Tinignan ko lang sya ng masama. Gago talaga.


Magkatabi kami ngayon pero di parin kami nagiimikan. Di ko alam kung anong sasabihin ko sakanya.



"Ahhhm, best bat nalate ka ng dating kanina?" Mahinang sabi ni Tine.


"A-aahhh a-ano kasi napasarap yung tulog ko." Pagsisinungaling ko.


"Yung totoo??" Ayaw nyang maniwala.


Haaaaaaaay! Mga babae talaga.


"Balita ko uminom daw kayo ni Charlie??" Panghuhuli nya.


"Gago talaga yon, di naman ako naglasing no. Chill lang." Tumatawa kong sabi.


Kinurot tuloy nya ako sa tagiliran.


"Araaaaaaaaaaaaaaaaay!!!" Sabay hawak ko dun sa kinurot nya.



"Tigas talaga ng ulo mo." Tapos inirapan ako. Hahahaha!


















Tine's POV


Municipal meet na, andito kami ngayon sa quarters namin dahil kakatapos lang ng parade. Maya maya lang daw magstart na yung mga games.





Hinahanap ko si Carlo dahil may itatanong sana ako sakanya, ipinagtanong ko sya sa mga kasamahan namin pero di daw nila alam kung nasan sya.



Nakita ko si Abby.

"Nakita mo ba si Carlo?" Tanong ko.


"Ahh, si Carlo ba? Ah-ah ano kasi Tine magkasama sila ni Yza ngayon andon sila sa may JAL." Sagot nya tapos tinap nya ko sa shoulder.





Parang may tumusok sa puso ko, bakit ganito yung feeling? Parang masakit. :((


Inantay ko nalang syang makabalik sa quarters, at nang makita ko sya kasama nga nya si Yza bitbit pa nya yung bag.


"Balita ko nagkabalikan daw sila. Anong nagyare?" Tanong ni Abby.


Di nalang ako umimik.


Bakit ang bilis naman yata?


Totoo ba talagang mahal nya ako? Bakit bigla naman silang nagkabalikan netong ex nya?


Nung lunch na sumabay na sa pagkain samin si Carlo, di ko sya iniimik.



"Best, may sasabihin pala ako sayo." Excited nyang sabi.

"Ano naman yon?" Tamad kong tanong.

"Nagkabalikan na kami ni Yza!!" Ngiting ngiti nyang sabi.


Alam ko naman na e, pero bakit mas masakit nung sakanya ko mismo narinig?

Tapos ang genuine pa ng ngiti nya.


OO NA!! NAGSESELOS NA AKOOOOOOOOOOOOOOOO!!!!



Pero kasalanan ko naman e, nireject ko sya tas ngayong may iba ng nagpapasaya sakanya aarte arte naman ako. Pero pucha naman kasi e!!! :( Nakakaiyak!


Mahal ko na nga yata talaga sya, pero wrong timing na. Too late.



Ang sakit palang makita na yung taong mahal mo masaya sa piling ng iba. Ibang kamay na yung hawak nya. Ibang tao na yung inaalagaan at pinoprotektahan nya.


Bestfriends (COMPLETED)Where stories live. Discover now