"I'm Spanish by blood, dumb-dumb." He told me with a smirk. Imbes na bumalik sa kwarto, pinagmasdan ko siyang pumunta sa kusina. Jave was wearing his favorite black shirt and shorts, nasa mga mata din nito ang antok pero bakit hindi ko mapigilang mapatitig sa bawat galaw niya. Bawat kilos ng katawan niya parang napakalakas ng dating, yung paglalakad niya, yung pagsasalita niya pati pagkamot niya sa gilid ng ilong ang lakas maka-magnet. Sinabi niyang marunong siyang sumayaw, naexcite ako nang maisip ko iyon.

"Nagugutom ako Sofia." anito. Parang kiniliti ant tiyan ko nang marinig ko ang pangalan ko sa bibig niya. Bihira lang kasi iyon. "Hoy!" humarap siya sa akin at tinaasan ako ng kilay nang hindi ako sumagot sa reklamo niya.

"Noodles lang ang pagkain diyan. Di ba sabi mo marunong kang sumayaw?"

Kumunot noo niya. "Magluto ka." utos niya. "Wag mong sabihing sakin ka magpapaturo?"

"Kailangan ko ng partner sa practice.."

"Mukha ba akong sasayaw para sayo?"

"Sige na.."pinagsalikop ko pa ang kamay ko, sabay pinahaba ang nguso ko.

"Ang pangit mo. Magluto ka na."

Nasira ang mukha ko sa sinabi niya. Hindi mapakiusapan ang Paniking ito! "Sorry hindi ako marunong magluto ng pagkain ng Paniki."

Umangat ang ulo niya, ayan na naman sya sa itsura nyang parang gangster na laging mananakit ng tao. "Really? Well, bats don't go to school , do they? Mag-bus ka bukas, hindi ako papasok kaya hindi kita mahahatid."

Tsk! Naisip ko ang haba ng lalakarin ko papasok ng campus, pati na rin ang magiging reaksyon ni Ms. Ysabel kapag nabalitaan niyang nag absent si Paniki. Padabog kong iniwanan ang ginagawa ko. Labag na labag sa loob kong lutuan siya ng pagkain habang siya ay prenteng tinungo ang sala at humilata sa sofa. Napakagaling talaga niyang mangblackmail.

Sa kabilang banda, masaya akong gawin ang mga bagay na ito para kay Jave, nagtataka man ako sa sarili ko pero parang nasanay na rin akong sumunod sa mga utos niya. Isa pa hindi maipagkakailang mabait sa akin si Jave, kumpara sa ibang taong nakakasalamuha niya masaya akong parating espesyal ang turing niya pagdating sa akin.

"Jave, ano na nga ang org na sinalihan mo sa school?" biglang natanong ko. Naisip ko kasi masaya kung makakasama ko si Jave sa isang extra curricular activity sa school, para naman nagkikita kami kahit papanu. Yung mga time lang kasi nakikita ko siya ay yung pagpasok namin at pag uwi namin. In between wala na, nasa kabilang dako kasi ng campus si Jave at nuncang bisitahin niya ako sa klase ko. Dati ayokong gawin niya yun kasi nagkakagulo lang sa paligid, pero parang nakakatampo na minsan, na wala man lang siyang kiber sa akin sa loob ng isang buong araw namin sa campus.

Yung time na pinuntahan niya ako sa audition, dahil yun sa inantala ko ang pag-uwi niya kaya napilitan siyang pumunta sa theatre.

"Jave." ulit ko. Nakatitig kasi siya sa cellhone niya at nakakunot na ang noo. Malapit nang maluto ang noodles kaya pinatay ko na ang apoy. " Ok na 'to. Wag mong sabihin ako pa ang maghahain sayo sumusobra ka na!"

Nagulat ako nang bigla siyang tumayo at patakbong pumasok sa kwarto niya. Paglabas niya nakapantalon na siya at nakahoodie jacket.

"Susunduin ko si Rianne, kainin mo nalang yan. Wag mo na akong antayin Alien, matulog ka na, sisipain na kita kapag inabutan kita diyan sa sofa, maliwanag?"

"Pero.."

"Sige na."

Hindi man lang niya ako pinagsalita, patakbo siyang lumabas ng pinto ng bahay. Hindi ko alam kung ano ang emergency bakit nagmamadali siyang sunduin si Rianne, ang alam ko lang masakit sa damdamin. Buntong hininga kong binalikan ang noodles na niluto ko, hindi ako nagugutom pero sayang naman kung hindi kakainin.




