Chapter 24~Will You Be My?

Start from the beginning
                                    

-----

Lumipas ang ilang taon simula nung nangyari ang insedenteng yun. May mga white hairs nang tumutubo sa buhok ko. Naging raisins ang mukha ko. Di na ako makakita pa ng maayos tsaka ang bagal ko na ring maglakad. 101 years old na ako ngayon. Di na kami friends ng classmate kong si Frenz. Di na rin kami magkakapatid ni Elsa dahil bumalik siya sa bruhang kapatid niyang si Anna. Bweset. Iihawin ko kaya yun. Pinutol ko na rin ang buhok ni Rapunzel na abot sa Korea ang kahabaan nito. Si snow white, sa sobrang puti hindi ko na siya makilala pa. Lagi kasing umiinom ng glutha! Nagmumukha tuloy siyang white lady.

Anyways, nandito ako ngayon sa sementaryo. Binibisita ko ang puntod ni Dwight. 99 siya nang mamatay siya. Masakit. Masakit kasi nalaman mong patay na ang taong mahal mo. Pero joke lang yun. Hindi naging kami ni Dwight. Hindi rin ako 101 years old at hindi rin 99 years old si Dwight. Gawa-gawa ko lang ang storyang yun dahil boring dito sa bahay.

Maraming nangyari sa loob ng isang araw. Minalas ata ako ngayon.

Una, naubos na ang pagkain namin dahil sa batang bakla! Leche.

Ikalawa, nawala yung unicorn onesie ko! Leche.

Last but not the least, naging girlfriend ako ni Dwight---este, fake girlfriend pala.

--Flashback--

"Will you be my girlfriend?"

Ha? Ano daw? Paki-ulit? Maging gurlprend ako ni Dwight? Hindi naman ito panaginip diba? Diba? Dreams do come true bessss!! Maging boyprend ko na si Dwight at maghahappily ever after na kami---

"I-i mean fake girlfriend..Will you be my fake girlfriend?" Napakamot siya sa kanyang batok.

Napalitan ang ngiti ko ng malungkot na mukha pero ngumiti kaagad ako. Ay, fake lang pala. Fake lang Cath, fake. Plastic, peke, in other words, made in China! De joke lungs.

Don't Mess With the Nerd Where stories live. Discover now