Chapter 24~Will You Be My?

176 13 2
                                    

Chapter 24~Will You Be My?








[Cathliene's POV]

Gising. Kain. Cellphone. Tulog. Repeat.

Sabado ngayon at wala akong ibang magawa kundi mukmuk na lang sa bahay.

"Wala ka na bang ibang magawa dito ate?"

Isa pa tong batang to eh. Nakakainis eh. Sabi niya isang linggo daw lang siya dito, eh dalawang linggo na yang nakatira dito sa bahay namin. Akala mo naman kung sino.

"Tsk. Lumayas ka! Di mo 'to bahay!" Sigaw ko sa kanya.

"K." Sagot niya tsaka bumaba. Pero bago pa siya makakababa, may sinabi siya. "Tatawagin ko na lang kaya yung crush ni Ate?"

Tss. As if namang pupunta yun dito. Wala naman siyang number ni Dwight eh. Pfft. Ewan ko lang sa batang yun.

Inilipat ko na lang yung channel.

"Oy, produce 101." Sambit ko at inayos ang pagka-upo ko sa beanbag couch ko. " Nasaan si Lee Daniel--teka diba Kang Daniel yun? Or Kim Daniel? Ay basta! Basta may Daniel---"

"Ateeee!!" Nahulog tung remote ko nang sumigaw si Theo. "Nandito si Dwight! Hinahanap kaaaa!"

Ha? Ano daw?

Hinahanap ka na ni Dwight mylabs--este your labs.

Eh baka nag-prank lang yun. Tsk.

"DON'T ME THEO HA?! DON'T ME!!"

Kumuha ako ng dalawang pringles at tatlong piattos sa refrigerator ko. Oo. May ref ako dito sa loob ng kwarto ko. Bumalik ulit ako sa dating posisyon ko at nagsimula nang kumain habang nanunuod ng Produce 101.

Narinig ko na bumukas yung pinto.

"Anong ginagawa mo dito? Sabi ko lumayas ka na dito, di mo to bahay." Sabi ko sabay subo ng pringles. Nakatalikod ako habang sinabi ko iyon so hindi ko alam kung sino yung sinabihan ko nun pero para sa'kin si Theo---teka, naguguluhan na ako sa sarili ko. Aishh.

"Oh, okay. Sige, uuwi na lang ako. Sorry, Cath. Hehehe..." Agad akong napatignin sa likod ko nang malaman ko kung sino yung taong nagsabi nun.

Akmang lalabas na sana siya sa kearto ko nang tinawag ko siya. "D-dwight!" Napatignin siya sa'kin. "S-sorry, akal-la ko si T-theo eh."

Ngumiti siya sa'kin. Sinuklian ko naman siya ng ngiti. Ay bes, kinikilig ako dito.

"Pringles?" Tanong ko at ipinakita sa kanya ang pringles na kanina ko lang kinain. Umiiling lang siya.

"Ano palang ginagawa mo dito?" Tanong ko. Hindi naman dahil sa hindi ko siya gustong pumasok sa bahay namin, pero tinanong ko lang siya.

Napakamot siya sa kanyang ulo. Hay nako, alam niyo, he reminds me of my classmate nung grade 7 pa kami. Hindi ko lang sasabihin ang pangalan baka maiihaw ako nun. So back na nga tayo sa classmate ko na feeling gwapo. Kahit na tatawagin lang siya ni Maam, aayusin niya ang buhok niya. Lol. Mukha siyang stupidong tanga. Sorry, pero totoo talaga eh. Hindi siya gwapo pero matalino ito. Pero ako pa rin ang pers onor no?? Nerd nga ako noon. Siya lang ang second honor.

"O-oy Cath!" Kinakaway ni Dwight ang kanyang kamay sa harap ko.

"A-ah..ano ulit yun? Hehe.." Napakamot ako sa batok ko.

Napabuntong-hininga siya. Lumapit siya sa'kin. Yung tipong maaamoy ko na yung amoy Vfresh na hininga niya.

"Will you be my girlfriend?"

Don't Mess With the Nerd Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon