Chapter Six: The Day It Rained Forever

225 27 4
                                    

"Hello, Hannah! It's me, Yannah! Nice to meet you. Ang ganda mo pala sa personal no?"

So parang sinasabi niya na pangit ako sa picture? Mga tao talaga ngayon mga pasmado bibig eh.

"Huwag mo nga akong husgahan dyan sa isipan mo. Mabait kaya akong tao. Ikaw talaga!"

Oh my god. Halata ba sis? Joke lang. Sino ba kasi itong babaeng 'to? Nagulat na lang ako na nasa kwarto na siya at parang bata na tumatalon kanina sa kama. Hindi naman ako galit dahil ginising niya ako pero ang akin lang naman sino ba siya para gawin sa akin yun? At parang close na kami kung makipag usap siya sa akin ngayon.

"This is your room at ako naman sa kabilang room. Ang saya naman! Ngayon lang ako na proud kay kuya dahil pinatuloy niya ako sa bahay na 'to at nagkaroon pa ako ng bagong kaibigan!"

Nagulat ako sa sinabi niya.

"Hindi ko alam na may younger sister pa pala si Maisen."

"Nag overthink ka no? Huwag na ate, sasabihin ko na. Anak ako ni Aleng Magda ang dating katulong ni Sir Sen noong bata pa siya at dahil matigas ang ulo ko ay iniwan na ako mismo ng magulang ko sa kanila. Kaya heto ako ngayon ampon ng kadiliman. Charot! Kampon pala 'yon. Basta parang ampon na nila ako at kung wala ako sa mansyon ay nag bibisita ako dito kay Kuya."

Ngayon lang ako nakakilala nang taong ganito ka talkative. Parang hindi ata ito na uubusan ng energy. Dahil mag mula kanina ay hyper na ito at kahit si Maisen ay lumabas na ng bahay di lang dahil sa may trabaho ito kung 'di ay na iingayan na daw siya kay Yannah. Nakakatuwa ang closeness nilang dalawa. Para na talaga silang magkapatid. Inaasar niya pa nga kami ni Sen pero hindi naman ako nagrereklamo.. Kinikilig din ako kanina eh.

"Hindi ako masamang tao. Mabuti naman akong tao at wala akong gagawin na masama sa'yo. Kailangan mo lang mag tiwala sa akin. Tama na nga 'tong bunganga ko. Halika na sa baba at kakain na po tayo."

Hindi pa nga ako nakakapagsalita ay hinila na niya ako pababa ng hagdan. At hinayaan ko na lang siya.

Nang makaupo na ako ay nagulat ako nang pag silbihan niya pa ako. Kumuha pa ito ng lampin dahil baka raw ay matapunan ako ng pagkain ko.

"Thank you." sinabi ko iyon nang nakangiti sa kanya.

"You're welcome! Natutuwa talaga ako na nandito ka na. Tagal din kitang hinintay e."

"Ha? Paanong matagal na e 'di ba ngayon lang naman tayo nagkakilalang dalawa?" pagtataka ko pang tanong sa kanya.

Bigla niyang nailuwa ang pagkaing nasa bibig niya. Huminga siya nang malalim at tipid na ngumiti. At sinabing, "Ano kasi parang nakita na kita sa panaginip ko noon. Kaya nasabi ko na matagal na kitang hinihintay, buti naman nandito ka na. Nagkatotoo panaginip ko! Hehehe."

Hindi na lang ako umimik. Natawa na lang din ako sa expression siya. Para siyang komedyante pag nag sasalita. Ang gaan niya kausap talaga. Parang pakiramdam ko ay matagal na kaming magkakilala kahit na ilang oras pa lang naman kami magkasama. Parehas sila ni Maisen, magaan ang loob ko sa kanilang dalawa.

"Hannah.."

Agad akong napalingon sa taong tumawag sa aking pangalan. Halatang pagod ito sa trabaho pero nakuha pa rin niyang ngumiti sa akin.

Umupo siya sa tabi ko. Parehas pa kami tumayo ni Yannah para lagyan nang pagkain ang plato niya pero nag insist na si Yannah na siya na ang kikilos at mag usap na lang muna kaming dalawa ni Sen.

"How was your day?" ito agad ang una kong tanong sa kanya. Gusto kong malaman dahil pakiramdam ko ay parte na rin ako ng buhay niya ngayon at gusto ko din siyang mas makilala pa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 26 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WHOLE AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon