I was done doing my morning rituals nung nagvibrate ulit ang cellphone ko.

From: Luludeer

‘Tagal mo.’

Napaka-impatient niya talaga. Lumabas ako sa kwarto ko at sinilip siya sa may bintana, nandun na nga siya! Ugh, can you not be handsome even just for a while baby? Lol.

“Erin let’s go.” I said, sakto namang papalabas ito sa kwarto niya at ready for school na, lumabas na kami ng apartment at nakita namin si Luhan na nakasandal sa may poste sa harap ng apartment.

He beamed nung nakita niya kami. Without uttering words, he started walking. Nakakalimang steps palang kami nung humarap siya.

“Mauna kayong maglakad.” He commanded.

“Sabay na kaya?” I suggested.

“No, mas safe kung ganito.” Ayun nga, nagpauna kaming maglakad ni Erin. Mas kinikilig pa si Erin kesa samin, text ko kaya si Sehun? Lol. Wala pala akong number niya.

Di ko classmate si Luhan sa unang subject, mamaya ko pa siya magiging classmate. Di ko man lang nga natanong kung may pasok na ba siya sa oras na ‘to eh. Di ako makalapit, ewan ko, parang nagiging paranoid ako pagdating saaming dalawa.

Nung nakapasok na kami sa school premise, dumaan kami sa Office of the Student Affairs and daming tao sa labas nun parang may tinitignan sila.

“Anong meron dun?”

 

“Aba malay ko, kadarating lang natin.” I answered Erin.

Lumapit kami para malaman kung anong pinagkakaguluhan nila dun.. Bago pa man ako tuluyang magpunta sa kumpulan, may humawak sa kamay ko, and it is Luhan.

“Saan ka pupunta?” Tanong niya, ngumuso ako at tinuro yung kulto.

“Dito ka nalang.” Iginiya niya ako sa tabi niya. Pero hinila ko siya papalapit doon, sinundan namin si Erin. Ang kaninang maingay ay biglang tumahik, nakita kasi nila si Luhan.

“Anong meron dito?” Tanong ko sa kanila. Walang gustong sumagot, mukhang takot pa rin sila sa katabi ko.

“Sagutin niyo tanong niya.” Luhan commanded them. In a blink of an eye, may sumagot sa tanong ko. Ugh!

“N-nagtransfer po kasi si K-La dito sa s-school…” sagot nung isang nerd.

“K-La? Yung superstar?” Tanong ni Erin, tumango yung mga schoolmates ko.

Then, bumukas yung pintuan kaya’t napatingin kaming lahat. Lumabas ang isang napakagandang babae, she’s with a woman, tingin ko’y assistant niya. Okay, talking about fame.

365 Days with EXOWhere stories live. Discover now