Kaya nung magising ako ng alas diyes ay bumaba na ako para maghanda ng lunch. I would like to surprise him on his office. Baka kasi na-miss niya na ang mga luto ko.

-----

I prepared his favorite spicy buttered shrimp. Eksaktong alas onse naman ay natapos na ako kaya dumiretso na ako sa office.

"Good morning Ma'am may I help you?" magalang na bati sa akin ng receptionist pagkapasok ko sa building ng opisina.

"May I know the President's office?" I asked gracefully.

"Tenth floor Ma'am, just look for her Secretary Lyn for the appointment." She said smiling.

"Thank you." I replied, and head directly to the elevator.

Hindi naman ako nahirapan nang makarating ako sa tenth floor dahil nakita ko agad ang nakangiting babae sa isang desk.

"Yes Ma'am?" masiglang bungad ng babae.

"I would just like to ask, if Enrique's inside."

"Ma'am may I know if you have an appointment with him?" magalang na balik-tanong niya.

"Ahm, Lyn?" umaliwalas bigla ang mukha niya. "It's me Lara. Enri—" but I was shut sa pagka-excite niya.

"Oh my gosh! Kayo po ang asawa ni Sir?" parang hindi makapaniwalang pagkumpirma niya.

I smiled and nodded.

"He was right, you're beautiful and quite... familiar? Nagkita na po ba tayo Ma'am?" I smiled again.

"I guess this is our first meeting, and I am grateful to finally meet you." I gracefully said.

"I am glad to meet you too Ma'am, pero para talagang nakita ko na kayo noon." Ulit nito. "Ah wait." Nakahawak sa babang sabi niya at nagmamadaling naghalungkat sa magazine rack sa likod niya. "Eto 'yon! Sabi ko na e. Model ka nga po pala sabi ni Sir." Tuwang-tuwa pa ring sabi niya na may hinugot na magazine.

A magazine na ako ang cover.

"OMG! Kayo po si Cassie Lopez? Ang ganda n'yo in person and your body, I admire it." She continued na nakatingin sa cover. I was wearing a two-piece in that cover. And that was shoot a year ago.

"Thank you." naaaliw na komento ko. Ang daldal niya pala in person. "By the way, is your Boss in there?" pag-iba ko ng usapan.

"Ay oo nga pala Ma'am. I'm sorry ang kulit ko." Nahihiyang paumanhin niya. "Naku, Ma'am lumabas po kasi si Sir kasama 'yong business partner niya, nag-lunch meeting po sila." Paliwanag nito na napatingin sa bitbit ko. "Ay sayang."

"Ah ganun ba sayang naman, I should have called." Malungkot na pahayag ko. "E ikaw ba kumain na?" I asked her, para naman hindi masayang ang inihanda ko. Nakita kong para siyang na-excite sa tinanong ko pero hindi niya masyadong pinahalata.

"Palabas pa lang po sana ako para kumain." Sagot niya.

"Ganun ba? Tara sabay na tayo." Pag-aya ko sa kanya.

-----

"Miss L, next time na i-surprise niyo si Sir, abisuhan niyo po ako para hindi masayang ang effort niyo." Halos puno pa ang bibig na sabi niya. Kaya tawa ako ng tawa, ang kulit niya nga e. Sinabing h'wag na akong tawaging Ma'am, hindi kasi talaga ako sanay ng gan'un. In the end hindi na ako nakaangal when she called me 'Miss L.'

Nakatapos na siyang kumain nung magpaalam siyang lumabas sandali, dito kasi kami kumain sa opisina. Kasi may dining table at hindi naman siguro magagalit si Enrique na dito kami kumain.

Ilang minuto din akong nag-antay, pero hindi pa nabalik si Lyn. Hanggang sa may nagbukas ng pinto, magsasalita na sana ako nang marinig ko ang boses ng dumating.

"Do you still remember, when we were on college, at niyakag mo akong magtanan, dahil nainis ka kay Joyce" narinig ko mula sa medyo pamilyar na boses ng babae. "That day was the time na sinagot kita, then I told you that time. That I'm not yet ready, and time will come in the future." Patuloy pa ng babae na parang sayang-saya sa ikinukwento.

The girl was wearing a body hugging black dress kaya bakat na bakat ang hubog ng katawan niya. Hindi ko pa nakikita ang mukha niya dahil medyo nakatalikod siya sa gawi ko.

"Wag mo na ngang ipaalala 'yon." Parang naiilang namang awat ni Enrique sa babae.

"That time was when you were in a nag-business trip at saktong dumating si Papa, and I decided to come with him, swear I was guilty." Patuloy pa nung babae, na hindi pa rin ako napapansin. "Did I hurt you that much? Alam mo nagsisi-" naputol ang pagrereminsces ng babae sa biglang pagsingit ni Enrique.

"Stop it, let's stop talking about our past." Pag-awat muli ni Enrique. May suspetsya na ako kung sino ito. Pero nagulat pa ako sa sumunod na ginawa nung babae, niyakap niya ang braso niya sa asawa ko.

"Am I not attractive to you anymo—" hindi niya iyon natapos sa pagbagsak ng pouch na hawak ko sa sahig, kasabay noon ay ang pagbagsak ng luha sa mata ko at ang paglingon nila sa direksyon ko.


----

Thanks for reading!

Please vote and comment kung nagustuhan nyo.

Kinikilig talga ako sa pag dami nyo.. love you all! :)

~LEYN~

One Night's Mistake (Published under Summit Media's Pop Fiction)Where stories live. Discover now