"Nasa tropa nya kuya." ang nahihiya kong sabi.

"Kuya Clive,do you have another pizza?" ang biglang pagsingit ni Ujie kaya natawa kami.

Pagkatapos nun ay umuwi din kami. Nagpumilit si Clive na ihatid ako kaya wala na akong nagawa pa.

"Totoo ngang kasal si Winji. Paano sila nagka anak ni kuya Uriel? At kilala din nila si Auel?" tanong ni Clive habang nagmamaneho.

"That's true love,Clive." napalunok ako. "Anak ni Kuya Uriel si Ujie dun sa nabuntis nya na namatay. At nakilala nila si Auel kasi nagpumilit yon sumama nung nakaraan." ang sagot ko at tumingin sa labas. Malapit na kami sa bahay.

"Ikaw kailan ka magpapakasal? Wala ka pa bang true love?" ani Clive. Napasinghap ako,kailangan ko bang sagutin yon? Paano ako magpapakasal,kung ang true love ko ay nakatali na sa iba? And worse,kung may tatanggap ba? Magkaiba naman kasi ang nangyayari sa amin ni Winji,si Winji,tulad nung baklang artista na si Khalil maganda ang love story. Ako,hindi pa nagsisimula ay wala na agad. That's how ironic life is.

Sakto nandito na kami sa tapat ng bahay kaya hindi na ako sumagot. "Salamat sa time Clive! Bye!" at agad na akong bumaba sa kotse,hindi na ako lumingon at dumiretso na ako sa loob ng bahay.

Pagpasok sa bahay ay agad kong nilabhan ang uniform ko para sa coffee shop. Bukas na ako magsisimula kaya sobrang na e-excite din ako sa bago kong magiging trabaho.

Kinabukasan,maaga pa lang ay gumayak na ako,opening daw ako eh,so ang uwi ko nito ay alas sinco sa hapon,makakapag pahinga pa ako pag uwi.

"Goodmorning Nicolo!" paulit ulit na bati nung mga crew. Hindi pa nagbubukas ang shop,naglilinis pa lang. Gumanti ako ng ngiti at pagbati at dumeretso na ako sa locker room para isuot ang uniform.

"Ayusin nyo ah? Pupunta dito mamaya si Flexter at si Janna kasama ang iba pang artista. Wala si Emi kaya umayos kayo." naabutan kong sabi nung Japhet sa mga kasamahan.

"Pati ba sina Crayon at Khalil?" sabi ng isang babae na todo ang ngiti.

"We don't know Yssa,si Flexter lang ang nagsabi." sabi naman nung tinawag na Cross ni Maam Emi bago ang interview ko.

"Nicolo,come here." ang tawag sa akin ni Aya na nasa counter kaya lumapit ako. Ang gwapo nya pala lalo. Actually lahat sila dito sa shop mga gwapo at maganda.

"Ano po iyon?"

"Anong nickname mo? Para yun na lang ang ipapalagay ni Jaii sa nametag mo." tanong nito.

"Kloyy po." nahihiya kong sagot.

"Okay. Thank you." seryoso nyang sabi. "By the way Kloyy,huwag kang mahiya,ituring mo kaming pamilya,may kaibigan kaming nagtrabaho dito dati na gaya mo. Si Khalil,hindi kami tumitingin sa kasarian,kundi dito." aniya at itinuro ang kanyang puso. Napangiti ako.

"Salamat po Aya!"

"Oh,tapos na naming linisin ni Kein ang labas. Ewan ko na lang kung hindi mapanganga ang mga tao." sabi ni Jaii habang pumapasok,kasunod nya si Kein at pareho silang pawisan.

"That's good! Now everybody,start of work! And have a nice day! Always smile and don't forget that!" sabi ni Aya at ngumiti ang lahat saka nagkanya kanya na ng gawain.

Wow! As in wow! Mukhang mawiwili ako dito ah?

Pumasok na sina Jaii at Kein sa Locker room,kaya ako,minabuti ko na lamang na tumayo muna sa gilid ng counter habang wala pang costumer.

"Uhm,Kloyy right? Sabi ni Auel Kloyy daw pangalan mo." napatingin ako sa nagsalita sa tabi ko.

"Uhm,oo. Bakit?"

Beautiful Days (Completed)Where stories live. Discover now