Hindi umuwi si Jave kagabi kaya nagbus ako papuntang school. Mabuti na lamang nadaanan ako ni Zirk kanina pagbaba ko ng bus, hindi na ako naglakad ng pagkalayo para marating ang school sinabay na niya ako. Habang tumatagal nagbabago ang impression ko kay Zirk, hindi naman pala talaga siya kasing yabang ng iniisip ko sa kanya dati. Mabait naman pala siya at magaan kasama. HIndi ko sigurado kung tinuloy niya ang pagsali sa club namin, hindi ko naman kasi siya nakita sa orientation, pero pupunta daw siya mamaya sa dance off para makita performance ng mga bago, lalo na ang performance ko.

Kinabahan ako dahil kapag si Zirk pumunta malamang sumama sa kanya halos kalahati ng population ng school. Ganun ang mga rexes kapag lumalabas sa lungga nila, nakasunod sa kanila ang sandamakmak na mga estudyante. Well, maliban sa demon rex. Nangangain kasi ng tao ang Paniking iyon. Sina Jiro at Ark lang ang lagi niyang kasama.

Pagkatapos ng klase imbes na sa pantry tumuloy upang maglunch, dumiretso ako sa theatre. Kailangan kong magpractice kundi malalagot ako kapag wala akong naipakitang performance, pinoproblema ko ang kapartner, wala naman akong malapitan sa mga lalaking members ng club. Una bago ako at hindi ko sila kilala, pangalawa nararamdaman kong hindi sila bilib sa akin, mababa ang tingin nila dahil nakapasok lang ako dahil sa utos ni Jave. Kaya doble ang kailangan kong patunayan.

Dala ko ang portable disc player na hiniram ko sa admin, napapalibutan ng salamin ang buong dance studio kaya madaling mag adjust kong pangit na ang galaw ko. Magdamag kong pinag aralan ang dance step kagabi kahit papaano may nabuo na akong sariling choreography na nakabase sa kanta.

Magaling kang sumayaw, Sofia. Kaya mo yan. Cheer ko sa sarili ko habang nakapikit. Inaantay kong magsimula ang togtog.

Isinabay ko ang katawan ko sa tempo. Sa una ay mabagal, hanggang sa bumilis na . Nakatingin ako sa sarili ko sa salamin, fortunately gusto ko ang nakikita ko. Maharot ang kanta pero bumagay naman ang pilantik ng beywang ko doon. I can't believe I'm enjoying myself, the dance was a bit daring but its doable. I let my body follow the rhythm of the song while imagining the lyrics that Jave told me about. The dance should be fast yet sensual.

Napatigil ako nang makarinig ako ng palakpak. May ibang tao na pala sa studio.

Si Zirk. Nakita niya ako, todo taas pa man din ako ng damit ko kanina, todo haplos sa katawan na kagaya ng mga nasa video. Namula agad ang pisngi ko, habang malawak ang pagkakatawa niya.

"Sabi ko na nga ba dito kita makikita, alam kong magpapractice ka para mamaya. Ang galing mo, bagay sayo ang kanta..." tapos ay napansin niya ang suot ko. Hanging blouse na medyo labas ang pusod ,tinernuhan ng hapit na itim na leggings para malaya akong makagalaw. "B-bagay d-din sayo ang suot mo..." nahihiya pa niyang dagdag. Napangiti ako ng masense ko ang tensyon ni Zirk, kinakabahan ba siya sa akin?

I cleared my throat. "Kailangan ko ng partner ehh..." atubili kong sabi.

"Is that a problem? I'm sure sa galing mong yan madaming gustong maging kapartner ka.."

"Wala kasing lumalapit sakin...nahihiya naman akong lumapit sa kanila."

Napahawak si Zirk sa baba. "Kelan yan?"

"Mamayang 5pm dito.."

"Pamilyar kasi sa akin ang steps niyan, pero nakita ko may binago ka, sasabayan sana kita.."

Nanlaki ang mga mata ko sa tinuran ni Zirk.

"...kung ok lang sayo." kumakamot niyang dagdag.

Bumilog ang mga mata ko. "Talaga? Sasabayan mo ako?"

"Oo. I think I'm a fast learner naman, turuan mo lang ako doon sa mga part na binago mo.."

"Sure! We still have time today!" halos tumalon ako sa tuwa. Ang pinaka-kinakabahan ko kasing part ay ang sumayaw ako mag isa mamaya, mabuti nalang nagvolunteer si Zirk kundi patay talaga ako.

"Ganyan na ba suot mo?" nakajacket kasi siya ay maong na jeans.

Ngumisi siya sa akin, pinasilay ang magagandang ngipin bago kumindat. Hiubad niya ng dahan dahan ang jacket niya sa harap ko. Naiwan ang white shirt niya na mas lalong nagpalakas ng cool gwapo image niya. Kinakabahan ako na natutuwa, hindi na kasi ako mapapahiya mamaya.

She's The Bad Boy's PrincessWhere stories live. Discover now