Pero kailangan ko nalang maging masaya para sa BESTFRIEND ko.



Kahit masakit.


Kahit nakakaselos.








May game yung mga volleyball men namin pero di na kami nakanood dahil sabay lang yung game namin magkaiba lang ng location. Okay nadin yon kesa makita kong may ibang nagchecheer sakanya.


<//////////////////////////////////////////////3


Okay naman yung first two games namin pero yung mga sumunod na games nganga na. Lakas ng mga kalaban. Haaaaaaaaaaay.


Talo kaya 3rd placer lang kami.

Paglapit  nung coach namin sakin may goodnews daw sya kase nascout pa pala ako  dun sa school na nagchampion. So makakalaro pako ng provincial meet.  Yay!


Yung mga volleyball men namin nanalo daw.






Inaya kami na dun nalang daw sa school namin matulog para last bonding nadin namin kaya pumayag na kami.


Nagkasalubong kami nila Carlo.


"Congrats best!" Ngiti nya sakin. Napatingin naman ako sa kamay nilang dalawa ni Yza.


Ouch! Ayan nanaman, ang sakit nanaman. :((


Napaiwas tuloy ako kagad ng tingin.



"Ah, thank you. Congrats din." Tipid kong sagot.


Kinagabihan after naming magsiligo pumasok na kami sa kanya kanya naming kwarto. Pinaghiwalay na kasi yung mga boys at girls. Alam nyo na. Hahahaha!


Magkatabi kami ngayon ni Abby, at napansin kong napapadalas yung pagtawag ni Charlie sakanya. Nako e nasa kabilang kwarto lang naman sila. Iba talaga tong dalawa na to. :D


Pipikit na sana ako ng magbeep yung phone ko.


From Besty:

"Best tara sa labas, tambay tayo nila Charlie don ang init kasi di din kami makatulog."


Nireplyan ko nalang sya na susunod kami. Lights off na kasi. Nagdala nalang ako ng blanket at unan.


Paglabas namin ni Abby andon din pala yung iba. Naglalaro sila ng cards yung iba naman kwentuhan lang.


Pinaupo ako ni Carlo sa tabi nya.


"Namiss kita." Mahina nyang sabi.


Di ko alam kung kikiligin pako. Pero mali na kasi to e. May Yza na sya.


Sinandal nya yung ulo nya sa balikat ko. Hinayaan ko nalang sya.


"Tine sakin ka lang ah?" He murmured. Di ako umimik.


Tawanan lang kami ng tawanan don at hindi namin napansin na 2am na pala.


Si Carlo naman nakatulog na pala sa balikat ko, mukhang nahihirapan sya sa pwesto nya kaya inihiga ko yung ulo nya sa arm rest nung upuan. Nung aalisin ko na sana yung kamay ko bigla nya yong hinawakan.



"Please wag mo kong iwan." Nakapikit nyang sabi.


Nagstay nalang tuloy ako don, shinare ko nadin sakanya yung blanket ko kasi medyo malamig na.


Hawak padin nya ng mahigpit yung kamay ko.


Hindi ko maiwasang hindi magsisi sa naging desisyon ko pero siguro ito nadin yung makakabuti para samin. Okay naman kami kahit walang kami e.


I'll treasure this moment. </3


I'm busy looking at the moon ng magsalita si Carlo.


"Sana ganito nalang tayo palagi. Mahal na mahal kita." Tapos hinalikan nya yung kamay ko at pumikit na ulit.


Biglang tumulo yung luha ko, agad ko namang pinunasan.


Please naman Carlo wag ganito. :((









Carlo's POV


Siguro nagtataka kayo kung bat ang bilis naging kami ni Yza? Actually isa syang desisyon na hindi ko talaga pinagisipan.


The day before the Municipal meet nagparamdam ulit sya sakin at gusto nyang makipagbalikan, hindi ko alam kung anong naisip ko at pumayag ako. Wala yata ako sa sarili ko nung umoo ako e. Sariwa pa kasi yung sakit nung pagreject sakin ni Tine nung umamin ako sakanya. Ayokong isipin niya na hindi ako seryoso sakanya pero wala e, napasok ko na.


Nung ibalita ko yon sakanya ewan ko pero feeling ko hindi sya masaya para sakin. Parang may nakita akong pain sa mata nya. Totoo ba yon o nagassume lang ako? Hindi ko nalang tuloy pinansin.


Binatukan nga ako nila Lawrence ng malaman nila. Ang gago ko daw kasi.



Gustong gusto kong manood ng game nila Tine pero ang malas lang kasi sabay yung game namin tas magkalayo pa. Haaaaay!



"Babe, okay ka lang ba? Ang tahimik mo?" Tanong sakin ni Yza habang hawak hawak yung kamay ko.


Pucha! Nakalimutan ko ng kasama ko nga pala sya. Yung GIRLFRIEND KO. T_T


"Ah, okay lang babe." Ngiti ko sakanya.


"Babe, may namamagitan ba sainyong dalawa ni Tine? Parang may something kasi sa mga tinginan nyo tapos magkajersey number pa kayo."


Napaisip tuloy ako. Yung jersey number? Honestly sinadya ko talaga yon. Jersey number nya yung pinakauna kong ipinagtanong sa mga kateam nya. Hahahahaha! At buti nalang walang kumuha ng number 8 samin.


"Babe??!" Natauhan ako.


"Ah, wala babe ano ka ba. Magbestfriend lang kami." Paliwanag ko pero halata namang hindi sya naniniwala sa isinagot ko.





Nung gabing inaya kong lumabas si Tine ang totoo non gusto ko lang talaga syang makasama. Kasi sobra ko syang namiss. Gusto ko syang yakapin.


Nung pinaupo ko sya sa tabi ko di ko na napigilan at nasabi ko tuloy sakanya na namiss ko sya at sakin lang sya, pero hindi sya umimik.


OUCH.


Nagtulug tulugan ako para wag nya akong iwan at hindi sya umalis sa tabi ko.


Success kasi nagstay sya! Ang caring talaga niya, nung medyo nagtagal akala yata nya na talagang nakatulog ako. Hahahaha! Inayos nya pa yung pwesto ko pero naramdaman kong aalis sya kaya hinawakan ko yung kamay nya.


"Please wag mo kong iwan." Nakapikit kong sabi. Akala siguro nya nananaginip nanaman ako. Mabuti at hindi nga nya ako iniwan. Kinumutan pa nya ako at binantayan.


Sana tumigil yung oras kahit ngayon lang.



Ayokong bitawan yung kamay nya, ayokong gumising kase paggising ko hindi na kami pwedeng maging ganito ulit.



Mga hiram na sandali. Ang sakit pala. Ang hirap.


"Sana ganito nalang tayo palagi. Mahal na mahal kita."Seryoso kong sabi sakanya at hinalikan yung kamay nyang hawak ko.












A/N


Super haba ng UD ko ngayon ewan ko ba. Hahahaha!

Keep reading guys!


Spread the love ya'll! :)

SML!

-Kettlekorn

Bestfriends (COMPLETED)Where stories live. Discover now