahahaha yeah kilala ko siya at mas lalo kana." Sagot nito na ikinagulat niya.

"ANO!! KILALA MO AKO?" gulat na tanong niya sa batang lalaki.

"Yup diba ikaw si Alisha? Ang makulit na familiar ng dating hari ng mga demonyo??" Gulat na gulat siya sa sinabi ng batang lalaki kaya mas lalo siyang nagka interest dito.

"S-sino ka ba at bakit kilala mo si ako??" Napatawa na lang ang batang lalaki sa inasta niya.

"Basta mamaya ko na ipapaliwanag basta sumama ka na muna sakin." Sabi nito at hinila siya paalis sa pwesto nila. Wala naman siyang magagawa dahil baka patayin pa siya ng mga nilalang na yun kaya wala siyang choice kundi sumama sa batang lalaki na iyon.



Itutuloy...

======================================================================

Naka update ulit hahaha.

Pinaghintay ko ba kayo guys?? Alam ko na oo pero no need to worry kada saturday na ang update ni author sa DWO hehehehezxzxz.

Enjoy reading guys!!

@CoolKidz11

©All Right Reserved 2016

Dragon World Online: Rise Of The Dragon GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon